Dalawang araw bago ang kanilang kasal ay pumanaw ang kanyang Lola. Dahil na din siguro sa katandaan at sa sobrang pagod, lalo at minsan ay di naman nagpapaawat sa mga ginagawa nito. "Anak, pasensya kana kung kinakailangan natin na i postpone na muna ang kasal nyo." Sabi ng Daddy niya. "Naiintindihan po namin Dad, pwede naman po na pagkatapos nalang manganak ni Venice kami ikasal." Sabat ni Kristan sa kanyang ama. Kagabi pa nila napag usapan ang pag re schedule ng kanilang kasal. Lalo at nakasal na naman din sila sa huwes. Kinakailangan nilang maikasal para magkaroon ng access si Kristan sa kompanya ng kanyang ama. Hiniling kasi nito na tulongan ito ng asawa niya na i manage ang ilang mga negosyo mg pamilya Benitez. Kumbaga ang kasal nila sa simbahan ay isang pormality nalang, dahil

