Prologo: Mount Manunggal

1506 Words
Ecclesiastes 3:1, 8 (NIV) "There is a time for everything and a season for every activity under the heavens... a time to love and a time to hate, a time for war and a time for peace." Mount Manunggal, Cebu. 1890. Spanish Era. Nandito pa rin tayo sa panahong nahahati ang sistema sa limang katayuan ng lipunan. Peninsulares, mga kastilang ipinanganak sa Espanya. Insulares, mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas. Mga Mestizo, mga kastila-pilipino, halong lahi. Sangleys, mga Tsino. At ang pinakamababang uri sa lahat, ang mga Indios – mga katutubong Pilipino. Ngunit sa panahon na ito, lumalabo na ang antas. Marami nang edukado at mayamang Indio at mestizo, tinatawag silang mga Ilustrado. Ngunit hindi pa rin sila tanggap bilang tunay na elitista ng mga Kastila. Sa panahon na ito, ang mga kastila pa rin ang namumuno at wala pang digmaang nagaganap sa pagitan ng Espanyol at Amerikano. Hindi pa ganap ang alitan sa tatlong lahing nagpapataasan palagi ng ihi. Pero marami nang banyagang sibilyan sa Pilipinas, lalo na siguro ang mga dayuhang negosyante at misyonaryo. Hindi maituturing ng mga Pilipino na sa kanila ang bansa. Ngunit sa totoo lang, kung iisipin sa nakalipas na tatlong daang taon, hindi naman ito naging pagmamay-ari nila. Sa tatlong siglo na dumaan, sinusunod pa rin ng Inang Pilipinas ang Inang Espanya. At isa ito sa dahilan ng pagrerebelde ng mga Pilipino. Isa ito sa dahilan ng pag-usbong ng Katipunan, nais nilang sumubok, nais magparating ng mensahe sa mga Kastila, nais maghimagsik. Hindi naman kasi pananakop ang ipinaglalaban nila kundi ang opresyon sa mga mahihirap at dukha. Isang bagay na hindi maiintindihan ng mga taong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. At sa Cebu, bilang isa sa pinakamalaking lungsod bukod sa Manila ay madalas puntahan ng mga dayuhan sa panahong iyon. May mga Amerikanong negosyante na nagbebenta ng mga makina at metal. Ang ilan sa kanila ay mga sundalong nakaligtas sa American Civil war at mga dalubhasa pa sa armas. Nakipagkaibigan at nakipagkasundo ang mga Kano sa Kastila, dahil wala naman siguro silang ibang balak sa Pilipinas kundi salapi. Hah, iyon ang akala natin! Gayunman, hindi maikakaila, napapasimangot ang ilang mga kastila sa mga dayuhan na ito. May trust issues, ika nga— kung gagamitin ko ang modernong wika sa pagsalaysay nito. Ngunit binigyan sila ng papel ng gobyerno tanda na pinapayagan silang mangalakal at magnegosyo sa Pilipinas. Kasi nga— ang mga kastila ay tao rin. Kasi nga— normal sa tao ang maging ganid sa pansariling kapakanan— anuman ang lahi. Ngunit hindi alam ng lahat. Hindi lamang mabunganga o madaldal ang mga Amerikano sa kanilang mga layunin. Tahimik ang mga kano sa pag-abot ng layunin. Karamihan ng mga Kano doon sa Cebu, hindi nagpunta roon upang magbenta ng bakal o kumita ng pera. May iba silang dahilan kung bakit sila nandito. At sa panahon na ito, sinasabi sa mga kasulatan na tahimik pa ang relasyon ng Amerika at Espanya. Hindi pa nangingialam ang kanluraning bansa sa nagaganap sa Pilipinas. Pero nakalimutan nilang isulat sa kasaysayan na hindi rin naman masasabing maganda ang relasyon ng Amerika at Espanya. May tensyon pa rin sa pagitan ng malalaking bansa. Lalo na at may mga Amerikanong hindi ayon sa paraan ng mga taga-Europa. Siguro nababalitaan ng mga Amerikano sa pamamagitan ng pahayagan ang karahasan ng mga Kastila sa Cuba. Siguro, alam din ng mga banyaga ang nagaganap sa Pilipinas. At syempre sa ganitong pagkakataon, nakakita na naman ang mga rebeldeng Pilipino ng bagong kakampi. Ang mga dating sundalo ng American Civil War ay naging bayarang espiya o freedom sympathizers— kung ano man ibig-sabihin ng salitang iyon, kayo na ang magbigay ng kahulugan. May mga maliliit na organisasyon mula sa Amerika ang tumutulong sa mga bansang sinasakop ng imperyo. Nagpapadala sila ng smuggled guns bilang tulong sa mga rebeldeng Pilipino. Pero syempre patago lamang dahil nga— nasabi na ito kanina, ganyan ang kanilang taktika. At syempre hindi naman tatanggi ang mga rebeldeng Pilipino. Kung makakita sila ng alyansa sa labas ng bansa ay mas malaking adbantahe sa kanila. Kaya nang mga panahon na iyon, palihim na tinitira ng magkakamping Pilipino at mga Amerikano ang mga Kastilang matagal nang naghahari-harian sa Pilipinas. Isa si Franklin Cornelius sa mga sundalong lumaban sa American Civil War na sumali sa grupong ito at lumipad sa Pilipinas upang tulungan ang ilang rebeldeng Pilipino. Isa siya sa mga private contractor at military observer— masasabi ring isa sa mga espiya. Military engineering at supply line establishment— ilan lamang sa mga kakayahan niya. Ingles ang kinalakihan na wika ngunit marunong ng kastila dahil sa ilang taong pag-eespiya sa mga bansang Latin at Pilipinas. Dito niya nakilala si Sergeant Celestino, squad leader ng mga Insurrecto o mga Katipunero. Magaling sa taktikal at paggawa ng mga explosives. Anak ng mestiza sa Manila, kabilang sa mga illustrados kaya edukado at marunong ng Tagalog, Cebuano at Spanish. Nakatala ang dalawa sa isang risky operation, kung saan kailangan nilang pasabugin ang isang supply outpost ng mga kastila malapit sa bundok Matunggal. Umabot sila ng tatlong gabi sa misyon, umulan o umaraw, hindi sila tumigil hanggang makakita sila ng pagkakataon na makapasok sa outpost. Kapwa sila dugyot, gutom at basa sa ulan pero hindi nila iyon iniinda. Kahit pa malakas ang buhos nito at malalaki ang patak ng ulan, palihim silang sumugod papasok. "Dili, buang," mahina pero madiin ni wika ni Celestino. Inaayos niya ang pulbura sa ilalim ng supply tent. Nakaupo silang pareho at nakapokus sa ginagawa. Natigilan tuloy si Cornelius sa ginagawa, nagtataka ang bughaw na mga mata nito nang tumingin sa kaniya. "Diablong yawa. Ayaw paglihok ana nga linya, Cornelius. Usa ka sayop nga lihok ug maguba ta duha." Huwag mong igalaw iyang linya, Cornelius. Isang kibot niyan sabog tayo pareho. Kumurap-kurap ang mga mata ni Cornelius. Halatang hindi naunawaan ang sinabi ng kausap. Napagtanto ni Celestino ang pagkakamali. "No muevas esa línea. Un movimiento en falso y ambos volaremos por los aires." Nagsalita siya sa Espanyol at naunawaan na nito ang kaniyang sinasabi. Nanginginig man sa lamig ng panahon, kalmado ang naging tugon ni Cornelius. "He hecho esto cien veces. Solo enciende la mecha cuando yo lo diga." I've done this a hundred times. Only light the fuse when I say so. Napangisi nang bahagya si Celestino. Sa tagal na nilang magkasama, nakukuha na niya ang ugali ng dayuhan. Pero sa una ay napakahirap nitong pakisamahan. "Oh, está bien. Aunque eres difícil de confiar. Piensa, solo estuvimos con estas personas comiendo Tinola el domingo pasado. Haha." Oh sige. Kahit na mahirap kang pagkatiwalaan. Isipin mo, kasama lang natin ang mga taong ito sa pagkain ng Tinola noong nakaraang Linggo. Haha. Sarkastiko ang kaniyang wika at pagtawa. "Cel, lol en tiempos de guerra, no hay amigos ni enemigos, solo personas con diferentes ideologías." Cel, in times of war, there's no friends or enemies, just people with different ideologies. Tumingin si Cornelius sa kaniya at ngumiti. "Oh, is that so? Está bien, no te invitaré a la boda de mi hijo." Oh, ganoon pala? Sige, hindi na kita yayayain sa kasal ng anak ko. Parang gustong matawa ni Cornelius nang marinig siyang magsalita ng Ingles. Ginaya pa talaga ni Celestino ang paraan ng mga Amerikano sa pagbigkas ng maarteng wika. "Pero a mis ojos, eres la única en quien puedo confiar. ¿Lo sabes, verdad?" But in my eyes, you're the only one I could trust. You know that right? Natigilan sila sa pagbubulungan nang marinig na may kumakalansing na bakal sa hindi kalayuan. Nanlaki ang mga mata nila at napagtantong may ronda. Mabilis na inilawan nila ang mitsa at tumakbo papalayo upang iligtas ang mga sarili. Nakita sila ng mga kastila at pinaulanan sila ng bala subalit mabilis ang kanilang biyas na nakapagtago agad sa makapal na mga puno ng kagubatan. Tawa nang tawa si Celestino habang tumatakbo na para bang inaasar pa ang mga kaaway dahil nakapasok sila sa outpost ng mga ito na hindi sila nahuhuli. Hindi na nakahabol pa ang mga kastila sa dalawa dahil sabay-sabay ang pagsabog na naganap. Hindi lang pala isa ang itinanim na bomba ng dalawa. Ang ilan sa mga kastilang sundalo o guadia civil ay tumalon sa malapit na ilog upang makaiwas sa apoy at lumilipad na mga bagay. You still owe me a drink, Cel! "¡Aún me debes ese trago, Cel!" wika ni Cornelius na bahagyang natatawa nang makaupo sila sa tagong bahagi ng kagubatan. Kapag naging malaya na kami, sa bahay ko pare, tumagay tayo. "Cuando ya seamos libres, en mi casa, hermano, vamos a tomar unos tragos," tugon niya habang hinahabol ang hininga. Isa ito sa mga momento na hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya. *** Time Table: American Civil War - 1861 - 1865 Pagtatag ng Katipunan - July 07, 1892 Cuban-Spanish War - 1895 - 1898 Spanish - Philippine War - 1896 - 1898 American-Philippine War- 1898 -1902 Author's Note: At this time, hindi marunong mag-English ang mga Pilipino. Mas marunong silang mag-espanyol. Kaya Spanish ang bridge languange nila at hindi English. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD