Kinabukasan ay tanghali na ng lumabas ng silid ang kanyang Mama at kanyang Daddy. Di hamak na panunukso ang nakaabang sa dalawa mula sa kanyang ate. Nasa tabi niya ang lalaking tila tuko na nakadikit sa kanya. "Ahermm bibili naba ako ng other set ng baby dresses?" Sabi agad ng ate niya ng makita ang Mama niya na bagong ligo. Kasunod ang Daddy nila na bagong ligo din. "Nakabili kana diba?" Tanong niya naman dito. "Baka kasi makahabol pa ng bunso si Mama at si Daddy. Heheh." Sabi nito na pinanlakihan ng mata ng Mama niya. "Ayeee..." Panunukso ng mga kasama nila ng hagipin ng kanyang ama ang kamay ng mama niya. Di niya naman alam kung kikiligin ba sya, tiningnan niya ang reaksiyon ng kanyang katabi. Nakangisi din ito pero di naman sumali sa panunukso sa Mama niya. Halata ang saya sa

