Kristan Pov Para siyang mababaliw sa kaba para sa kanyang mag ina habang tinatanaw ang papalayong speed boat na kinalulunanan ng mga ito. Naramdaman niya ang pagtapik ng kakambal sa kanyang balikat. "Tara na nag uumpisa na ang maiinit ang ulo sa loob." Sabi pa nito. "Gayle sumunod kalang sa akin." Sabi ni Polo sa asawa nito na mas pinili na magpaiwan kasama sila. "Ano ang mapapala ko sa pagsunod sayo?" Sabi pa ng babae na nauna pang magkasa ng baril sa asawa nito. "Tsss pag sa kama naman napapasunod naman kita. Pero pag sa ganito ang tigas ng ulo mo, humanda ka mamaya pag nakauwe tayo." Dinig niyang banta ng kaibigan niya sa asawa nito. "Puro satsat!" Sabi ng isa na hinawakan pa sa puwet ang asawa na nanggagalaiti. Yung asawa niya ay shy type. Minsan natuto na din na asarin siya. Pe

