bc

My Russian Boss (SPG)

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
age gap
opposites attract
heir/heiress
drama
lighthearted
small town
like
intro-logo
Blurb

WARNING: R+18

Dahil sa malubhang karamdaman ng kanyang ina, napilitan si Trina na pumalit bilang kasambahay sa kilalang pamilya Aravazon. Doon niya nakilala ang kanyang amo, isang ubod ng istrikto at misteryosong lalaki, kilala bilang halimaw sa mundo ng negosyo, ang bilyonaryong Russian na si Ark.

Dahil ang tanging pinagkakatiwalaan ni Ark ay ang ina ni Trina, wala siyang nagawa kundi tanggapin ang dalaga sa kanyang tahanan. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unti siyang nahuhulog kay Trina, isang bagay na alam niyang hindi dapat mangyari. He’s thirty-six, wala pang naging asawa o seryosong karelasyon, habang si Trina ay dalawampu’t lima pa lamang, no boyfriend since birth.

Ang tanong, magustuhan din kaya siya ni Trina? O tuluyan niya itong itataboy dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad at sa mga sandaling nagdudulot ng init sa pagitan nila?

chap-preview
Free preview
SIMULA
TRINA'S POV ​"Naku, pasensya ka na, Miss, pero hindi kami hiring eh," wika ng babae pagkatapos tingnan ang resume ko. ​Hilaw akong ngumiti at tumango. "Salamat po." Tumalikod na ako at napabuntong-hininga. ​Ang hirap na maghanap ng trabaho ngayon. Kung hindi pasok sa taste nila, full naman iyong iba. Eh itong pinuntahan ko, nakalagay doon sa labas nila, hiring naman, pero wala, mukhang ayaw nila. ​Napakamot na lang ako ng ulo at naghanap ng masisilungan. Tirik na tirik ang araw, kaya baka bukas ko na lang din ito ituloy. ​Sa totoo lang, ayoko nang maging tambay sa bahay. Ilang buwan pa lang simula nung gumraduate ako sa college, pero bored na ako. Kating-kati na akong magtrabaho at tumulong kay Nanay. Iyong kasi kapatid ko na lalaki, tamad, puro lustay at inom ng alak kasama ang mga barkada. Ang sakit sa ulo. ​"Kainis!" Napapadyak ako sa sahig at napatingin sa lalaking dumaan na muntik ko nang masagi. "Pasensya na po." ​Pero napataas ang kilay ko nang mapansin ko itong naka-sunglasses at full black outfit. Mafia ba 'to? O sumasabay lang sa trending? Ang init-init tapos balot na balot. Hindi ba siya naiinitan? ​"Watch what you're doing," salubong ang kilay nitong sabi. ​"Pasensya na po, Sir." ​"Tch." ​Ang sungit. Makauwi na nga. ​Palubog na ang araw nang mapagpasyahan kong umuwi na. Habang nasa tapat na ako ng sa amin, nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si Kuya na nag-iinom na naman. Lagi na lang. ​Napailing na lang ako at nilagpasan sila. Pero hindi pa ako nakakalayo, tinawag niya ako. ​"Trina, may pera ka ba dyan?" lasing niyang tawag. "Libre mo naman ako oh." ​Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman ko itong sumabay sa akin. "Trina naman!" ​Tumigil ako at humarap sa kanya. "Alam mo Kuya, tumigil ka na kakainom! Kung sana ipinapakain mo na lang 'yan sa mag-ina mo, matutuwa pa kami ni Nanay! Hindi ka ba naaawa sa kanila?!" sigaw ko. Punong-puno na kasi talaga ako sa kanya. ​Natulala ako nang hampasin niya ako sa ulo. ​"Bastos ka ah! Palamunin ka rin naman katulad ko! Tambay ka rin, Trina!" sigaw niya pabalik. ​Napakagat-labi ako sa inis hanggang sa malasahan ko na ang dugo ko sa labi. "At least ako, naghahanap ng trabaho! Hindi iyong puro inom lang!" ​Hahampasin na sana niya ako ulit nang makita niya si Rick, iyong tanod sa amin. ​"Pasalamat ka nandito si Rick, bwisit ka!" Saka siya lumiko pabalik sa kanila. ​Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at nginitian na lamang si Rick. Nakakahiya! ​Pagdating sa bahay, hindi pa man ako nakakaupo sa gawa sa kahoy naming upuan ay humahangos na pumunta sa akin ang kaibigan ko na si Rina. ​"Trina! Iyong nanay mo sinugod sa ospital! Na-stroke daw!" balita niya sa akin, dahilan para mapatayo ako. ​"A-Ano?!" bulalas ko. ​Okay naman siya no'ng iwan ko siya kaninang umaga. Bakit na-stroke? ​Agad kaming pumunta sa ospital at nakita si Nanay na naka-oxygen. May asthma si Nanay at ngayon, na-stroke pa. Ano na ang gagawin ko?! Hindi pwede 'to! Dapat may gawin ako! Hindi ko mapigilan at napaluha na lang ako. Pakiramdam ko nakadagan lahat sa akin. ​Nagbantay kami ni Rina sa ospital ng magdamag. Makalipas ang ilang araw, gising na si Nanay, pero naka-oxygen pa rin at hindi na makagalaw. Sabi ng doktor, mas makakabuting sa ospital muna siya para ma-monitor kaya wala akong nagawa kundi pumayag. ​Ang pinoproblema ko ngayon ay kung saan ako kukuha ng pera pampagamot ni Nanay at sa hospital bills. ​Sumubok akong mag-apply, pero ganoon ulit. Wala pa ring tumanggap sa akin. ​"Trina, hinahanap nila ang Nanay mo sa mansyon ng mga Aravazon. Kung hindi raw siya makakapasok, ikaw na lang daw ang pumalit," wika ni Rina na nagtatrabaho rin doon bilang taga-ayos ng mga bulaklak. "Nirecommend din kita sa mayordoma. May natapos ka naman at magaling kang mag-English, kaya kayang-kaya mo sabayan ang amo natin na Russian." ​Russian? Taga-ibang bansa? ​"Mabait naman 'yon," tila nag-aalinlangan pa niyang sabi. "Saka... kailangan talaga. Umutang pa naman ang Nanay mo sa kanila para sa diaper at gatas ng anak ng kuya mo." ​"Ano?! Magkano?!" Napatayo ako. Pinagtinginan tuloy ako. "M-Magkano?" ​Napakamot siya ng ulo. "Uh, hindi lang 'yon. Pambayad din ng mga utang sa tindahan, sugal, at inom." ​"Anak ng—alam mo ba kung magkano?" ​"Hindi ko alam, kaya kailangan mong magtrabaho doon. Magkasama naman tayo. Saka kailangan mo ring magbayad ng bills at gamot ng nanay mo kaya tanggapin mo na." ​"May choice pa ba ako?" Napahilot na lamang ako ng noo. ​Dahil may mga nurse naman na nagbabantay kay Nanay, pumunta na ako sa mansyon ng mga Aravazon kasama si Rina. ​Hindi ko maiwasang kabahan. Nanlalamig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako nang malamig. ​"Does she know how to speak English? How many languages does she know? Is she like her mother?" Narinig kong tanong ng lalaki sa loob, malamig ang boses at malalim. Parang gusto ko nang umurong sa sobrang kaba. "If she disappoints me, I'll drag her mother here—" ​"Trina!" sigaw ni Rina nang pumasok ako sa loob. ​"I know many languages, Sir!" sigaw ko at napatulala nang makita ang lalaking nakatapis lang ng tuwalya. Basa ang buhok at kumikinang ang kumpletong abs dahil sa tubig na dumadaloy doon. "M-Marunong po ako! I can help you, Sir... if you want?" ​Tumaas ang kilay niya. "And... you must be Trina? The substitute maid?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.6M
bc

The Rejected Mate

read
1.7M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
490.9K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
906.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
2.4M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
793.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook