CHAPTER 5

3084 Words
MAAGANG nakauwi sina Ava nang matapos ang kanilang review class. Hindi niya kasabay si Eury nang hapong iyon dahil may lakad pa raw ito. Hindi naman nito sinabi kung saan at hindi na rin siya nag-usisa pa. Napapansin niyang napapadalas na ang paglabas nito nang mag-isa lalo na tuwing katatapos lang ng review class nila pero pinipigilan pa rin niya ang sariling magtanong para sa privacy ng kaibigan niya. Marahil nga’y iisa sila ng inuuwian pero hindi naman ibig sabihin no’n ay aalamain na niya lahat ng galaw ng kaibigan niya. Eury can still have her social life without her. Mag-isa na lang siya pag-uwi sa condo. Nakaalis na rin kasi si Killian doon dahil tapos na ang inaasikaso nito sa negosyo ng mga Franco sa siyudad. Aabalahin naman niya ang sarili sa pagre-review kahit mag-isa lang siya roon dahil determinado siyang maipasa ang Licensure Exam. Bago umalis si Killian ay binigyan na rin siya nito ng access sa condo kaya anumang oras ay makakapaglabas-masok siya roon. Napabuntong-hininga siya nang mapagmasdan ang hitsura sa reflection niya sa wall ng elevator. Medyo nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya dahil sa kapupuyat. Pakiramdam niya rin ay nabawasan na ang timbang niya. The last time she had a check-up, ipinaalala sa kaniya ng kaniyang doctor na kailangan niyang i-maintain ang weight niya dahil madali siyang makapagbawas ng timbang. Biglang sumagi sa isip niya si Chiara nang una niya itong makita. She looks perfectly as a matured woman. Kaya siguro nagustuhan ito ni Killian. Sino ba namang lalaki ang tatanggi sa isang kagaya ni Chiara? May pagka-childish nga lang ito sa pagkilos but the sexiness of her voice through her laughs is obvious. Babaeng-babae pa rin ang dating. Unlike her na hanggang ngayon ay may pagka-boyish pa rin sa pananamit. Minsan lang siya magmukhang babaeng-babae tuwing kasama si Eury at kung may pupuntahan silang party. Dire-diretso siya sa pagpasok sa loob ng unit ni Killian sa pag-aakalang mag-isa lang siya roon nang magsalita ang isang ginang na prenteng nakaupo sa couch. Napahawak siya sa dibdib sa labis na pagkagulat at pagkuwa'y nahihiyang humarap sa ginang. Kaagad siyang namutla nang makilala iyon. Madalas niyang makita ang mga portrait nito sa bahay nina Eury noong pumupunta pa siya roon. She never met her but she can clearly recognize her. "M-Magandang hapon po!" natataranta niyang bati. Napalunok siya nang umarko ang kilay nito at mataman siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Lalo siyang nakaramdam ng hiya. Hindi niya alam ang gagawin kaya napayuko na lang siya. "Who are you?" "A-Ahm, f-friend po ni Eury. G-Gusto n'yo po ng maiinom? Ikukuha ko po—" Nagulat siya nang biglang tumayo ang ginang. Akala niya ay aalis na ito ngunit humalukipkip ito sa harapan niya. "No, thanks. I am so disappointed. Akala ko ay madaratnan ko rito ang anak ko dahil iyon ang sinabi ni Lian. I didn't expect na may ibang tao palang nakatira rito. Are you a scholar?" naniningkit ang mga matang tanong nito. Marahan siyang umiling. "No, ma'am. Pasensya na po kayo. Pansamantala lang naman po ang pagtira ko rito kasi—" "Why? Wala ka bang pambili ng sarili mong unit or can't you even afford to rent an apartment?" malumanay na tanong ng ginang bagama't may bahid ng pang-iinsulto. Mas lalo siyang hindi napakali dahil sa intimidating na presensya ng ginang. Kung pwede lang sanang hilingin na lumubog na lang siya sa kaniyang kinatatayuan ay ginawa na niya. "I'm so sorry, ma'am. Bukas na bukas po ay lilipat na ako. Pasensya na po talaga," nanginginig na sabi niya. Pakiramdam niya'y bibigay na ang mga tuhod niya anumang oras. Bigla siyang nakaramdam ng panliliit. Hindi sumagot ang ginang. Sa halip ay nilampasan siya nito at taas-noong lumabas ng unit. "Get the car ready. Pababa na ako." Narinig pa niyang utos nito sa kausap sa phone bago tuluyang sumara ang pinto. Nanghihina siyang napaupo sa kalapit na couch at pagod na tumingala. Hindi niya iyon inaasahan. Nabanggit na noon ni Eury sa kaniya na sa California na naninirahan ang mga magulang ng mga ito. Alam niyang may sama ng loob sa mga magulang ang dalaga dahil si Killian na rin ang tumayong magulang nito sa Pilipinas. Kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang madatnan ito sa unit ni Killian. Siguro’y may balak itong isorpresa ang mga anak at nagkataong siya pa ang naabutan doon sa halip na si Eury o si Killian. Napapitlag siya nang tumunog ang cellphone niya. Kaagad niya iyong sinagot nang makitang si Killian ang tumatawag. Bumilis ang tahip ng dibdib niya nang ilagay sa may tainga ang kaniyang cellphone. "Where are you?" Napalunok siya nang marinig ang boses nito. "S-Sa unit mo. I'm really sorry about your mom. Don't worry, bukas na bukas din ay lilipat na ak—" "Wait—what? You're leaving?" naguguluhang tanong nito. Napapikit siya nang mariin bago sumagot. "Yeah. I'm really sorry. Kakausapin ko na lang si Eury mamaya about this," aniya at nagpaalam na sa binata dahil aasikasuhin pa niya ang lilipatan bukas. Mahabang oras din ang gagawin niyang pag-eempake dahil sa dami ng mga libro niya roon. Nanginginig pa rin ang kamay niya nang ibaba ang phone matapos magpaalam kay Killian. Hindi na niya ito hinayaan pang magsalita dahil alam niyang ipipilit lang nito na mag-stay roon at ganoon din ang inaasahan niya mamaya kay Eury. Ngayon lang siya napahiya nang ganoon sa tanang buhay niya. Dapat sana ay nakinig na lang siya noon sa kuya niya na kumuha ng sariling unit. Kinalma muna niya ang sarili bago tumawag kay Andreiu. Gaya nang inaasahan niya, inulan siya nito ng tanong bago siya tinulungang makahanap ng malilipatan. Sinermunan pa siya nito dahil sa pagpupumilit niyang makituloy na lang kina Eury kaysa sa bumukod. Mabuti na lamang at may kakilala itong may-ari ng condominium malapit sa review school nila. Nagpadala roon ng tao ang kapatid niya para ayusin ang paglipat niya kinabukasan. Hindi na raw niya kailangang personal pang pumunta roon para ipaalam ang paglipat niya dahil si Andreiu na ang bahala. Pakiramdam niya ay masyado siyang nanliit sa ginawa ng mommy nina Eury. Napagkamalan pa siyang scholar. Wala naman sanang masama sa pagiging scholar ngunit parang mababa masyado ang tingin ng ginang sa mga ganoong estudyante. Marahil ay iniisip nitong dinidikitan lang niya si Eury dahil mayaman ang mga ito. Dismayado niyang pinagmasdan ang sarili at marahas na bumuntong-hininga. Wala nga sa hitsura niya na kauri niya sina Eury. They also have the money but not the fame that Franco’s have. Naalimpungatan si Ava nang marinig ang pagbukas ng pinto. Natataranta siyang tumayo at inayos ang sarili nang makita si Killian. Napalunok siya nang mapansin ang madilim nitong tingin sa kaniya. At sa pagkakaalam niya ay nakauwi na ito sa Zambales pagkatapos ng meeting nito ngunit heto ngayon ang binata sa harapan niya na kala mo’y handang bumuga ng apoy anumang oras. Galit ba ito sa kaniya? "So, you're leaving. Really, huh?" anito bago dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Tila naumid naman ang kaniyang dila at hindi agad nakapagsalita. Humugot ng malalim na hininga si Ava bago lakas-loob na nilapitan si Killian. Sumandal ito sa kitchen island habang ang mga mata’y nakatuon sa kaniya. "I'm sorry k-kung... biglaan. Ano kasi—" "I said, you don't have to. This unit is mine. Ako ang magdedesisyon kung sinong gusto kong patirahin dito, not my mom. What did she tell you, huh? I know you won't decide right away if nothing happened." Mariin siya nitong tinitigan. Dahilan, para hindi na naman siya kaagad makapagsalita. "Why do you have to shut your mouth when I need your word, Avryll?" untag nito sa kaniya. "Because you scare me! You made me feel na parang kasalanan ko pang aalis na ako rito. Hindi ba pabor pa 'yon para sa 'yo at kay Chiara? Maybe, she doesn't like me being here and also your... mom," aniya at biglang napayuko matapos sabihin ang saloobin niya. Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niyang pagsagot. She stiffened when she felt Killian’s hand under her chin. "I'm sorry if I scare you that way. But, I want you to stay here. I want your presence around my place... I—" Kunot-noong nag-angat ng tingin si Ava. Bakit nito iyon sinasabi? Ano ang ibig sabihin ng binata? Kaagad na umiwas ng tingin si Killian nang siya naman ang lakas-loob na tumitig dito. She wanted to see his eyes. Maraming tanong sa isipan niya pero hindi niya maisatinig. "W-Why?" Iyon lang ang salitang lumabas sa bibig niya nang mga oras na iyon. Kahit alam niyang maaaring hindi rin iyon masagot. "Just stay!" anito na medyo iritado na. Hinilot nito ang sentido. "Bakit ka nagagalit? Tinatanong lang naman kita kung bakit—" Natigilan siya nang hapitin nito ang baywang niya. His left hand snaked around her waist and the other one at her nape. He hugged her tightly that she can’t move to shove him. “Killian…” She felt him placed a gentle kiss at the top of her head. He moved away his face from hers but both of his hands were still around her. Hindi pa rin nito sinasagot ang kaniyang tanong. He tried to catch her eyes but she refused to look at him. She took a sharp breath and her whole body sunddenly stilled. She couldn’t move an inch and her heart inside her chest was beating like crazy. He held her chin with his left hand. His eyes trying to meet hers. He looked at her eyes then to her lips. Pakiramdam niya’y tumigil ang kaniyang paghinga. He closed his eyes and leaned down his forehead on hers, his thumb caressing her cheeks softly. Bumilis ang pintig ng puso niya at wala sa sariling napakapit sa braso ni Killian. “I want to kiss you right now,” he whispered before he pressed his lips on hers. Hinalikan siya nito nang mariin. He slipped his tongue inside her mouth and a moan escaped from his mouth. She heard him cursed while her cheeks flushed. Unti-unti siyang dumilat nang tumigil sa paghalik si Killian. She watched him opened his eyes. "I've waited for so long to do this. And it's your fault, Ava," bulong nito sa kaniya. Namumula ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya at halos magdikit pa rin ang mukha nila dahil sa higpit ng hawak nito sa beywang niya. Namumula naman ang pisngi ni Ava sa nangyari at pilit pa ring naghahagilap ng salita. She wanted to smile pero pinipigilan niya ang sarili niya. "W-Why did you do that?" aniya at nahihiyang kinalas ang kamay ng binata na nakahawak pa rin sa kaniya. Kung hindi lang siguro siya nito hawak kanina ay baka nabuwal na siya. Ramdam pa rin niya ang panghihina ng kaniyang mga tuhod. Magsasalita na sana ulit si Ava nang tumunog ang door bell. Kaagad siyang kumilos para kumalas sa pagkakayakap ni Killian. Baka may bisita pa ito at maabutan sila sa ganoong posisyon. Imposible naman kasing si Eury ang nasa labas dahil may access ito sa unit ng kapatid at hindi na kailangan pang mag-doorbell. "Ako na ang magbubukas," nahihiya niyang saad at nagmamadaling tinungo ang pinto bago pa man ito makapagsalita ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig niya ang boses ng binata. "And you're still using that power to avoid my presence, huh?" Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya sa ginawa nito. Sunod-sunod ang naging paglunok niya at pinilit na huwag na lang pansinin ang sinabi nito. Halos takasan na siya ng kulay sa mukha nang mapagbuksan ang hindi niya inaasahang bisita nila roon. "Kuya!" "Andreiu! How are you, man?" bati ni Killian na hindi niya namalayang nakasunod na pala sa kanya. Napalunok siya nang makitang hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ng kanyang kapatid. Ni hindi man ito ngumiti gaya ng lagi nitong ginagawa tuwing nagkikita ang dalawa. "You stay here?" anito na tila nagdududa kay Killian. "No. Bumisita lang ako ngayon,” sagot naman ni Killian bago ito tumikhim. "Good. Susunduin ko sana si Ava para makalipat na sa condo niya. Malapit lang 'yon dito. I hope you don't mind," ani Andreiu na seryoso pa rin ang mukha. Muling kumunot ang noo ni Killian. Tila hindi pa rin ito sang-ayon sa gagawin niyang pag-alis. "She doesn't have to. Okay lang naman sa akin if she really wants to stay here until her exam. Besides, kasama niya rin si Eury. And uhh… kung ako naman ang inaalala mo, hindi ako nag-i-stay nang matagal dito." Umiwas ito ng tingin habang umiigting ang panga. "Well, thanks for that but this time, ako na muna ang bahala sa kapatid mo. I know you understand that. Hindi ko gustong may masasabi ang ibang tao sa pagtira ni Ava rito. She can still visit Eury here anyway," kibit-balikat na sagot ni Andreiu. Si Ava naman ay nanatiling tahimik at hindi na nagtangka pang sumingit sa pag-uusap ng dalawa. Baka kasi kapag nagsalita pa siya ay lalo lang siyang mahirapang makaalis doon. "I'll just get my things..." aniya sa mahinang tinig. Pilit siyang ngumiti nang tumingin sa kaniya si Killian. "Let me help you," malamig nitong sabi at nauna pang maglakad patungo sa kwarto ni Eury. Sumenyas naman ang kuya niya na maghihintay na lang sa sala habang kinukuha nila ang mga gamit. Walang imik na binuhat ni Killian ang maleta niyang nakahanda na paanan ng kama. Dadalawa lang naman iyon kaya ito na ang nagbuhat pareho. Kinuha na lang niya ang paperbag na pinaglalagyan ng iba niyang gamit. Akmang kukunin na niya ang kaniyang mga libro nang pigilan ni Killian ang kamay niya. “Mabigat ‘yan. Ako na,” anang binata. Hindi na siya nakatanggi nang buhatin nito iyon gamit ang isang kamay. Ibinigay nito sa kaniya ang isang maleta na magaan lang ang laman. “Thank you,” halos pabulong na lang niyang sabi. Hindi siya makatingin dito dahil alam niyang pinapanood nito ang bawat galaw niya. Pinauna pa siya nitong makalabas ng silid. "Thanks, man. Ako na ang bahala dyan. Aalis ka rin ba agad?" ani Andreiu. "I'll just wait for Eury before I go. Ingat pagmamaneho," seryosong sabi ng binata. Mayamaya'y tumunog ang cellphone ni Andreiu. Sinamantala iyon ni Ava para makausap sandali ang binata. "Uh—thanks for letting me stay here. Bibisita na lang ako mga minsan. We gotta go," paalam niya sa binata ngunit sa halip na sumagot ay madilim ang mukhang humalukipkip ito sa gilid ng pinto. Mukhang hindi naman iyon napansin ni Andreiu na abala sa kausap sa cellphone. KULANG na lang ay mapunit ang page ng Auditing Problem book na hawak ni Ava habang nagre-review siya. Nakailang ulit na siya sa sinasagutan niyang comprehensive problem pero lumilipad naman ang isip niya. Iritado niyang itinabi ang mga gamit at marahas na bumuga ng hangin. Magsasayang lang siya ng oras kung ipagpapatuloy niya pa iyon. "This is not healthy, Av. Focus!" aniya sa sarili. "Take some rest, baby. Don't stress yourself too much." Napapitlag si Ava sa boses ng kuya niya. "Kuya! Don't scare me like that!" aniya at inirapan ang kapatid. "Bakit kasi masyado mong dinidibdib 'yan? Nasa labas si Eury. Go with her. Pagbalik mo, saka mo ulit harapin 'yan." Lumiwanag naman ang mukha niya sa sinabi nito. "Oh, God! She's a heaven sent." Para siyang nabunutan ng tinik. She doesn’t need to rush in her review dahil marami-rami na rin naman siyang natapos pero dahil wala naman siyang kasama sa bahay tuwing wala si Andreiu, wala siyang ibang choice kundi ang harapin ang sandamakmak niyang reviewers. SA LABAS. "Grabe lang, girl, ha! Parang biglaan naman yata ang paglipat mo? Kuya said it has something to do with mom. They talked," ani Eury habang nagkakape sila sa paborito nilang coffee shop. Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. "He did? Nakakahiya naman—" "No. Wala kang dapat ikahiya. It' was us who offered you the place to stay, not mom. Besides, it's kuya's condo rin so you don't really have to worry about anything. Pero since nakapag-decide ka na, you are obliged pa rin na dalawin ako do'n, 'no!" ani Eury at umirap sa kaniya. "WHERE have you been?" Muntik nang mapatalon sa gulat si Eury nang magsalita si Killian pagpasok niya sa condo. Nakapatay lahat ng ilaw at tanging lamp shade lang sa sala ang tumatanglaw doon. "My God, kuya! You almost made me jump! Nagtitipid ba tayo ng kuryente?" Nang pindutin niya ang switch ng ilaw, tumambad sa kaniya ang bote ng alak sa harap ng kaniyang kapatid. "You're drinking. Is there anything that's bothering you?" aniya at umupo sa katabing metal stool chair. "How's your review?" Sa halip ay tanong nito. Nagkibit-balikat si Eury bago kumuha ng shot glass at tahimik na nagsalin ng scotch. "Iyan ba talaga'ng gusto mong itanong, kuya? You can see me every freaking day and you definitely know what's going on with my review," aniya at nakangising humarap sa kapatid. Istrikto man ito sa kaniya, nakakausap pa rin naman niya ito na parang barkada lang. At kung meron mang pinakanakakakilala sa kapatid niya, siya iyon. Even their mom knows a little about her brother. Madalas kasing hindi magkasundo ang dalawa. "You like her," dagdag pa niya.Nanatiling tahimik si Killian at muling nagsalin ng scotch sa hawak na shot glass. "Silence means yes. Okay, at least alam ko na kung bakit ka naglala—" "Damn it, Eury! Can't you keep your mouth shut?" iritado nitong sabi sa kaniya. "Okay, sorry. Maybe I'll just tell Av to come here and join us," ani Eury. Akmang dadamputin na niya ang phone na nakapatong sa counter table nang hablutin iyon ni Killian. "Stop it, will you? Just leave." Bumuntong-hininga si Eury sa tinuran ng kapatid. Inubos na lang niya ang laman ng shot glass niya at iniwan muna ito roon para mapag-isa. Nang makapasok sa kaniyang silid ay bigla siyang napangiti. "Damn. Kaya pala single," aniya sa sarili at mabilis na tinawagan si Ava. "Hey, girl! Can you come here tomorrow?" agad niyang sabi kahit hindi pa ito sumasagot. "Sure. Anong book ang dadalhin ko?" Muntik na siyang mapahagalpak ng tawa sa sinabi nito. Her friend really thinks na magre-review sila. "Ikaw na'ng bahala. Basta bukas ha? And uhh—make it earlier if possible na rin. Dito ka na mag-breakfast, okay?" aniya. Nang pumayag ito ay talo pa niya ang nakapasa sa exam sa sobrang saya. "Here we go..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD