SWB42

2013 Words

Magkasama silang dalawa na dumulog sa hapag ng gabing iyon. Nakakailang ang pakiramdam lalo na at tila siya ang sentro ng pansin ng mga tao sa paligid. Malamang ay sa kwarto nalang siya kumain ng hapunan kung siya lang mag isa ang nandun at wala ang katipan. "Pakiramdam ko ang pogi pogi ko pag ganyan ka." Biro pa ng lalaki ng napahigpit ang kapit niya sa braso nito. "Baliw, nakakailang kaya silang tumingin." Bulong niya dito. "Kristan, Venice upo na kayo dito." Aya sa kanila ng Lola niya na bakas ang saya sa mukha. "Di ko alam kung ano ang paborito mong ulam, kaya pinaluto ko nalang ang sa tingin ko masarap na madalas lutoin ni Belinda noon." Sabi ng kanyang ama. So di pa pala nakalimutan ng kanyang ama ang kanyang Mama sa mga nakalipas na mga taon. "Kahit ano lang po." Nahihiya niyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD