Hindi na namalayan ni Ava na nakakarami na pala siya ng iniinom habang pinagmamasdan pa rin sina Killian at Chiara na kanina pa nag-uusap. Umayos siya ng upo nang makitang tumayo na si Killian para bumalik sa kanilang table. Akala niya ay susunod si Chiara pero mag-isa na lang ni Killian nang bumalik. “Is that Chiara? Why didn’t she join us?” tanong ni Alder na nakapansin sa kababata ni Killian. “Yeah. Dumaan lang siya to let me sign a document. May meeting pa raw,” sagot naman ng binata. She pouted her lips. Signed a document pero ang tagal-tagal. Paano ba siya pumirma, essay-type? “Hey… naparami na yata ang naimom mo. Let’s go home?” ani Killian. Sa halip na sumagot ay nagkibit-balikat na lang siya at tahimik na sumunod dito matapos nilang magpaalam sa mga kasama. “Lian, sa bahay i

