Halos matumba na sa paglalakad si Ava habang inaalalayan si Eury na lasing na lasing na habang papasok sa kwarto. May mga extra rooms naman para kina Killian at Liam. And Eury will share with her room. Hindi na kasi kakayanin pa ng mga ito na mag-drive pauwi dala ng kalasingan. Nang masigurong maayos na ang lagay ng kaibigan ay bumalik pa rin siya sa sala para linisin ang mga kalat nila. Kawawa naman kasi ang kasambahay nila kung ito pa ang maglilinis ng mga iyon bukas. Baka mabinat pa. May katandaan na rin kasi si Aling Cora at pamilya na rin ang turing nila rito kaya hindi nila inaabuso ang paninilbihan nito sa kanila. They grew up with Manang Cora. Takbuhan nila ito tuwing napagsasabihan sila noon ng kanilang mga yumaong mga magulang. Ito rin ang nag-aasikaso ng pagkain nila lalo na tu

