Parang naging ordinaryong araw na lang para kay Ava ang hindi pagpansin ni Killian sa kaniya kahit nasa iisang bubong lang naman sila. Paminsan-minsan, bumabati ito sa kaniya ngunit nangyayari lang iyon tuwing kaharap nila ang dalawang bata. Hindi niya maiwasang ma-bored habang hinihintay niya ang pagsisimula ng construction ng Allora Homes. Palagi lang siyang nasa mansion. Hindi naman siya umaalis nang hindi niya kasama ang mga bata ngunit nang araw na iyon ay ipinasundo ni Killian ang mga ito para ipasyal. He didn’t even asked her if she wants to join them. Hindi na rin naman niya itinanong kung saan nito ipapasyal ang kambal dahil baka isipin nito na pati iyon ay pakikialaman pa niya. Biglang pumasok sa isip niya si Chiara. Hindi kaya kasama nito ang dalaga kaya hindi na siya inimbita

