Napa-iwas ako ng tingin nang mapatingin ako doon sa maumbok na parte ng tapis niya. Bakit parang ang haba ng nakatago doon?
Napailing ako agad! Nagiging makasalanan na naman ang mga mata ko. Kung ano-ano na lang ang napapansin ko!
"I-I'm am po... I mean, ako po iyon. Iyong anak ng kasambahay niyo, si Lauren. Trina po." Nag-abot ako ng kamay, pero agad ko ring binawi nang sikuhin ako ni Rina.
Nakalimutan ko, kasambahay role pala 'to, hindi kumpanya na parang natanggap sa trabaho.
Lumapit sa akin ang lalaki at landakang tinitigan ang mukha ko. Napalunok ako, halos maduling na nang salubungin ko ang tingin niya, pero hindi rin ako nakatagal. Nadi-distract ako sa katawan niya. Parang ang sarap lumambitin sa braso niya.
"Bakit p-po, S-Sir? Kasama ba sa qualification ang mukha ko? Para malevel sa'yo?"
Lumayo siya at doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. Lumingon siya sa mayordoma na nakayuko lang habang magkadaop ang mga palad.
"Are you sure she's capable just like her mother?" tanong ng lalaki.
Hindi pa man nakakasagot ang babae, sumingit na ako. "Bakit hindi niyo po subukan?" hamon ko.
"Baliw ka talaga, Trina. Amo natin yang kausap mo, umayos ka," saway ni Rina.
"Maayos naman ako ah," bulong ko at ngumiti kay Sir. "Anong language po ang gusto niyo?"
Pero nagtataka ako, kasi bakit kailangan niya ng marunong ng iba't ibang lengguwahe? Ganito rin ba ang ginagawa ni Nanay? O bago 'to?
Tinitigan niya ako nang mariin kaya hindi ko maiwasan na pagtaasan siya ng kilay, pero agad ko ring binawi nang lumapit siya sa akin. Sa sobrang lapit, naamoy ko ang mouthwash niya. Halos humilig pa ako.
"No," pinal at madiin niyang sabi sabay hawak sa balikat ko. "I want your mother. You have an attitude that I don't like. Mas gusto ko ang Nanay mo."
Napanganga ako. "Pero Sir, nasa ospital po siya. Wala ka bang awa?"
Napasinghap ang mayordoma at si Rina sa sinabi ko.
Bakit? Dahil nagagawa ko siyang pagsalitaan ng ganito? Aba'y karapatang pantao 'to! Hindi pwede ang Nanay ko. Kaya nga ako nandito eh!
"Anong sabi mo?"
Napaatras ako nang dumilim ang mukha niya. Sa puntong ito, gusto ko nang tumakbo.
"S-Sir..."
"Ang tapang mo. Wala kang respeto."
Mukhang mapapasubo pa ako nito.
"Ano bang gusto mong gawin ko, Sir? Gusto ko na ngang patunayan na marunong ako, hindi ba 'yon kasama sa qualification?" tanong ko pa.
Napangiwi ako nang hawakan niya ako nang mariin sa braso. "Sa mukha pa lang... hindi ka na pasado."
"At sa ugali niyo rin, walang magkakagusto sa inyo. Bitaw!" Tinabig ko ang kamay niya at akmang lalabas nang marinig ko ang sinabi niya.
"Kapag lumabas ka diyan, kakaladkarin ko ang Nanay mo pabalik dito," banta niya, dahilan para mapatigil ako.
Napapikit ako at lumingon sa kanya, ngunit nakatalikod na itong naglalakad paakyat sa ikalawang palapag.
"Train her, Arabella! Ayoko sa tatanga-tanga!" sigaw niya na dumagundong sa buong silid. "I want her to be perfect! Pahirapan kung kailangan!"
P-Pahirapan? Tatanga-tanga? Bwisit! Hindi pa nga ako nagsisimula, pero ngayon pa lang, tumataas na ang dugo ko sa kanya! Kainis!
"Trina! Nababaliw ka na ba?!" bulyaw sa akin ng kaibigan ko. "Paano mo nasasagot nang ganoon ang amo natin?!"
"Karapatan ko 'yon! May sakit si Nanay, tapos gusto niyang pabalikin dito?! Baliw ba 'yon? Walang sense ng pagpapakatao? Saka sasampulan ko lang naman siya kanina ah! Bakit parang galit na galit?" nangangalaiti kong sagot sa kanya.
"Baliw ka na nga! Hindi naman magkakaganun kung inayos mo lang sana ang tono ng pananalita mo! Naku! Sumasakit ang ulo ko sa'yo." Napahilot siya ng noo, tila hindi makapaniwala sa ginawa ko.
"Anong gusto mo, lumuhod ako sa kanya? Magpakaawa? Kung pwede naman sabihin na lang? Duh! Mukha naman siyang professional, bastos nga lang."
"Ha?! Paanong bastos?!" Halos lumaki ang butas ng ilong ni Rina.
"Harapin ba naman tayong nakatapis lang ng tuwalya."
"I can hear you, woman! Sino bang pumasok? Hindi ba ikaw?! Kapag hindi ka pa tumigil, hindi ako magdadalawang-isip na putulin ang dila mo!" Dumagundong ang lakas ng boses ng lalaki mula sa itaas.
"Pasensya na po, Sir Ark! Pagsasabihan ko po siya!" si Rina.
So, Ark pala ang pangalan niya? Hindi bagay sa ugali niya.
"Hindi! Totoo naman—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang takpan ni Rina ang bibig ko.
Natigil lang kami nang lumapit ang mayordoma na si Arabella sa amin.
"Gusto ko ang pagiging prangka mo, hija."
Napamaang ang bibig namin ni Rina sa sinabi nito. Akala ko kasi sesermonan niya ako.
"But I will be very strict with your training," dagdag niya.
So may training pala?
"Ilang lengguwahe ang alam mo?" tanong niya.
"Twelve," sagot ko at mukhang nasiyahan siya. "Ano po bang training na sinasabi niya kanina?"
"Maging partner niya sa lahat ng pupuntahan niya. Kaya maghanda ka. Hindi madali ang training na ito... pero hija, may isang rule na dapat mong sundin at huwag na huwag gagawin."
Bigla akong kinabahan. "Ano po 'yon?"
Lumapit siya sa akin at hilaw na ngumiti na para bang nakakalason 'yon, dahilan para mangatog ang tuhod ko.
"Huwag kang iibig sa kanya."