Malungkot na tinanaw ni Ava mula sa bintana ng kotse ang ancestral house habang papalayo na roon. Muling bumigat ang kaniyang dibdib sa mga alaalang nabuo ng kaniyang pamilya sa bahay na iyon. “I’ll come back here and get our house back.” “You know that I can help you, right?” ani Killian na parang nag-aalangan pa sa sinabi. Siguro’y alam na rin nito kung anong magiging sagot niya. “No, Lian. It will always be a no.” Killian heaved a sigh and turned his attention back on the road. Sumandal naman si Ava sa upuan at mariing ipinikit ang kaniyang mga mata. MABILIS pang lumipas ang mga araw at sa bawat araw na dumadaan, mas lalong nadadagdagan ang mga problema niya. “Bakit ganyan ang itsura mo? Girl, namamayat ka na,” puna sa kaniya ni Eury nang magkita sila nito sa bagong bukas nilang c

