Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kagaya ng inalisan naming lugar marami din tao dito. May mga kanya kanyang palabas mas marami ang sugal na makikita mo.
Kanya kanyang tricks. Mas magulo dito. May mga nagaaway sa gilid. Bale wala lang naman sa mga nasa paligid. Ng may lumapit sa amin.
"Dayo lang kayo? Baka gusto niyo dumaan muna sa dampa namin. Siguradong magugustuhan niyo Ang inumin namin." Sabi ng matanda. Napakunot ang noo ko ng makita ko na nagiba ang kulay ng mata niya.
"Wag kayong tumingin sa mata niya!!' Sigaw ko sa mga kasama ko sabay tulak sa matanda. Napalingon sa amin ang mga naglalaro sa gilid. Tumingin sa akin sila Pekto.
"Bakit mo tinulak ang matanda?" Tanong ng lalake na lumapit sa amin.
"Dahil may hindi maganda siyang gagawin sa mga kasama ko." Sagot ko sa kanila. Kumunot ang noo nito.
"Pano mo naman nasabi na may gagawin siyang Hindi maganda?" Tanong ng lalake.
"Dahil nagiba bigla ang kulay ng mata niya." Sagot ko uli.
"Kinikilala niya lang kayo. Kung Anong klase kayong nilalang." Sabi nito. Natigilan ako. Nanghingi ako ng pasensiya. Pero Ayaw niyang tangapin ito. Ng biglang lumapit ang lalake na pinagmamasdan ko kanina.
"Pagpasensiyahan niyo na Ginoo ang Kasama ko. Bago pa lang kasi siya dito galing siya Kasi sa mundo ng tao kaya Hindi siya sanay makakita ng mga bagay bagay na Hindi pangkaraniwan." Sabi nito. Aalma sana ako. Pero nakita ko na kumalma ang lalake . Kaya hinayaan ko na lang.
"Ganun ba saan ba ang tungo niyo?" Tanong ng lalake.
"Sa Academy ng mga Ace." Sagot nito. Napatingin ako dito.
" Papunta din pala sila dun." Bulong ko sa isip ko.
"Kung ganun dito ang daan ninyo." Sabi ng lalake at tinuro ang likuran niya.Nagpasalamat ang lalake na nasa tabi ko.
"Wala yun magiingat kayo." Sabi ng lalake. Nagtungo kami dito. Hindi ko alam kung bakit parang may nararamdaman akong mali sa nangyayari. Pero hinayaan ko na lang.Ng lingunin ko sila lahat sila nakatingin sa amin.
Kanina pa kami naglalakad Pero parang wala kaming nakikita na lusutan. Kaya nagpahinga muna kami sa tabi ng puno.
"Grabee, Vea. Kanina pa tayo pero parang Hindi Tayo nakakalabas sa lugar na ito." Sabi ni Pekto. Nilingon ko ang lalake at Ang dalawa niyang kasama. Nakita ko na tinitingnan niya ang paligid.
Maya maya lumapit siya sa amin.
"Pinaglaruan tayo. Walang lusutan ang lugar nasa loob tayo ng Isang mahika." Sabi niya Napakunot ang noo ko. Ng may maalala ako. Dinukot ko ang maliit na bote na nasa bulsa ko. Inalog ko ang laman nito. Nagliwanag ito.
"Teka Vea. Diba yan ang binigay ng matanda sa kubo?" Sabi Amara. Tumango ako.
"Ngayon natin malalaman kung totoo ang sinasabi niya." Sabi ko Saka ko binuksan ang bote. Lumabas ang laman nito. Lumipad ito. Tumayo ako.
"Halika sundan natin siya." Sabi ko saka ko sinundan ang maliit na liwanag. Nagulat kami ng makita namin ang lusutan. Nakakita kami ng Isang daanan ng makalampas kami dito. Nakita namin na nasa ibang bayan na kami.
"Bayan ng mga Walcon." Sabi ng Kasama ng lalake Napatingin kami dito.
"Ano naman ang mga yun?" Tanong ni Pekto dito.
"Dito nakatira ang mga Retrievers." Sagot naman nito.
"Retrievers?' Wala sa sariling Sabi.
"Mga nilalang na kayang makabalik mula sa kamatayan." Sabi ng lalake Napatingin ako sa kanya. Napakunot ang noo ko.
"Kung ganun mas dilikado pala ang lugar na ito. Dahil walang kamatayan ang mga tao dito." Sabi ni Berto.
" Meron din silang kamatayan dahil Hindi sila mga Goddess. Tanging ang nga Goddess lamang ang walang kamatayan.May hanganan ang kakayahan nila hangang tatlong beses lamang nila pwedeng gamitin ito." Sabi nito napakunot ang noo ko.
"Kung ganun dilikado nga sila. Dahil hindi sila basta basta namamatay." Sabi ko. Pero wala kaming magagawa kailangan naming dumaan dito. Huminga ako ng malalim.
"Magpatuloy na tayo bago pa tayo nila mapansin." Sabi ko uli. Kaya nagumpisa na kaming maglakad.
"Saan ang daan natin?" Tanong ko Kay Pekto.Tiningnan niya ang mapa.
"Dito tayo sa kanan." Sabi nito. Pero bago pa kami makakakilos may nagsulputan sa harap namin.
"Mukhang bago lang kayo dito?" Sabi ng lalake na namumula ang mata. Pinaikutan nila kami. Naging alerto kami.
"Alam niyo ba ang patakaran namin dito?" Sabi ng Isa. Napatingin kami sa kanya.
"Kailangan niyo Muna ibigay ang gusto namin bago kayo makalabas dito." Sabi ng leader nila.
"Nais ng pinuno namin na Iwan niyo ang babae at ang mapa na hawak mo."
Sabi ng nasa harapan.
"Pano kung hindi namin Ibigay?" Tanong ni Pekto.
"Kung ganun dito na kayo ililibing ng buhay." Sabi ng lalake na leader nila.
"Kaya kung ako sa inyo wag na kayong magmatigas. Ibigay niyo na ang hinihingi ng pinuno namin." Sabi naman ng Isa. Nagkatinginan kami nila Pekto.
Ng aktong lalapitan na nila kami humanda kami. Kaya nagalit ang pinaka leader namin.
"Hindi kami pumapayag sa gusto niyo." Sabi ni Amara.
"Kung ganun tangapin niyo ang Ibibigay naming kamatayan niyo." Sabi ng leader nila. Binuka ko ang kamay ko agad na lumabas ang sandata ko. Nagulat sila.
"Transcendent blade!" Sabi ng leader nila. Hindi namin sila pinansin. Kami na Ang sumugod sa kanila. Naglabas ng Bolang apoy ang Isa. Paghagis niya sa amin kumumpas Ang lalake na nasa tabi ko bago pa makarating sa amin ang apoy natunaw na ito.
"Nice powers." Sabi ni Pekto napailing na lang Yung lalake. Nagalit ang Leader nila. Kaya anglabas ng malaking Bolang apoy. Nagulat ako ng Humangin ng malakas at nakita ko na Isa Isang tumitilapon ang mga ito. Napatingin ako sa lalake na nasa tabi ko. Wala naman siyang ginagawa nakatingin lang naman siya sa mga ito.
"Siya ba ang may gawa nun?" Bulong ko sa isip ko. Hinahangin lang ang buhok niyang mahaba at ang damit niya na kulay puti.
"Transcendent night." Sabi ng leader at Isa Isang nagsilaho ang mga ito.
"Tayo na." Sabi ng lalake na nasa tabi ko. Parang wala lang na Inayos niya Ang damit niya. Napatingin na lang ako sa kanya Saka naglakad narin.
Hindi pa kami nakakalayo ng may biglang nagsulputan sa harap namin. Ang mga taong matagal ko ng hinahanap at siya ding dahilan kung bakit ako narito sa lugar na ito. Ang mga taong nakaitim.