Nagkaroon ng pagkakataon si Killian na makauwi sa mansion at asikasuhin ang naiwan niyang trabaho nang makauwi sa Pilipinas ang matalik na kaibigan ng mommy ni Ava na si Tamara para magbantay sa ospital nang pansamantala. He sat on his chair and face the files scattered on his table. Marami siyang kaso na kailangan aralin pero wala roon ang isip niya. Nakunan ng CCTV mula sa ice cream shop na pinuntahan ni Ava ang sasakyang sumunod sa kotse nito bago naganap ang aksidente. Wala ni isang CCTV ang nakalagay sa lugar na pinangyarihan ng aksidente kaya hindi pa rin malinaw kung may kinalaman nga talaga ng nagmamaneho no’n sa nangyari sa kaniyang asawa. Kasalukuyan pa rin naghahanap ang mga pulis ng posibleng witness para makausad ang kaso. Sumandal siya sa kaniyang upuan. He gently massage h

