Saglit na natulala at hindi pa rin makapaniwala si Ava na siya nga ang sadya ni Killian doon. Paano ba naman kasi maiisip na susunduin siya ng binata roon kung wala naman silang relasyon? Kung pagkakaibigan lang naman ang usapan, hindi naman sila kagaya ng iba na sobrang close talaga. Maliban na lang kung may plano itong manligaw sa kaniya. Natutop niya ang bibig sa naisip na iyon. Si Killian, manliligaw sa kaniya? Parang suntok naman yata sa buwan na mangyayari iyon. "May problema ba?" untag sa kaniya ng binata nang hindi pa rin siya makapagsalita. Ibinaba niya ang kamay at ipinirmi sa magkabilang gilid niya at saka tumikhim bago sumagot. "Wala naman. May iniisip lang." Laking pasasalamat niya nang hindi na siya mautal. Tumango lang naman ito sa kaniya at hindi na nagtanong pa. Ka

