✨️KALEA SARAFINA POV✨️
"ANAK, pwede mo ba akong tulungan na isurpresa ang mama mo?"
"Para saan po?"
Nandito kami ni papa sa kitchen, kumakain ng agahan. Si mama nasa loob pa ng kwarto nila ni papa, pina una na kami ni mama dahil daw masama ang pakiramdam niya.
"Para sa anniversarya namin ng mama mo anak, nakalimutan mo na?"
Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala, july na at dalawang araw nalang anniversary na nila. Shocks! bakit ko ba nakalimutan?
"Sure, pa. Ano bang klaseng surprise?"
"Gusto ko sana sa isang restaurants, matagal na kasi na hindi namin na e c-celebrate ng mama mo ang anniversarya namin kaya gusto kung especial ang ibigay ko sa kanya na selebrasyon."
Ang sweet talaga ng papa ko. Simula ng magis-isip ako ni minsan hindi ko nakita na nawala ang pagmamahal niya kay mama.
"Sige pa, my ipon din po ako pwede po natin yun idag-dag
incase lang po na magkulang ang budget niyo." Sabi ko habang excited na nakangiti sa kanya.
"Wag na anak, kaya ko na okay, may naitabi na ako para dun."
"Wow, naman pa, pinaghandaan mo talaga?"
"Syempre, dahil gusto kung maramdaman ulit ng mama mo na special pa rin s'ya, kahit na tumatanda na kami." May ngiti sa labi na sabi ni papa.
"Alam mo pa, kapag ako ready na sa pag-papamilya, pipiliin ko talaga yung katulad mo."
"Dapat lang! Dahil hindi ako papayag na mapunta ka lang sa basta-basta na tao."
"Ay sus,"
"Pero ito ang tatandaan mo anak, kahit na gaano pa kabait at kahit gaano ka pa kamahal ng isang tao, darating at darating yung araw na magkakasala siya sayo. Kaya dapat kapag dumating ang araw na yun, dapat maging handa ka."
"By experience ba yan pa?" Biro ko, na ikinatawa ni papa.
"Hindi ah! Sinasabi ko lang to para maging aware ka."
"Sana all, may pa aware aware na s'yang nalalaman." Saad ko sabay tawa ng malakas.
"Batukan kita, gusto mo?"
"Kahit naman sabihin kung ‘oo’ hindi mo parin po gagawin."
Tumawa lang si papa. Tinuloy na naming kumain na dalawa.
Lord, thank you, dahil binigyan niyo ako ng isang amang mapagmahal at maalaga.
××××××××××
NANDITO na ako sa school ngayon, buti nalang at hindi pumasok ngayon ang asungot na sumisira ng araw ko.
Yung teacher namin, binigyan kami ng instructions para mag designed ng mga bagay na gusto namin. Kaya naman, ine-enjoy ko ang moment na'to dahil dito ko gustong e designed ang dream house ko.
Hinanda ko muna ang lahat ng mga bagay na kailangan ko bago ako mag simula. I gathered a tracing paper, pencil and other things na kailangan sa gagawin ko pag designed.
I started by creating the layout of my design. Pagkatapos ay nagpatuloy na ako sa bawat detalye na gusto ko.
I felt like, my heart is overflowing....wait what, oh, shocks! Napapa english ako sa pag de-design. Haha, joke lang. Of course nasa college na ako kaya marunong akong umuntindi at mag english.
Pinag patuloy ko nalang ang ginagawa ko. Minutes and hour had past hanggang sa matapos ko na ang designed na gusto ko.
Napangiti ako ng makita ko ang designed na ginawa ko. Ganitong bahay ang gusto ko. Someday, kapag nakapag tapos ako, at magkaroon ako ng trabaho or maging successful ako, ganito ang e de-design kung bahay pang regalo sa parents ko for being a good example and for being a good parents to me.
"Magagawa rin kita in real life, kapag naging successful na ako." Bulong ko.
Sinusuri ko pa din ang designed na ginawa ko ng biglang my bumulong sa'kin, "Why are you smiling like a crazy woman. huh?" Na ikina-gulat ko.
"Ay kabayong bakla!" Sigaw ko.
"Quite, ms, montenegro," Saad ng teacher. Siguro dahil hindi pa tapos ang iba na mag design.
"Ba't ka ba kasi nanggugulat?" Bulong na tanong ko kay ethan na nasa likuran ko pa rin hanggang ngayon.
Hindi pa man ito nakakasagot ng biglang mag salita si Ms. Layla. "You can submit your design now, Ms. Montenegro, so you can leave and have your harutan outside.." Saad nito na ikina-ngiwi ko.
Tumayo ako at pumunta sa harapan dala ang designed ko. Pagkatapos kung ibigay sa kanya yun ay agad na din akong bumalik sa upuan ko para kunin ang bag at ibang gamit ko.
"Let me carry your bag, for you." Saad ni Ethan. Wala na akong nagawa ng kunin niya iyun.
"Anyway, bakit pala wala ka kanina?" Tanong ko habang naglalakad na kami palabas ng school.
"Oh, yeah, I forgot to tell you na separate ang engineering and interior designer ngayon." Tumango tango ako sa sinabi niya.
"Why? Did you miss me?"
Tumigil ako sa paglalakad at bumaling sa gawi niya sabay sabi, "Ikaw ma-mimiss ko? Assuming lang?" Na ikinatawa lang nito.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa labas ng gate ng school namin.
"Uuwi ka na?" Tanong niya.
"Yup,"
"Masyado pang maaga para umuwi,"
"Okay lang, para makapag pahinga muna ako bamagako magsimula sa trabaho ko."
"Ganun ba...let's grab some food nalang or drink. Then ihahatid na kita sa inyo."
"Ikaw bahala, basta alam mo na kung saan ako nakatira diba?"
"Yeah, I know, and I don't care kung sa squatter pa kayo nakatira."
"Okay," sagot ko nalang. We'll see nalang kung kaya niya ba.
Sumakay kaming dalawa sa kotse niya. He asked me kung anong gusto kung kainin at sinabi ko sa kanya na sa mcdo nalang kami mag drive thru.
"Anyway, alam ba ng parents mo na may kaibigan kang nakatira malapit sa may squatter?" Tanong ko, habang s'ya naman ay nag dri-drive.
"Yeah, they know you, and they want to meet you, lalo na ang sister ko."
"Sure ba yan? Baka sinasabi mo lang yan para hindi kita layuan ha?"
"C'mon, baboo, hindi ako mag sisinungaling sayo."
"True ba yan?"
"Gusto mo pumunta tayo ngayon? Para makilala ka nila?"
"Next time nalang, kapag ready na ako." Saad ko.
Ang arte diba? Akala mo jowa na ipapakilala, eh friend lang naman.
"We're here...anong gusto mo?"
Nag order kami ng fries, burger, spaghetti, and mcfloat. Same lang kami ng order. Subrang dami nga eh, dahil dala-dalawa ang in-order niya.
Nagtaka pa nga ako kung bakit ang dami. Sabi niya na ibibigay daw namin sa mga bata mamaya kapag hinatid na niya ako.
Pagkatapos namin makuha ang order, napag-disisyonan namin na maghanap ng malapit na park dahil ayuko na kumain sa loob ng kotse niya. Nakakahiya naman kasi kung sa loob kami kakain, eh ang bango-bango, mas mabango pa nga yata kisa sa'kin eh.
"Siya nga pala, wala ka ba talagang nililigawan or napupusuan?" Tanong ko.
Tumingin ako sa gawi niya ng hindi s'ya magsalita. Parang may iniisip s'ya. I can also see in his eyes ang biglaang paglungkot ng mga mata niya.
"Wag mo ng sagutin,"
I heard him cleared his throat bago mag salita. "I had a girlfriend two years ago." Panimula niya. "Naging magkasintahan kami for two in a half year, I think? We were so happy, mahal na mahal namin ang isa't-isa. And then one day, bigla nalang s'yang nakipaghiwalay ng hindi ko nalalaman ang dahilan."
"Oh, I'm sorry to hear that...pero nasan na s'ya ngayun?"
"I don't know, hinanap ko s'ya kung saan-saan, pero hindi ko na s'ya nakita. Even her family ay wala na din sa dati nilang tinitirahan."
"Baka naman may reason s'ya?"
"Baka nga, but if she really had a reason, bakit hindi niya sinabi sakin diba? Kahit ano pa ang maging reason niya maiintidihan ko."
"Yeah, you're right." I said.
"What if one day nagkita kayo ulit, anong gagawin?"
"I don't know.. but you know what, kahit na hindi s'ya nagpaalam, at iniwan niya lang akong bigla, I still pray for good health and her happiness. Dahil kapag masaya at nasa magandang lagay s'ya, masaya na din ako nun."
Wow, ha, hangga na talaga ako dito sa lalaking to. Dahil kahit na ginohst s'ya ng kasintahan niya, ang kasiyahan at magandang buhay parin ang hanggad nito.
Sana lang talaga makahanap 'to ng babaeng tapat at mamahalin s'ya habang buhay.
"You know what, palagi nalang ikaw ang nag tatanong."
Saad niya.
"Well, hindi ko na kasalanan yun, kasi hindi ka naman nag tatanong." Tumawa s'ya ng mahina sa sinabi ko.
"But you know what, you look somewhat familiar."
"Itong squatter na mukhang to? Somewhat familiar? Wag mo nga akong pinag-luluko."
Sino bang maniniwala sa sinabi niya, yung langaw sa may kanal? Duh....
"Can you stop calling yourself a squatter, hindi bagay sayo. Mas bagay kay cassandra yun."
"Ewan ko sayo! Kumain na nga lang tayo!" Sabi ko, dahil nakalimutan na namin na ang pinunta namin dito ay kumain. Hindi ang mag chismisan.
Natawa lang s'ya, pagkatapos ay nag simula ng kumain ganun din ako.
Nag kwentuhan pa din kami ng kung ano-ano hanggang sa matapos kami at napag-desisyon na naming umuwi.
##########