May pa banner para sa kanyang pagdating sa mansion ng mga Benitez. Sa may garden nandun ang mga tao na karamihan ay di pa niya nakita minsan man. Di niya alam kung paano haharapin ang mga ito. Tila natuod naman si Ging sa tabi niya, nakatingin lang ito sa particular na tao sa loob. Dun sa lalaking nakatayo salikod ng kanyang lola. "Ging baba na daw tayo." Untag niya sa babae na tila natulala nalang. "A e.." sabi nito na tila namutla. Tila pinagpawisan ito kahit na malakas naman ang aircon sa loob ng sasakyan. "Dali na, magtatago ako sa likod mo." Sabi niya sa babae. Nakita niya ang papalapit sa sasakyan nila na katipan. Kumatok muna ito bago sila pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. Tila alumpihit pa si Ging bago bumaba. "Slowly, sigurado kabang ang Daddy mo ang pinili mo? You can alway

