Kinabig ni Ava ang manibela para makaiwas sa sasakyang pilit na bumabangga sa kaniya. Pumihit ito sa kaliwa niya at sinusukang lampasan siya ngunit masyado nang mabilis ang takbo ng kotse niya. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya dahil hindi siya sanay magmaneho nang ganoon kabilis lalo na at nasa kalagitnaan siya ng highway. Kapag may nakasalubong siyang sasakyan, tiyak na hindi kaagad siya makakabawi at maaaring maaksidente siya. Ngunit hindi na niya iniisip iyon. Ang mahalaga na lang sa kaniya ay matakasan ang humahabol sa kaniya dahil hindi niya alam kung ano nga ba ang tunay nitong intension at mas lalong wala siyang ideya kung sino iyon. Sa pagkakaalala niya ay wala naman siyang naging kaaway. Bahagya pa lang siyang nakakalayo sa humahabol sa kaniya nang muli na naman iton

