SOMEONE'S POV: "Sir, sa ilang araw naming pagsubaybay sa mga Carson dito sa Pilipinas ay wala po kaming napapansin kakaiba sa mga kinikilos nila," pahayag ni Lero. Siya ang namuno sa mga inutusan kong magmanman sa bawat Carson na narito ngayon sa bansang ito. "Hindi pa rin tayo dapat na makampanti lalo na at nandito pa sa bansa si Felan Carson," dumilim ang anyo kong wika. Sa lahat ng mga Carson, si Felan ang pinakatuso at ito ang ugat na kailangang bunutin pagkatapos kong singilin ang buhay na inutang sa'kin ni Kenzo Carson. Ilang taon ko ring hinintay ang pagkakataong ito. Sa wakas ay nagbunga na ang matagal kong paghahanda na masukol sa iisang lugar ang mga Carson na may atraso sa pamilya ko. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isip ko kung paanong sinalo ni Mommy ang bala na par

