Kikay's POV: "I love you," madamdaming bulong sa'kin ni Kiro. Matapos namin pagsaluhan ang mga handang pagkain para sa isinagawa naming mañanita kanina ay nagpumilit siya na makitulog dito sa silid namin ni Julienne kaya ngayon ay magkatabi kami rito sa higaan ko. Tuwing ganitong parang naglalambing si Kiro ay kusa talaga akong napapangiti at parang kinikiliti ang puso ko. "Unang beses kong naharana ng nursery rhymes." Kahit di ko tinitingnan ay ramdam ko sa boses niya ang kanyang ngiti. Napanguso ako at mahina siyang kinurot na sinagot niya lang nang mahinang tawa. Tawa pa lang ni Kiro ulam na. Nabusog naman ako kanina sa handa niya pero parang gusto ko siyang papakin ngayon. Rawr! Lalo kong isiniksik ang sarili sa mainit niyang mga bisig at iwinaglit sa isip ang kapilyahang nais

