CHAPTER 33

1142 Words

Saktong alas-sais ng gabi nang sunduin ni Killian si Ava sa kaniyang condo. Nanuot sa ilong niya ang pabango nito nang pumasok ito sa sala. "Let's go?" anang binata nang makalabas siya sa kaniyang silid. Namula ang pisngi niya nang hindi maialis ng binata ang tingin sa kaniya. Yumuko ito para gawaran siya ng marahang halik sa kaniyang labi. "You look so beautiful tonight," bulong nito sa kaniya. "Thanks," sagot niya na bahagyang kinakabahan. Iniisip pa lang niya na magkikita sila ulit ng mommy ni Killian, para na siyang mahihimatay sa kaba. Ano pa nga ba ang mukhang maihaharap niya rito pagkatapos ng kahihiyang inabot ng pamilya niya? Niyakap ni Ava ang sarili nang sumalubong sa kaniya ang malamig na hangin mula sa labas. Tila nakadagdag pa iyon sa kabang lumulukob sa pagkatao niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD