"Kumusta na Azreil ang pinahahanap namin sayo nahanap mo na ba siya?" Tanong ni ama sa akin.
"Hindi pa ama pero may sinusundan ako na grupo isa sa kanila ang nagmamayari ng bato pero hindi ko pa po matukoy kung sino. Isa din po siya sa kinausap ng Transcendent night." Sabi ko kay ama.
Napaisip ito.
"Sige sundan mo lang sila. Kailngan mong mahanap ang bato bago mabuo ang pulang buwan. Kailngan mong mahanap ang nagmamayari nito bago pa makita ni Nucturna ito." Sabi ni ama sa akin.
"Opo ama." Sagot ko dito. Nagpaalam na ako sa kanila.
Kinabukasan madilim parin ang paligid namin. Naglakad uli kami. May mga nasasalubong kami na mga sugatan.
"Ginoo parang awa mo na tulungan mo ang anak ko." Nagulat ako ng hawakan ang damit ko ng isang matandang lalake. Puro sugat ito napalingon ako dito. Nakita ko ang magina niya na puro sugat din. kumumpas ako may lumabas na isang maliit na bote sa kamay ko.
huminga ako ng malalim.
"Ipunas mo ito sa inyong sugat at lisanin niyo na ang lugar na ito." Sabi ko sa kanya. Nagpasalamat ito sa akin. Ng tingnan ko ang binibini nakita ko na pinaiinom niya ng tubig ang isang matanda. Nilibot ko ang paningin ko napakunot ang noo ko ng makita na nakatingin sa binibiini ang leader ng tagasundo. Lumapit ako dito yumukod ang mga ito ng makita nila ako.
"kamahalan!" Sabi nito.
"Lisanin niyo ang lugar na ito" Sabi ko dito.
"Per.." Sinamaan ko siya ng tingin kaya tinawag niya ang mga tauhan niya at nagsialis ang mga ito. Kumumpas ako. nabalutan ng puting aura ang paligid.
kumumpas uli ako may lumabas na mga maliit na bote sa kamay ko.
"Ipamigay mo sa kanila sabihin niyo na ipahid nila ang mga yan sa sugat nila at lisanin nila agad ang lugar na ito dahil hindi sila ligtas dito." Sabi ko sa kanila. Nagsitango ang dalawa kong kasama.
Pinagmasdan ko ang binibini na pinaiinom ang mga matatanda at bata ng tubig na dala nila.
Mas maraming tao ang sumunod na bayan. Para itong normal na bayan.
Parang balewala sa kanila ang kadiliman punong puno ng sulo ang paligid. Maraming nagtitinda ng kung ano ano. May nagpapalabas ng kanyang aking galing. may nagkakaksiyahan sa paligid.
"Anong klaseng lugar ito?" Tanong ko sa mga kasama ko.
"Ito ang lugar ng mga sorcerer. Malalakas ang mga tao dito. Bihasa sila sa magic. Pero dapat paring pagingatan dahil maari ka nilang linlangin at paglaruan." Sabi ni Jepoy.
Nakita ko na kinausap ng babae angisang lalake may pinakita siyang papel dito. Pumasok sila sa loob ng isang bahay. pumasok din kami dito. Nakita ko na isa pala itong kainan.
Nakita ko na nagorder sila ng pagkain.
"Sa wakas kakain narin tayo." Sabi ni Biboy. Saka tinawag ang isang matandang babae. Nagorder ng pagkain ang mga to. Ng matapos kaming kumain. Nagpahinga muna kami sa isa sa mga silid dito. Katabi ng silid namin ang silid ng binibini.
"Nasaan na tayo Pekto?" Rinig kong tanong ng binibini.
"Isang Bayan pa at mararating narin natin ang academy." Sagot naman ng kasama niya.
"Tama nga si Jepoy sa academy nga ang punta nila." Bulong ko.
"Ano ba Yung academy na yun." Tanong ko sa isip ko.
"Anong meron dun? Bat hindi nabigkas sa akin ni ama yun." Bulong ko sa isip ko. Ng may maramdaman ako. Napadilat ako.
"Mga Lorcan..!" Bulong ko. Tiningnan ko ang mga kasama ko. Natutulog ang mga ito. Tumayo ako Saka sumilip sa labas. Nakita ko ang mga Lorcan na pumasok sa Isang silid.
"Nandito din sila." Bulong ko. Nakiramdam ako sa paligid tahimik naman. Mukhang walang balak mang gulo ang mga Lorcan.
***VEA POV#***
Nagpahinga muna kami sa bahay aliwan ng kaibigan ng may Ari ng bahay aliwan na tinulugan namin. May binigay siyang sulat sa amin. Sabi niya pagdumating daw kami sa lugar ng mga sorcerer makakakita kami ng bahay aliwan dito ibigay lang daw namin ang sulat niya at aasikasuhin daw kami dito. Mapagkakatiwalaan daw ang kaibigan niya kaya pwede daw kami magpahinga sa lugar nito. Kaya nagpahinga muna kami dito.
"Sa wakas nakaligo narin. Pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko na." Sabi ni Amara habang nagpupunas ng buhok niya.
"Ako nga pwede na yata magtanim sa kilikili ko " Sabi naman ni Pekto.
"Yaak! Kadiri ka kaya pala ganun na lang ang amoy mo." Sabi ni Amara dito. Natawa na lang ako sa kanila.
"E mukhang Hindi pa yan naliligo Mula ng umalis tayo ng maynila." Sabi ni Berto.
"Nagpunas naman ako no." Sabi naman ni Pekto.Diring diri na binato ng unan ni Amara ito.
"Sus Arte mo amoyin mo nga kung may amoy." Sabi naman ni Pekto at itinaas pa ang kamay niya. Sabay na lumayo sa kanya ang dalawa. Ng aktong lalapitan niya ang mga ito inambaan siya ng suntok ni Amara. Napailing na lang ako sa mga ito.
"Saan na ang punta natin ngayon Vea?" Tanong ni Amara sa akin.
"Akina Pekto ang mapa." Sabi ko Kay Pekto. Inabot nito sa akin.
"Dito ang daan natin sa lugar ng mga spartan bago tayo tatagos dito sa bayan ng mga Retrievers." Sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila. Tinupi ko ang mapa at binigay ko uli kay Pekto. Kinuha ko na ang bagahe namin. Nagpaalam na kami sa mayari ng bahay Aliwan.
"Wala yun. Nagtiwala sa inyo ang kaibigan ko ibig sabihin mabuting tao kayo. Hangad ko na matagpuan niyo ang hinahanap niyo." Sabi nito. Tama ako sa daan na tinuro ko kanina dahil doon din niya kami tinuro.
"Magiingat nga lang kayo sa lugar na yan. Nandiyan nakatira ang mga batikan na magnanakaw at mga manloloko na magician baka paglaruan kayo nila." Sabi nito sa amin. Nagpasalamat kami dito. Pinabaunan niya kami ng pagkain. Nagpaalam na kami dito at nagsimula na kaming maglakabay. Nakita ko na marami kami na papunta sa lugar na yun. Ng mapalingon ako sa likuran namin. Napakunot ang noo ko.
"Parang Nakita ko na ang lalaking mahaba ang buhok na nasa likuran namin. Hindi ko lang naalala kung saan ko siya nakita." Bulong ko sa isip ko. Habang pinagmamasdan ko sila ng dalawa niyang kasama.