Kabanata 3: Cornelius

1265 Words
Napamaang si Celestino nang pagbuksan ang kumakatok sa pinto. Napanganga ang kanyang bibig at halata sa mga mata na hindi makapaniwala. Akala niya ay bumalik na sina Pancho at Carlo dala ang salapi ngunit iba ang nadatnan niya sa pinto. Kanina lamang ay dalawang beses nabanggit ang pangalan ng lalaki. Ngayon ay nandito na ito sa pinto na tila ba nai-summon ng simpleng pagbanggit sa pangalan. Hindi maikakaila ni Celestino, akala niya ay hindi na niya makikita ang lalaki. Lalo pa't nabalitaan niya ang nagaganap ngayon na digmaan sa pagitan ng Amerika at Espanya. Natutuwa kamo ang mga Pilipino - may nahanap silang kakampi. Pero hindi iyon ikinasisiya ng kanyang puso. Ang kanyang pagkagulat ay napalitan ng malaking simangot sa mukha at malaking pagdududa. "Good evening, Cel." Tinanggal nito ang sumbrero sa ulo. Ngayon lamang niya narinig ang dati niyang palayaw noong sundalo pa siya - Cel. Napansin ni Celestino na iba ang suot na uniporme ng lalaki. "My apologies for reaching out at such a late hour, but I've arrived," wika ni Cornelius- may alinlangan din sa tinig. Sa tagal ng panahon na naging kasamahan ni Celestino ang mga sundalong kano, natuto rin siya ng wikang Ingles pagkalaon. Subalit, may kakaiba ngayong gabi at hindi niya ito gusto. Napadaan si Divina sa pinto, ang kanyang mabuting may-bahay at nakita nito si Cornelius sa labas. "Oh, nandito pala si Cornelius. Bakit 'di mo papasukin?" Parang nanermon pa nga ang kanyang asawa. Ngumiti ang babae. "Cornelius, come here." Iginiya ni Divina ang lalaki, nilakihan ang awang ng pinto at marahan na itinulak si Celestino. "Good evening, ma'am. Sorry if I bother you." Nahihiyang ngumiti si Cornelius bago pumasok sa loob ng kanilang munting tahanan. Bahagya pa itong yumuko dahil hindi kasya ang matangkad na katawan sa pinto. Nang makapasok sa loob, naramdaman ni Celestino ang pagkailang. May hindi talaga tama. Pagkatapos ng halos anim na buwan na walang paramdam mula rito- akala nga niya ay namatay na sa kung saan. O baka kinalimutan na sila. Heto ang dating kaibigan, sumugod ngayong gabi na parang walang nangyari. Nagtatampo siya pero wala siyang karapatan. Mga mandirigma lamang sila at normal lamang sa mga katulad nila ang mawalan ng kaibigan. Subalit, sinagip nila ang buhay ng isa't isa noon- mas malalim ang kanilang pinagsamahan. Umupo silang dalawa sa magkabilang dulo ng lamesa, pinaghanda sila ni Divina ng tsaa at kape. Ilang minuto na hindi nagsasalita si Cornelius, nagpapaypay lang ng sumbrero dahil sa init. "Cornelius? It's past midnight. What brings you here?" Hindi na nakatiis si Celestino. Nais niyang malaman kung anong nangyari sa kaibigan. Bakit ngayon lamang ito nagpakita? Narinig niya ang pagpatak ng ulan sa labas, ang pagtama ng mga butil sa mga dahon at lagaslas ng tubig mula sa bubong. Nagsimula na naman ang masamang panahon. Pilit na ngumiti si Cornelius. "Couldn't wait till morning. There's talk of a new alliance forming-Filipino forces and American troops. I came to ask you to join us." Katulad ng dati, diretso magsalita ang lalaki. Walang paligoy-ligoy pa. At sa pangalawang pagkakataon ngayong gabi, napanganga si Celestino. "Join you?" Natigilan silang dalawa, nagkatinginan. Ang tanging nakikita lamang ni Celestino ngayon ay ang alaala ng pakikipaglaban. Ayaw na niyang pumatay. Ayaw na niyang isuong ang sarili sa labanan. "No, Cornelius." Marahan na umiling si Celestino. "I've had enough of fighting. I'm done killing men I don't even know." At naalala ni Celestino kung bakit siya tumigil makipagbakbakan noon. Nais lamang niyang makapiling ang pamilya. "Come on, Celestino. That's nonsense and you know it. You forge rifles every day-tools meant for killing. How's that any different from pulling the trigger?" Nakipagdebate na naman ang lalaki sa kanya. Hindi ito ang una. "It's different to me. I build them so others can decide what they're for. But I... I can't take another life. Not after everything we've seen." "Don't you see what this means? After centuries under the Spaniards-three hundred and thirty-three years, Cel! This could be your people's moment. Freedom's right there-you just have to reach for it." Napabuntong-hininga siya. "Freedom? You speak of it as if it's a prize. But this land isn't ready to stand alone." "What do you mean?" Kumunot ang noo ni Cornelius. "The Philippines... she's like a woman who's been beaten all her life by her husband. She hates him but she's forgotten how to live without him. If that husband leaves, she won't learn to stand on her own-she'll just find another man to depend on." Napasimangot si Cornelius. "You're saying if the Spaniards leave, you'll just find someone else to rule you? That's a hell of a thing to say about your own country." Iniwas niya ang paningin. "It's not what I want to say, Cornelius. It's what I fear will happen." Natahimik silang pareho. Sinusuri siya ni Cornelius, ang mga mata nito ay naghahanap ng kamalian sa kanyang paniniwala. Kasabay nito ay ang pagdami ng patak ng ulan sa labas ng tahanan. "You came all the way here just to recruit me?" Hindi na napigilan ni Celestino ang magtanong. Nag-alinlangan muli si Cornelius pero sinabi rin ang totoo. "You're one of the few men I trust. You fought beside me once. You know how I work, how this fight works-" "That's all I am to you, then? A man who knows how you work? I thought we were brothers-in-arms, Cornelius. But you only come knocking when you need another pair of hands to hold a gun." Pinutol niya ang sinasabi nito. "That's not fair, Cel. You know it isn't." "Fair? Tell me, where were you when the smoke cleared? When men we both trained with were buried in nameless graves? You vanished. No word. Not even a goodbye." Naiinis pa rin siya sa isipin na bigla itong nawala. Parang tinamaan ng sibat si Cornelius na nag-iwas ng tingin. "You think I wanted that? I've been moving from one border to the next. Orders change, faces change, Cel. A man who lives on borrowed names. You're the only friend I ever had who still calls me by my real one." Naririnig nilang lumalakas ang patak ng ulan sa labas. "Then why come back now?" "Because this is it. The moment you people have waited for-and now, finally, a chance to break free. You have to see it." "You speak like freedom is a sword you can swing once and keep forever. But I've lived long enough to know better." Umiling si Celestino. "You've lost faith in the fight," untag ni Cornelius. Madiin ang pagkasabi ni Celestino. "No! I've lost faith in what comes after." Hindi na matandaan pa ni Celestino kung ano pa ang pinagtalunan nila nang gabing iyon. Matutuwa ba siya na buhay si Cornelius at naalala pa siya or maiinis na bumalik lamang ito upang yayain muli siya na makipagpatayan sa giyera? Nang maubos ang kape at ang mga salita, naisip na ni Cornelius na umalis, binigyan siya ni Divina ng payong sapagkat hindi pa rin humuhupa ang ulan. "You were never just a recruit to me, Cel." Bago umalis at isinuot ang sumbrero, iyon ang sinabi ni Cornelius. "Then next time, you should've come back as a friend, not a soldier," wika ni Celestino. Umaasa siyang babalik pa rin ang kaibigan sa kanyang tahanan. "I will." Kiming ngumiti si Cornelius, sumaludo bago binuksan ang payong at sumugod sa ulan. Nanatiling nakatayo sa pintuan si Celestino, pinanood niya ang likod ng kaibigan hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin. Sa huli, hindi siya nagpatalo, hindi siya napapayag na sumanib sa alyansa. Tama ba ang naging desisyon niya? Hindi rin siya sigurado. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD