Magaan ang pakiramdam ni Ava nang magising kinabukasan. Hindi na niya maalala kung ano’ng nangyari bago siya makatulog dala ng pagod. It’s Sunday and they’re still staying in the hotel. Pagbangon niya ay wala na roon si Killian at ang mga bata kaya nagmamadali siyang nagtungo sa banyo para mag-shower. Baka nauna nang mag-breakfast ang mga ito dahil kung hihintayin pa siya ay baka abutin pa ng lunch ang pagkain ng mga bata. Nag-aayos na siya ng sarili nang bumukas ang pinto at diretsong pumasok ang asawa niya. “Good morning. Gigisingin pa lang sana kita, e. Nakahanda na ang breakfast. The kids are waiting for you,” nakangiting bungad sa kaniya ni Killian. Kaagad itong lumapit sa kaniya at ipinulupot ang braso sa baywang niya. “You were so tired last night. How do you feel now?” bulong n

