Hinayaan ulit ni Ava si Killian na mag-asikaso sa mga bata. Hindi na niya pinakialaman pa iyon dahil parte iyon ng pagbawi niya. Madali namang napalapit dito ang dalawang bata kaya hindi na ‘yon naging problema sa kanilang dalawa. Pinilit niyang harapin ang pagkain kahit kumikirot pa rin ang ulo niya. Hindi naman siya pwedeng uminom ng gamot nang wala pang laman ang tiyan niya kaya napilitan siyang kumain. Kaunti pa lang ang nababawas niya nang huminto siya sa pagkain at sinapo ang ulo niya. "Mom, you really looked sick," puna naman sa kaniya ni Kian na kanina pa pala siya pinagmamasdan. Her son's smart and very sensitive. Kung mayroon mang kakaiba sa kaniya ay napapansin nito kaagad. Ganoon din si Avery. Ngumiti siya sa tinuran ng anak. "Mommy can handle it. It's just a little headach

