Hindi mapakali si Ava nang makaalis na ang binata matapos siya nitong ihatid. Palakad-lakad siya sa sala at pinag-iisipan kung tama ba ang gusto niyang gawin. He felt rejected dahil sa ginawa niya kanina. Paano na lang kung biglang magbago ang isip nito at hindi na lang siya ligawan? "His intentions are pure. So there's no reason para i-reject ko siya. Ugh... Ava naman!" Umupo siya sa couch at kinagat ang kuko sa kaniyang hintuturo. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip at inalala ang nangyari noong nagpapapansin pa siya kay Killian. "Pupunta ako sa room ni Kuya Lian. Pinapahatid niya kasi 'yong notebook na pinatabi sa 'kin," ani Eury nang matapos ang klase nila. "Sasama ako!" aniya at mabilis na inayos ang mga gamit niya. Naningkit naman ang mga mata ni Eury. "Excited?" Napalunok s

