Pagdating nila sa opisina ng judge na magkakasal sa kanilang dalawa ni Killian, naroon na ang ilang mga bisitang inaasahan nilang dadalo. Killian’s mother was there. Blangko ang mukha nitong nakatitig sa kaniya habang pumapasok sa loob ng malawak na opisinang iyon. Iginala niya ang mga mata sa paligid para kilalanin pa kung sino ang mga naroon. Liam was standing beside his brother. Sa tabi naman nito ay si Cyra na nakangiting nag-aabang sa kaniya. Laking pasasalamat niya nang hindi niya roon makita si Chiara. Kahit labag sa kalooban niya ay nakipagbeso-beso siya sa mommy ni Killian na naunang lumapit sa kaniya. “Nice to see you again, hija. Ang tagal mong nawala,” mahinang sabi ni Amelia. Wari’y nahihiya pang marinig iyon ng ibang bisita. Pilit naman siyang ngumiti bilang tugon dito. Ka

