Bago pa lang sasara ang elevator nang may kamay na humarang doon. Natigilan siya at maang na napatingin sa pinto ng elevator. Kunot-noo niyang tinapunan ang maputi at mahahabang daliring nakakapit doon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Killian na diretsong pumasok at tumayo sa tabi niya. Mukhang tumakbo pa ito patungo roon dahil dinig na dinig niya ang mabilis nitong paghinga. “I thought Mang Simon will fetch you from the site. Iba naman pala ang gusto mo maging driver,” hinihingal pa nitong sabi. Pinunasan nito ang butil-butil na pawis sa noo gamit ang panyong nakasuksok sa bulsa ng slacks nito. Napakunot ang kaniyang noo sa tinuran ng asawa. Siguro’y kadarating lang din nito sa may basement parking kaya naabutan siya nitong hinatid ni Carlo. At malamang, binigyan naman nito ng

