CHAPTER 3

1113 Words
✨️KALEA SARAFINA POV✨️ NANG HINDI ko na makita ang asungot ng buhay ko ay saka lang ako naglakad. Pagkatapos ay lumiko muna ako pakaliwa. Bibili ako ng ulam sa may karendarya dahil medyo nagugutom na ako. May duty rin kasi ako online mamayang eight pm hanggang 12 kaya mas mabuting bumili nalang ako ng pagkain. Pero bago yun kailangan ko munang mag linis, dahil sabi ni mama na wala s'ya sa bahay ngayon. Mabuti na din yun para atleast makapag linis ako ng maayos. Actually, kagustuhan ko lang talaga na mag work. Ayaw akong payagan nila mama and papa, pero nag pumilit ako dahil ayuko na mahirapan sila. Isa pa, kaya ko na namang mag-trabaho. "Aling susan, dalawang ginataang monggo ho, at dalawang pork chop." "Dito ka ba kakain, ening?" "Hindi po, paki balot nalang ho." Saglit lang akong nag hintay at nakuha ko agad ang binili ko. "Salamat po," Saad ko, pagkatapos ay umalis na. As usual, marami akong nakakasalubong. Mga batang nag lalaro at nagtatakbuhan sa daan. At habang papalapit ako sa bahay namin, parang may nag rarambulan sa loob ng dibdib ko na hindi ko maintindihan. "Uy, eya, psst." Lumingon ako. Nakita ko si aleng tess na nagsasampay. "Bakit ho?" "Wag kang magagalit ha, gusto ko lang sabihin sayo na may kasamang lalaki ang mama mo nung isang araw." Bigla akong natigilan sa sinabi ni aleng tess. What is she talking about? "Baka naman ho, kakilala niya lang." Saad ko. Mas lalo yatang, bumilis ang t***k ng puso ko. Parang mas kinukumbense ko pa kasi ang sarili ko kaysa kay aleng tess. "Baka nga, pero alam mo bang ilang beses na na dinala ng mama mo ang lalaking yun, kapag nasa eskwelahan ka at nasa trabaho naman ang tatay mo," "Sige ho, alis na po ako." Sabi ko nalang. Ang pinaka ayuko sa lahat ay yung pagbibintangan ang pamilya ko lalo na ang mama ko. Mababait na tao ang magulang ko. Hindi kami mayaman pero kaya naming sustentuhan ang pangangailangan namin. May bahay din kami na maganda, hindi s'ya mukhang palasyo, pero kung may bibisita or kung may bisita ay hindi kami mapapahiya. Malinis din ang bahay namin, may kanya kanya kaming kwarto at cr connected sa kwarto namin. Ang pinagkaiba lang ay medyo nasa, may squatter kami banda. Not literally na squatter. Para lang s'yang squatter dahil marami ang mga kapit-bahay namin. "Sige. S'ya nga pala, yung utang ko pala sayo sa susunod nalang na linggo, hindi pa kasi naka delehensya ang asawa ko eh." "Wag niyo na pong alalahanin yun." Saad ko. Hindi ko na hinintay pa na sumagot si aleng tess at umalis na ako. Ilang hakbang nalang makakarating na ako sa bahay ng biglang tumunog ang cellphone ko. Senyales na may tumatawag. Kinuha ko ang ko ito at tiningnan ang caller. Si papa. "Hello pa," "Anak pakisabi sa mana mo na baka late ako maka uwi, over time na naman kasi eh." "Sige po pa," Sagot ko. Pagkatapos naming mag usap ay agad na din na binaba ni papa ang tawag. Ako naman ay naglakad na ulit patungo sa bahay namin. Naka locked ang front door ng subukan ko itong buksan, kaya naman naisipan ko na sa backdoor dumaan. "Ay, thank you lord." Sambit ko ng mabuksan ko ng walang kahirap-hirap ang backdoor. Pumasok ako at trinansfer ko muna ang ulam sa bowl bago ko cover-an. Paakyat na ako ng may marinig akung mga kaluskus sa kwarto nila mama. Nasa taas kasi ang kwarto ko kaya naman nadadaanan ko paakyat ang kwarto nila. Nagdadalawang isip man, ay naglakad pa rin ako papunta sa tapat ng pinto. Itinapat ko ang tainga ko, wala akong narinig ni isa kaya naman napag-desisyonan ko nalang na umakyat. Nag bihis lang ako ng pang bahay dahil mag lilinis muna ako, atleast kapag dumating ang magulang ko ay malinis ang bahay namin. Pakanta-kanta pa ako habang nag-bibihis ng tumunog na naman ang cellphone ko. Pagkatapos kung isuot ang huling damit ko ay agad kung kinuha ang phone ko para e check. Unknown Number: Hi 👋 Napa-kunot ang noo ko ng makita ko ang isang Unknown number na nag message. “Sino kaya 'to?” Ededelete ko na sa ang number ng may pumasok na naman na message. Unknown Number: Reply ka naman d'yan, cutie love ❤️ Alam ko na kung sino! Ang asungot na naman na yun! Pero teka lang saan niya nakuha ang number ko? Sa sobrang inis ay tinawagan ko ang number n'ya. "Hi," "E hayhay kita dyan eh! Saan mo nakuha ang number ko?" "Ito naman galit agad. Kalma lang ako lang to 'yung future husband mo." Saad nito sa kabilang linya. Rinig ko pa talaga ang pag-tawa niya. "In your dreams!" "Always, cutie love, always!" Mas lalo lang akong nairita sa sagot niya. Kailan ba ako titigilan ng asungot na'to? Araw-araw nalang niyang sinisira ang araw ko! "Saan mo nakuha ang number ko?" "Secret," "Secret or block?" "Uy wag!" "Sasabihin mo o hindi?!" Nang hindi ito magsalita sa kabilang linya ay agad kung pinatay ang tawag at bli-nock ang number niya. Wala akong pakialam kung anong isipin ng asungot na iyon. Ang importante hindi na niya ako matawagan pa. Napa buntong hininga nalang ako. Haysst...bakit nga ba ang bilis kung magalit at maiirita? Hindi naman ganito sina mama at papa ah. Saan ba ako nag mana? Hindi naman p'wedeng sa lola ko kasi ang lola and lolo ko na magulang sa side ni mama, mababait yun. Pero ang sa side ni papa, hindi ko pa na meet kahit kailan. Wala rin akong alam kung nasaan ang mga yun dahil ni minsan wala namang na kwento si papa. "Maka baba na nga lang!" Bulong ko sa hangin, bago ko in-off ang phone ko at naglakad na palabas ng kwarto. "Oh ma, nandito na pala kayo?" Tanong ko, ng maabutan ko si mama sa kusina. "Ha? Ah...Oo....ikaw ba, kakarating mo lang?" "Kani-kanina lang po." Sagot ko. Tiningnan ko si mama mula ulo hanggang paa. Bakit ganyan ang itsura n'ya? Bakit sabog-sabog ang buhok niya? At ang damit n'ya baliktad pa. "Ano po ang nangyari sa inyo?" "Nag linis kasi ako sa kwarto namin ng papa mo anak, kaya ganito ang itsura ko." Kalmadong sagot ni mama, at umupo na sa may table at nag umpisang kumain. Medyo naguluhan ako sa sagot niya. Akala ko ba wala s'ya dito kanina? Paano nangyari yun? Ipinilig ko ang ulo ko, hindi ko gusto ang tanong na pumapasok sa utak ko. At mas lalong hindi ko gusto ang idea na nabubuo sa isip ko. Hindi niya magagawa sa'min yun lalo na kay papa, dahil mahal na mahal niya kami. ##########
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD