Hapon na pero wala paring Kristan na bumalik, para tuloy siyang nanamlay. Syempre nag overthink na naman siya na baka di na ito bumalik pa. Sumagi sa isip niya ang issue sa pagitan ng Ate niya at ng kakambal nito. Maaring madamay siya, baka nagbago na ang isip nito sa pagpapakasal sa kanya. "You seem so restless anak." Puna ng Daddy niya na di man lang niya namalayan ang paglapit. "Di pa po kasi bumabalik si Kristan D-dad." Sabi niya na tila kay hirap bigkasin ng Dad. Pero alam niyang sa malaon ay kailangan niya ng sanayin ang kanyang sarili. "Maybe may pinuntahan lang." Sabi nito sa kanya. "Ni wala man lang chat o text. Baka nagbago na ang isip niya at di na ako pakakasalan." Sabi niya na bakas ang lungkot sa mukha. "Wag kang mag isip ng ganun, alam ko na mahal ka ng batang iyon. Ma

