"H-Hi! Kanina ka pa ba dyan?" Napapitlag si Ava nang ma-realize na kinakausap pala siya ng babae. She cleared her throat and tried to compose herself before she spoke. Nakatingin pa naman pareho sa kaniya ang dalawa na mas lalo niyang ikinailang.
"A-Ah, sorry. Naistorbo ko yata kayo. Uhm, kararating ko lang..." aniya at alanganing ngumiti. Nainis siya sa sarili nang hindi niya malaman kung paano kikilos sa harap ng dalawa. Nahihiya siya sa bisita ngunit mas nahihiya siya kay Killian, knowing na nakikituloy lang siya roon. Halos mapaatras na siya nang mapawi ang ngiti ng binata. Wrong timing yata ang dating niya. Sana pala ay itinuloy na lang niya ang planong dumaan ng book store bago umuwi nang kahit papaano’y nakapagpalipas siya ng oras doon. Hindi sana siya nalagay sa awkward na sitwasyong iyon.
"Oh, it's okay! By the way, I'm Chiara. Chiara Bianca De Guzman," nakangiting sabi nito at iniabot sa kaniya ang kamay. Nahihiya naman niya iyong tinanggap. Hindi man lang nabanggit sa kaniya ni Eury na may girlfriend na pala ang kuya nito. At mukhang hindi lang basta girlfriend. Sa nakikita niyang closeness ng dalawa, mukhang sila na talaga ang magkakatuluyan.
“Uhh, I’m Ava. Friend ako ni Eurydice," aniya na naiilang pa rin. Nang sulyapan kasi niya si Killian ay nakatitig pa rin ito sa kaniya. Mas lalo siyang nailang nang mapansin iyon ni Chiara. Kahit hindi nito sabihin ay nababasa na niya ang bahagyang iritasyon sa mukha ng dalaga bagama’t nakangiti pa rin ito sa kaniya.
"S-Sa kwarto muna ako. Nice meeting you by the way!" Nginitian niya ito at magalang na nagpaalam sa dalawa bago tumulak patungong silid. Napabuga siya sa hangin nang maisarado ang pinto ng kuwarto ni Eury. Kung nagtagal pa siya roon, baka lalo lang siyang hindi makapagsalita nang dahil sa pinaghalo-halong emosyon. Ano kayang problema ni Killian at ganoon na lang makatingin sa kaniya? Hindi naman siguro niya naistorbo kung ano man ang ginagawa ng mga ito. At maayos rin naman niyang hinarap ang bisita nito kahit na nahihiya siya.
Ipinilig niya ang ulo at pilit na iwinaksi ang nasa isipan. Inayos niya ang dalang gamit at naghanda na para maligo. Hindi na muna siguro siya kakain ng hapunan. Masisira na naman ang diet niya. Isa pa, hindi niya kayang kumain kasama ang dalawang magkasintahan. Baka makaistorbo lang siya sa mga ito. Bago siya pumasok sa banyo ay narinig pa niya ang tawanan ng dalawa sa kitchen. Malapit lang kasi iyon sa kwarto ni Eury.
Hindi kaya kukuwestiyunin ng girlfriend ng binata ang pagtuloy niya roon? Mukha namang mabait ang babae pero iba pa rin ang pakiramdam niya. Sa tingin niya ay hindi nito gusto ang presensya niya lalo na sa klase ng tingin sa kaniya.
"HEY, natulala ka na dyan! Tikman mo na 'tong niluto ko kung pasado na ba." Napukaw ang atensyon ni Killian nang magsalita si Chiara.
"Jeez! Gusto mo bang ma-food poison ako?" aniya nang makita ang ikalimang pancake na niluto ng dalaga.
"Ang sama mo talaga! Sige na nga, o-order na lang ako ng foods. Just wait here, okay?" taas-kilay na sabi Chiara. Nagtungo muna ito sa sala at may tinawagan saglit para sa food delivery. Napapailing na lang siyang ibinalik ang tingin sa mga pagkaing nasayang. Sinabi na niya rito kanina na siya na lang ang magluluto ngunit mapilit si Chiara. Gusto rin daw kasi nitong matutong magluto ng isa sa mga paborito niyang pagkain. But she can cook other dishes. Mukhang kaaway lang talaga nito ang pancakes that she can’t even cook a edible one.
"Poor pancakes," dismayado niyang sabi saka isa-isang inilagay sa paper bag ang mga iyon. May natira pa sa tinimplang ingredients ni Chiara kaya inilagay na lang muna niya sa ref para hindi masayang. Aayusin na lang niya ang timpla no’n at lulutuin bukas ng umaga.
"Guess what? Naka-order na 'ko ng foods natin!" tuwang-tuwang sabi ng dalaga habang hawak anh cellphone nito ngunit kaagad naman itong napangiwi nang makita ang hawak niya.
"Oh, sorry! Ikaw pa tuloy ang naglinis n'yan. Akin na... ako na lang d'yan," anang dalaga at mabilis na inagaw sa kaniya ang paper bag. Hindi na siya nakaangal nang idiretso nito iyon sa trash bin.
“Hindi mo na sana itinapon. Pwede pa naman ‘yan ipakain sa mga stray dogs in the street.”
“No. Bumili na lang tayo ng dog foods for them,” angal naman ng dalaga.
Nagkibit-balikat na lang siya rito para hindi na sila magtalo. “Alright.”
"Next time, I'll cook pancakes. I can teach you, some other time if you want. Sayang naman kasi 'yong mga ingredients na ginamit mo," seryosong sabi ni Killian. Sumandal siya sa kitchen island na hanggang baywang niya ang taas at humalukipkip sa harap ng dalaga.
"Don't give me that look, Lian. Sasabihin mo na naman sa 'kin kung paano ako mag-aasawa kung hindi ako marunong magluto. At... baka maghirap ang asawa ko dahil wala akong alam na—"
"Yeah and I've told you that already years ago. And—you haven't changed yet. So, you're saying..."
She raised her brows and frowned at him. “Hindi pa ako pwedeng mag-asawa, gano’n ba? Well, thanks to your life-changing words of encouragement, Atty. Killian Arthur Franco," sarkastikong sabi ng dalaga. Sa halip na mainis ay tinawanan lang niya ito.
"Don't call me that. Wala tayo sa trabaho." Natigil lang ang usapan nilang dalawa nang marinig ang tunog ng doorbell. Si Chiara na ang nagpresintang magbukas ng pinto pero sinundan pa rin niya ito.
"Bakit ang dami mong in-order na pagkain? Baka masayang na naman 'to," aniya habang tinutulungan ang dalaga na magbitbit ng mga pagkaing dala ng dumating na delivery rider.
"Hindi lang naman tayo 'yong kakain, e. Call Avryll para makapag-dinner na rin siya. She looks tired, e. Gusto ko sana siyang makakuwentuhan kanina pero baka mas kailangan muna niyang magpahinga. I already texted your pretty sis and she's on her way na,” nakangiting saad ni Chiara.
"Fine, I'll call her. Paki-arrange na lang nito sa table," natatawang sabi niya bago tumulak para tawagin si Ava.
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago kumatok sa pinto.
"Uhh, may... kailangan ka?" Nakagat niya ang labi at matiim na tumitig sa dalagang kaharap nang pagbuksan siya nito ng pinto. Mukhang kagagaling lang nito sa shower. Nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng dalaga.
"Dinner's ready. Chiara’s inviting you to join us," aniya at tumikhim nang tila bumara sa lalamunan ang sinasabi.
"Naku hindi na! Uhm, busog pa naman ako, e. Sabay na lang ako kay Eury mamaya 'pag nagutom... S-Salamat." Napakunot ang noo niya sa sagot nito. Alas-syete na at hindi pa rin ito kumakain.
"You look tired. Nahihirapan ka ba sa review?" Sa halip ay tugon niya sa sinabi nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagod. Hindi nito iyon maipagkakaila dahil ganoong-ganoon ang itsura niya noon pagkatapos ng mahabang oras ng pag-aaral.
"Yeah pero kaya naman. Sige na, mauna na kayo ni—" Natigilan ito sa pagsasalita na wari'y may pinipilit na alalahanin.
"Chiara."
"Ah, oo! Sorry. Nakalimutan ko kaagad. May binabasa kasi ako kanina," anito at kaagad nagbaba ng tingin. Bumuntong-hininga siya. Pasimple niyamh sinilip ang loob ng kuwarto at nakita nga niya ang mga librong nakapatong sa kama. She’s telling him the truth.
"I won't buy your excuses. Fix yourself and let's have dinner. Pauwi na rin si Eury," aniya sa maawtoridad na tono. Wala siyang ibang makitang paraan para mapilit ito. Kaagad naman itong tumango.
Pagbalik niya sa dining area ay naka-serve na nang maayos ang mga pagkain habang si Chiara naman ay may kausap sa cellphone.
"Where is she?" she mouted while someone's talking on the line. Sumenyas naman siya rito na palabas na rin si Ava. Saktong dating din ng dalaga nang matapos ang pakikipag-usap ni Chiara.
"Gosh, it's just seven o' clock and my mom's worried sick about me already!" reklamo ni Chiara bago humila ng isang upuan. Tumayo naman siya para ipaghila ng upuan si Ava. Napangisi siya nang mapansin ang bahagyang pamumula ng pisngi nito. He really loves her reaction everytime they get close to each other. She's like a shy girl sitting beside her crush and blushing as hell in simple gestures.
Kaagad na napawi ang ngiti niya nang mapadako ang paningin sa mamula-mulang labi ng dalaga. Pansin niya ang pagiging unconscious ng dalaga tuwing kaharap siya pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi ito tingnan lalo na kung malapitan. Nag-mature na talaga ang hitsura nito, ganoon din ang pananamit hindi katulad noon na may pagla-boyish pa ito kung pumorma. Kitang-kita ang kurba ng katawan nito sa suot nitong slim-fitted tank top na kulay puti na tinernuhan ng denim shorts.
"Hello, people! Sorry medyo na-traffic lang. Hi, Cha!" bati ni Eury kay Chiara.
"Mamaya ka na magpalit ng damit, Eury. Kumain ka na muna," aniya rito nang akmang tutungo na sa kwarto.
"Saglit lang 'to, kuya, promise! Una na kayo," ani Eury at hindi na siya hinintay pang sumagot. Bumuntonghininga siya at sinenyasan na lang ang dalawang naghihintay na magsimula nang kumain.
Parang hindi nauubusan ng kwento si Chiara kaya madalas ang tawanan nilang dalawa lalo na kapag may naaalala itong nakakahiyang pangyayari noong high school pa lang sila. He's been friends with Chiara since elementary days. Magkaklase rin sila hanggang high school. Nagkahiwalay lang sila ng department noong mag-college dahil sa Business siya napunta at sa Hospitality Management naman si Chiara. Napakamasayahin nitong tao. Parang walang problema sa buhay kahit na ang totoo, nagmula ito sa broken family. Sinuportahan naman niya ito sa desisyong sa Canada muna tumira para makalayo sa ama nitong may iba nang kinakasama. Ang mommy naman nito ang madalas nitong nakakasama ngunit may pagkaistrikta rin sa kaniyang kababata.
"You should eat more. Pumapayat ka na," aniya kay Chiara nang mapansing kaunti lang ang kinuha nitong pagkain.
"No, I'm fine. I have to maintain my figure dahil may mga endorsement pa 'ko this coming month. Huwag mo nang tangkain na sirain 'yon."
"Alright. Sinabi mo, e."
Napansin ni Killian ang pananahimik ni Ava. Kung hindi pa magsasalita si Eury ay hindi rin ito sasagot. Napakunot ang kaniyang noo nang mapansing kakaunti lang din ang pagkain nito sa plato.
"You should eat more, too, Ava. Nalilipasan ka pa yata. Hindi 'yan maganda lalo na't nagre-review kayo," aniya sa dalaga. Alanganin itong ngumiti sa kaniya. Mabilis siyang kumilos para kunin ang Pasta Arrabiata.
"Here, try this. This is one of my favorite food when I was in Italy. Breakfast or dinner, 'yan pa rin," aniya at hindi mapigilang mapangiti nang may maalala muli.
Nang dumako ang tingin niya kay Chiara ay nanghahaba na ang nguso nito at binigyan siya ng matalim na tingin. Nagkibit-balikat na lang siya at muling itinuon ang pansin kay Ava habang tinitikman ang inilagay niyang pasta sa plate nito.
"This is good. Thanks," ani Ava at ngumiti sa kaniya. Damn that smile.
Patapos na silang kumain nang mapansin niya ang pagmamadali ni Ava. Napakunot ang kaniyang noo nang magpaalam ito at patakbong tinungo ang C.R na malapit sa kusina. Kasunod no’n ang pagtayo ni Eury para sundan ang dalaga.
"Is she okay?" tanong niya nang makabalik ang kapatid. May dala na itong baso na may lamang tubig.
"Warm water, Eury," utos niya rito. Nagkibit-balikat lang naman ito at tahimik na sumunod sa sinabi niya.
"Maybe it is the... pasta," nakangiwing sabi ni Chiara. Bumuntong-hininga siya at tumayo para puntahan si Ava.
"Hey... you okay?" tanong niya nang maabutan itong papalabas na ng C.R.
"Uhm, yeah. Thanks. Sa kwarto lang muna ako," paalam nito at dumiretso na sa kwarto kasama si Eury. Siya naman ay frustrated na bumalik sa table. Mukhang tama nga si Chiara. Dahil nga iyon sa pasta.
"Damn it," he cursed softly.
"Hindi mo naman sinasadya. Kinain naman niya, so..." nakataas ang kilay na sabi ni Chiara.
"It's my fault. I didn't know," dismayado niyang sabi.
Mayamaya ay nagpaalam na rin si Chiara para umuwi. Siya na lang ang nagpresintang maglinis ng mga kalat nila dahil hindi na rin lumabas ng kwarto si Eury. Siguro’y dinadamayan nito si Ava. Baka may allergy ito sa ingredients ng Pasta Arrabiata at pareho pa nilang hindi alam.
Sanay naman siyang maglinis mula nang tumira siya sa condo niya nang mag-isa. Ni minsan ay hindi siya kumuha ng maid para maglinis at magluto para sa kaniya dahil ayaw niyang may ibang tao pa siyang naaabala tuwing umuuwi. Panay ang mahihina niyang pagmumura habang naglilinis. Napailing siya nang dumako ang tingin sa natirang pasta. Bagama't nanghihinayang ay binalot na lang niya iyon at isinama sa mga scrap na pagkain na ipamimigay naman niya sa mga stray dogs mamaya kaysa itapon. Naroon pa rin ang mga palpak na luto ni Chiara ng pancakes.
Bago siya pumasok sa kaniyang silid ay lumabas mula siya, dala ang mga scrap na pagkain. Dumaan na rin siya sa shop para bumili ng dog food.
Sinulyapan niya ang ilang pack ng dog food na ipinatong niya sa passenger’s seat. Siguro naman ay sapat na iyon para sa mga makikita niyang pagala-galang aso sa kalsada.
Mag-a-alas-dyes na nang makabalik siya sa condo. Pagpasok niya sa may sala, natanaw kaagad niya ang bulto ng taong nasa kitchen.
“Ava… how do you feel now?” usisa niya rito nang makita itong may hawak na tasang may lamang mainit na tubig.
“I-I’m fine. Nagtimpla lang ako ng tea for detox.”
Tumango-tango siya. “Okay. Magpahinga ka na rin after n’yan.” Tipid namang ngumiti sa kaniya ang dalaga.
Tumikhim siya nang akmang tatalikod na ito sa kaniya.
“Good night.”
“Good night,” nahihiya nitong tugon.