KENZO: "DAMN!" malakas kong mura nang muntik na akong madaplisan ng bala ng kalaban. Nang i-check ko ang haak na baril na naagaw ko lang din kanina sa isang kalaban ay wala na itong laman na bala. Bullshit! Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauuwi sa barilan ang birthday celebration namin ni Kiro. Masyado rin akong occupied sa kakatingin kay Kikay kaya hindi ko napagtuunan ng pansin ang paligid, masyado akong naging kampanti. "Kenzo, catch." Alerto kong nasalo ang baril na hinagis sa'kin ni Migoh. Ito iyong kasama kong humarap sa mga kalaban sa harapang bahagi ng bahay. Nagmula sa iba't-ibang direksiyon ang mga kalaban. They have snipers all around the place. Ikinapasalamat ko na lang at wala kaming malapit na kapitbahay. Pagmamay-ari namin ni Kiro ang mga lupaing nakapaligid sa bu

