Maraming bisitang dumating kinaumagahan dahil dito raw sa bahay gaganapin ang birthday party ng kambal. Halos lahat yata ng mga Carson ay nandito maging iyong Tito Felan nila na sa Austramica nanirahan, kasama nito si Tita Julia. Ang daming dalang mga tauhan ni Ma'am Kofie upang tumulong sa handaan kaya wala na talagang naiwang trabaho para sa amin ni Julienne. Sabi ni Ma'am Kofie ay bisita raw ako ngayon sa party at pati iyong lahat ng mga kasambahay nila. Ang babait talaga ng mga Carson... may ibinigay pa talagang damit na susuotin sa'min si Ma'am Kofie. Ang ganda no'ng sa'kin. Tuwang-tuwa iyong mga kasamahan ko kaya sama-sama kaming lahat na nag-aayos para sa party. Wala namang inaasahang ibang mga busita maliban sa mga kamag-anak at ilang malalapit na mga kaibigan ng pamilya. Na

