chapter 60

1895 Words

"Kikay." Mula sa direksiyong tinahak ni Sir Kenzo ay napapihit ako sa pinanggalingan ng boses ni Kiro. Agad gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi ko nang makita ko siyang papalapit sa'kin. Di ko maiwasang kiligin habang pinasadahan nang tingin ang gwapong-gwapo niyang ayos. Boyfriend ko na siya pero habangg tumatagal ay lalo yata siyang pagwapo nang pagwapo sa paningin ko. Nang tuluyan siyang makalapit sa'kin ay nangingislap ang mga mata niyang naglakbay sa mukha ko pababa sa suot ko ngayong gabi. "Bakit masyado ka yatang nagpaganda ngayong gabi?" paos niyang tanong at saglit pang tumuon ang mga mata sa nakahantad kong mga hita dahil sa mataas na slit ng suot kong damit. "Iyong likod ko parang kakabagin mamaya," natatawa kong sabi. Halterneck kasi iyong suot kong damit. Tago iyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD