
Magkasamang lumaki at nagkaisip sila Jheric at Lorie sa bahay ampunan. pareho silang iniwan ng kanilang mga magulang noong sanggol palang sila, kung kaya halos magkapatid at matalik na magkaibigan kung ituring nila ang isat isa. magkasama sa lahat ng bagay. Magkatuwang sa iyakan at tawanan. hanggang isang araw. May mag asawang pumunta sa bahay ampunan.
Isa isang tiningnan ang mga batang nanduon kabilang sila Jheric at Lorie. Dahil sa ayaw nilang maampon dahil alam nilang pag isa sa kanila ang makuha magkakahiwalay sila at iyon ang ayaw nilang mangyari. Parang mga basang sisiw at madudungis na damit ang suot nila at sabog sabog ang buhok para lamang pandirian sila at hindi mapili ng mag asawa. Ngunit sa kasamaang palad ay napili si Jheric ng mag asawa upang ampunin ito.
Mapipigilan pa kaya ni Jheric ang nakatadhanang buhay para sa kaniya? Iiwan na nga ba nito ang kaniyang matalik na kaibigan at lihim na minamahal??
