Di niya alam kung ano ba ang kanyang dapat na reaksiyon, ngayon na malapit na itong matapos sa pakikipag usap sa kaibigan nito. Tila good news ang dala ng kausap nito at nakangisi ito na parang aso sa kanya. Kumatok kanina ang isang kasambahay at may iniabot na mga damit niya. Mga maninipis na pantulog at kung ano ano pa, pinabili daw yun ng Daddy niya. Nang tinanong naman niya kung nasaan na ang Mama niya ay nasa silid na daw ng Daddy niya. "What?" Tanong nito ng makitang titig na titig siya dito. Di naman niya syempre aaaminin na dito siya nakatingin. "Huh?" Tanong niya dito. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Tanong nito na nakakunot ang noo. "Bakit paano ba ako tumingin?" Tanong niya dito. "Para kasing gusto mo na lapain ako e. Willing naman akong ulitin natin ang ginawa mo l

