Tahimik lang ang Mama niya habang nakikinig sa kwentuhang negosyo. "Nak, saan ka nakatira?" Bulong ng Mama niya sa kanya. "Dito ako ngayon sa kanila." Nahihiya niyang bulong sa Mama niya. "Akala ko ba nag boarding house ka?" "Umalis po ako dun ng mahospital ako." Pag amin niya dito. Medyo na guilty siya sa part na di niya sinabi dito ang tungkol sa kanyang pagkaka hospital. Ayaw niya lang din kasi na mag alala ang Mama niya, kaya di na niya sinabi. "Na hospital ka?" Nanlalaki ang mata na tanong nito, medyo napalingon pa ang mga kasama nila dahil bahagya na napalakas ang boses nito. "Opo, di naman po malala. Nilagnat lang ako kaya ako dinala ni Kristan sa Hospital." Paliwanag niya pa. Di na niya masyadong i details masyado at nakakahiyang malaman ng sambayanan ang kanyang sinapit sa

