✨️KALEA SARAFINA POV✨️
"CUTIE love!" Napalingon ako sa gawi ni ace ng tawagin ako nito.
Nandito ako ngayon sa canteen kasama ko si ethan. Habang si ace naman ay nasa may isang table sa di kalayuan sa'min.
Tapos na ang klase namin sa araw na'to at dito namin ni Ethan naisipan na mag tambay. Pabor sa'kin yun, dahil may hihingiin din akong pabor sa kanya. I mean, magpapatulong ako sa kanya na maghanap ng isang restaurants na hindi masyadong mahal para sa anniversary nila mama at papa.
"Pansinin mo naman s'ya. Look at him, kawawa naman si ace." Said Ethan, na inikutan ko lang ng mata.
"Hayaan mo s'ya. Isa pa, kasama naman niya si Pauline at Cassandra." Saad ko at pinagpatuloy ko na ang pagkain ng chocolate dessert ko.
"You're jealous." Napa-angat ang tingin ko sa sinabi niya.
"Ako, nagseselos?" Saad ko sabay turo sa sarili ko.
"Yeah, sa pananalita mo palang alam kung nagseselos ka." Saad niya sabay tawa.
"Niknik niya! Kahit na s'ya nalang ang nag iisang lalaki dito sa balat ng lupa, hinding-hindi ako mag-kaka-gusto sa kanya at hinding-hindi ako mag-seselos!" Mas lalong tumawa ang ogags na kaharap ko, na ikina-irita ko lalo.
"I didn't say na magkaka-gusto ka sa kanya. What I am saying is, NAGSESELOS." Saad niya at lumapit sakin ng kaunti.
"Whatever!"
"Umalis nalang tayo and samahan mo nalang ako kung saan ako pumunta." Sabi ko sabay tayo at iniwan s'ya sa loob ng canteen.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nang wala akong maramdaman na sumusunod sa'kin ay lumingon ako.
"Tangenars! Nasan na'yon?"
Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala akung makita ni isa kaya naman napag-desisyon kung magpatuloy nalang sa paglalakad. Bahala s'ya sa buhay niya!
"FO na talaga tayo kapag nagpakita ka sakin bukas!" Nanggigigil na sabi ko.
Pagkalabas ng gate ay agad akong sumakay sa tricycle. Ako nalang ang maghahanap mag-isa total wala din naman na si ethan para tulungan ako. Siguro naman may mahahanap ako na restaurant na hindi mahal masyado.
"Kuya, hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko. Wala kasi yatang balak na umalis si kuya kahit na puno na ang tricycle niya.
"Pasensiya na po ma'am, na flat po kasi ang gulong ng tricycle ko."
Ano?! Seriously? Inis akong bumaba sa tricycle. Tiningnan ko pa ang gulong kung totoong flat, hindi nga nagsisinungaling si kuya.
"Paano po sila?" Tanong ko sabay turo sa tatlong tao na naka sakay.
"Ah, sila? Hindi ko alam. Baka nakitambay lang ang mga yan."
Nakikitambay? Pinagloloko yata ako ni kuyang driver eh.
Ng wala akung ibang makita na masasakyan, ay naglakad-lakad muna ako baka sakaling may dumaan na ibang tricycle. Medyo malalayo-layo pa kasi ang sakayan ng jeep e.
Habang naglalakad, iniisip ko din kung ano bang pwedeng maging designed ng venue para magustuhan ni mama. Gusto ko rin kasi na maging memorable ang araw ng anniversary nila. Matagal na kasi nung huli. I think mga 3 years ago? Hindi ako sure, pero yun ang natatandaan ko.
"Pwede kayang mag request na tumulong ako kapag naka-hanap na ako ng venue?" Bulong ko, habang naka tanaw sa unhan ng nilalakaran ko.
"Venue, para saan?"
"Ay kabayo ka!!" Sigaw ko sa gulat ng bigla nalang may magsalita malapit sa tainga ko.
"Grabi ka naman mukha ba akong kabayo?" Tanong ni Ace, na nakasimangot pa.
Lumingon ako at tumigil sa paglalakad. Bakit ba nandito na naman tong makulit na'to? Sulpot ng sulpot kung saan-saan!
"Oo mukha kang kabayo! Kaya pwede ba, umalis ka nang kabayo ka dahil naiistorbo mo ako!" Saad ko habang nakapamaywang sa harap niya.
"Grabi naman, kakarating ko lang paalisin mo na agad ako?"
"Bakit, pinapunta ba kita rito?" Sarkastikong tanong ko.
"Wag ka nang magalit, dahil sasamahan ka ng gwapong kabayo na'to na humanap ng kung ano mang kailangan mo." Ngumiti s'ya sa'kin habang naka turo ang daliri sa sarili niya.
"Mr. Kabayo, hindi ko KAILANGAN NG TULONG MO, OKAY?" Saad ko sabay talikod sa kanya at naglakad palayo.
Akala ko ay umalis na s'ya dahil wala na naman aking narinig na salita or kahit na ano. Pero nagkamali pala ako dahil paglingon ko nakasunod parin s'ya habang may malapad na ngiti sa mga labi. Tumigil ako sabay harap na naman sa taong to na sobrang kulit.
"Wala ka bang ibang magawa sa buhay at ako ang binubweset mo?"
"Ito naman, wag ka ng magalit cutie love, nandito ako para tulungan ka." Saad niya sabay kurap-kurap nang mga mata na parang nagpapa-cute.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo!"
"Hindi? E kanina ka pa nga nag-iisip d'yan eh."
"Don't tell me na kanina mo pa ako sinusundan?"
"Uhmm...." Hindi s'ya makatingin sakin ng deretso. At ng magsasalita na sana ako ay bigla nalang niya akong hinawakan sa pala-pulsuhan ko sabay hila sa'kin paalis sa kinatatayuan naming dalawa.
"Tara na, baka maiwan pa tayo ng jeep." Saad nito.
Hindi ako nakapag protesta agad dahil may biglang kumalabog sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. Yun bang parang may mga nagtatakbuhan sa loob?
"Tangenars! Pwede bang bitiwan mo ang kamay ko!" Galit na sabi ko sabay hablot sa kamay ko.
"Bakit? Nandyan na ang jeep oh, malapit na tayo." Saad nito sabay turo sa jeep.
"Hindi ka pa ba aalis? Wala ka bang gagawin, or something?"
Gusto kung umalis na s'ya sa harapan ko dahil ayoko ng magpatuloy itong nararamdaman ko ngayon. Gusto kung mawala na s'ya sa paningin ko dahil nakakairita na s'ya!
"Wala. Wala akong gagawin. I'm here, your cutie kabayo, will help you para makahanap ng venue na kailangan mo."
"Hindi kita KAILANGAN!" Saad ko at diniinan ko pa talaga ang huling salita ko para ma kombinse s'ya na hindi ko talaga s'ya kailangan.
"Kahit na hindi mo ako kailangan, sasama parin ako sa'yo." Saad nito at nauna ng maglakad patungo sa may jeep. At dahil wala rin naman akong magagawa kaya naman naglakad na lang din ako para makasakay na.
"Ano palang klaseng venue ang hinahanap mo?" Tanong niya pero hindi ko s'ya pinansin.
Bahala s'ya sa buhay niya, ginusto naman niya yan e.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko para tingnan kung may nag txt ba. Nakita kung meron nga at si papa 'yun.
Papa: Anak, Maaga ka bang uuwi ngayon? Sabihin mo lang Sa akin kung maaga para masundo kita. Patapos na rin naman ang trabaho ko.
Napangiti ako sa text ni papa, kahit kailan talaga napaka caring niya. Even si mama ganun din simula pagka-bata ko.
"Why are you smiling?" Napalingon ako sa gawi ni ace ng magsalita s'ya.
"Bakit, bawal ba?" Masungit na sagot ko.
"Para kang nakikipag text sa boyfriend mo."
"Ano naman sayo?"
"Uhm..Nothing." Saad nito sabay iwas ng tingin.
Ibinaling ko nalang ulit ang paningin ko sa cellphone ko ng tumunog ito.
Nag reply lang ako kay papa, na hindi na kailangan dahil may pupuntahan pa ako.
"Cutie love, baba na, nandito na tayo."
"Saang lupalop naman to?" I asked ng mapansin na hindi pamilyar ang lugar.
"C'mon, baba ka na tutulungan kitang mag hanap ng kailangan mo."
Wala na akong nagawa kundi ang bumaba ng jeep dahil sumigaw na si kuyang driver kung bababa ba daw kami o hindi.
"Tika lang, baka naman kung saan mo ako dalhin ha, wag kang magkakamali kundi kakaratihin kita!"
"Cutie lo—"
"Don't call me that way! Hindi yan ang pangalan ko!" I cut him off.
"Love nalang, para short lang." Saad nito habang naka ngiti ng malapad sa'kin.
"Tara na nga! Baka ma sipa pa kita d'yan at malumpo!" Saad ko sabay lakad paalis.
"Uy, namumula ang pisngi ng cutie love ko.."
"Gusto mong mapugutan ng ulo ngayon din? Huh?" Sabi ko sabay harap sa kanya. Akmang babatukan ko na 'to ng agad s'yang nakaiwas.
"Wag naman…gagawa pa tayo ng maraming anak, at bubuo pa tayo ng pamilya." Saad niya with a gestures pa talaga ng kamay.
"Isa! Wag mo kung subukan baka mapa—"
"Ito naman, tara na nga para makahanap na agad tayo."
Sabay kaming nag lakad. Sumusunod lang ako sa kanya dahil hindi ko kabisado ang lugar na pinag dalhan sakin ng hinayupak na kasama ko ngayon.
I looked around habang naglalakad kami. Maraming mga malalaking restaurants ang nasa paligid na makikita. Marami rin ang kumakain nun sa loob. Yes, nakikita ko ang mga tao dahil karamihan sa designed ng restaurants ay puro glass wall.
Halo-halo ang mga kumakain. May mga students, mga family na masayang nagtatawanan habang kumakain ang mga ito.
Kailan ko kaya madadala sila mama at papa sa ganitong lugar? Sana makapag tapos agad ako para ako naman ang susuporta sa kanila. At para madala ko din sila sa ganito.
"Uy, Cutie love, dali na,"
Sumunod ako kay acel, na pumasok sa isang napakalaking restaurant. Sobrang ganda sa loob. Hindi ako makapaniwala na nakapasok ako sa ganito kalaki at kagandang restaurant.
"Uy tika lang, bakit mo ako dinala dito?"
"Sabi mo nag-hahanap ka ng venue para sa anniversary ng parents mo."
"Oh, tapos?"
"Ito na na yun, I'm helping you para hindi ka na mahirapan."
"Mahal dito, gagi!"
"Tutulungan naman kitang mag bayad. Kaya don't worry na."
"Teka, lang, paano mo nalaman na maghahanap ako venue para sa anniversary ng magulang ko?" Wala kasi akung maalala na may sinabi ako sa kanya tungkol dun.
"I'm ACEL FARIS MORRISON, that's why."
"Ah, ganun? Ede ikaw nalang ang mag celebrate dyan! Total ikaw naman naka-isip!" Sabi ko sabay labas ng restaurant.
Walang hiya talaga kahit kailan! Bakit ba palagi nalang niyang sinisira ang araw ko? Bakit ba hindi ako tinatantanan ng hinayupak na yun? Urggghh! I hate him, already!
Walang lingon na nag lakad ako. Narinig ko pa ang boses nito na tinatawag ang pangalan ko, pero hindi ko s'ya nilingon. Hanggang sa may makita akong taxi. Agad kung pinara 'yun at sumakay. Nakita ko pang humahabol ang hinayupak, pero hindi ko pinatigil si kuyang driver. Bahala nalang ang bwisit na yun sa buhay niya!
Kahit na hindi ako sanay na sumakay ng taxi, ay wala na akong magagawa dahil nandito na ako naka upo. Kaya naman sinabi ko nalang sa driver kung saan ako ibaba.
Bukas nalang ako mag hahanap ng venue na hindi masyadong mahal. Hapon pa din naman ang sabi ni papa kaya may oras pa ako bukas. Buti nalang din at wala akong klase.
"Thank you po, kuya." Saad ko sabay abot ng bayad.
Bumaba na ako at naglakad patungo kung saan ang bahay namin. As usual, marami na naman akong nakasalubong na mga bata. Nakita ko din ang mga chismosang kapitbahay namin na nag tipon-tipon, na para bang may piang che-chesmisan na naman.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang bahay namin. Pagpasok ko, nakita ko agad si papa na naka-upo sa maliit na sofa habang naka yuko.
"Pa," Tawag ko sa kanya ng hindi niya ako napansin.
"A-ana?" Gulat na saad ni papa, mapula ang mga mata niya na parang kakagaling niya lang a sa pag-iyak.
"Ano pong nangyari? Nasaan po si mama?" Sunod-sunod na tanong ko at agad na lumapit sa kanya.
Tiningnan ko ang buong mukha ni papa. Subrang namula talaga ang mata niya.
"Umiyak po ba kayo?" Hindi napigilang taong ko.
"B-bakit ang a—" Hindi natapos ang sasabihin ni pa ng marinig namin ang taong nagtatawanan. Boses yun ni mama, at ng hindi ko kilala.
Dahan-dahan akong tumayo para silipin ang narinig ko. Pinigilan pa ako ni papa, pero wala din s'yang nagawa ng alisin ko ang kamay niya.
Agad na bumuhos ang luha sa mga mata ko ng makita ko si mama. Kalalabas lang nila ng kwarto may kasama s'yang lalaki habang nag tatawanan ang mga 'to.
"Bukas ulit ha, sige na baka maabutan ulit tayo ng asawa mo." Saad nito. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano halikan ng lalaking yun si mama at kung paano 'yun tugunin ng mama ko. Ang masaklap pa ay hindi lang kung sino, ang kasama niya kundi ang ninong ko pa.
##########