“I’m sorry for disturbing your meeting. Pinapasok na kasi ako ng secretary mo kaya akala ko… I wasn’t informed that you have an ongoing meeting now,” aniya sa asawa. “Uhh, no, baby. I don’t have meeting. She was just—” “We’re actually have an intimate meeting and you just disturb us,” singit sa kanila ni Chiara. Pakiramdam niya ay umkayat lahat ng dugo niya sa kaniyang ulo sa narinig. Ikinuyom niya ang kamao. Lumakas ang kabog ng dibdib niya na para bang sasabog na iyon anumang oras. “What the hell, Chiara?” singhal dito ni Killian. Kaagad itong tumayo para lumapit sa kaniya ngunit mabilis din naman siyang humakbang pabalik. “You know that’s not true!” Mapait siyang ngumiti nang magsimula nang magtalo ang dalawa sa harapan niya. “Will you please stop lying to my wife?” Galit na tuma

