Nang magising si Ava, siniguro niyang maayos ang suot niyang damit. Nakakahiya naman kung makikita na naman siya ni Killian na half-leg lang ang suot na pang-itaas at wala pang suot na bra. Nasanay na kasi siya sa ganoong pananamit noong mag-isa na lang siya at hindi na niya nakakasama sa bahay ang kaniyang kuya.
"Good morning," bati niya rito nang muling maabutan sa kusina. Sa halip na batiin siya ay tumango lang ito. Nakasimangot niya itong nilampasan at nagpanggap na lang na abala sa pagluluto kahit ang mga tenga niya't mga mata ay alerto kay Killian.
Nagbabasa ito ng dyaryo habang umiinom ng kape. Mukhang pinag-iwanan na yata ito ng teknolohiya dahil hanggang ngayon ay sa dyaryo pa rin nag-aabang ng balita. Ano kayang tipo nito sa mga babae? Iyon bang mahilig sa mahabang palda, makapal ang salamin, at mahinhin kumilos?
"Anything wrong?" Muntik nang mapatalon sa gulat si Ava nang magsalita si Killian. Hindi na niya namalayang nakatitig na pala siya rito.
"A-Ah, w-wala!"
"How's your review? Hindi ba kayo nahihirapan sa topic?" seryosong tanong nito at saglit na ibinaba ang hawak na dyaryo.
"Okay lang naman," tipid niyang sagot. Tumango lang ito saka ibinalik ang tingin sa binabasa. Hindi na siya muli pang kinausap dahil sunod-sunod na ang sinasagot nitong tawag.
Iniisip niya kung ganoon din ba siya ka-busy kapag naging C.P.A na siya. Makapag-asawa pa kaya siya? Sa nakikita niya kay Killian ay halos halikan na nito ang laptop kapag naaabutan niya sa sala tuwing gabi. Pasimple niyang pinagmasdan ang binata habang nakikipag-usap sa kliyente nito. Pati paggalaw ng adams apple nito kapag nagsasalita ay hindi niya mapigilang sundan ng tingin. Kaagad naman siyang umiiwas ng tingin kapag dumadako sa kaniya ang paningin nito.
"Hey busy people!" sabay silang napalingon ni Killian nang dumating si Liam. Iritado namang sumenyas ang binata sa kadarating na kapatid dahil may kausap pa ito.
"Sorry," pabulong na sabi ni Liam at nakangiting lumapit sa kaniya. Nakatuon naman ang tingin ni Killian dito habang may kausap pa rin sa phone.
"Here. Dinalhan ko kayo ni Eury ng cupcake. Pampagana pagre-review," anito at kumindat sa kaniya. Sa halip na mailang ay natawa lang siya sa ginawa nito. Noon pa man ay magaan na ang loob niya kay Liam kahit may madalas siya nitong asarin noon.
"Thanks. Utang muna 'to, ha?" biro niya.
"Sure! Ililista ko na lang. Five thousand is fine," nakangising sabi nito.
"Funny," aniya at natatawa itong inirapan. "Coffee or tea?"
"You." Sinundan agad ni Liam ng halakhak ang sinabi.
"Damn it, Liam!" iritadong sabi ni Killian nang matapos itong makipag-usap sa kliyente.
"What?"
"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong nito kay Liam.
"Bumibisita. Bawal na ba?" kibit-balikat nitong sagot.
Bahagyang nailang si Ava nang makitang seryoso ang dalawa. Tahimik niyang binuksan ang box na dala ni Liam para kumuha ng ilang cup cake.
"Ahm, gusto mo?" alok niya kay Killian. Kumunot ang noo nito at mariing umiling.
"No, thanks. I don't like sweets-"
"Hindi naman masyadong matamis 'yan, kuya! Come on, taste it!" nakangising sabi ni Liam. Sa halip na sumagot ay nakipagtagisan lang ng tingin dito si Killian.
"S-Sige... Itatabi ko na lang muna," aniya at kaagad iyong inilagay sa ref. Naglabas lang siya ng para sa kaniya.
"Masarap ba?" tanong ni Liam nang tikman niya ang isa. Ngumiti siya rito at marahang tumango.
"Good. Lagi na 'kong magdadala n'yan everytime na pupunta ako rito."
"You don't have to come here, William. Busy sila sa review. Makakaabala ka lang," malamig na sabi ni Killian.
"Oh, sorry for that. But, maybe during weekends?"
"They still have review during Saturdays and Sundays will be their rest time. Wala ka bang pinagkakaabalahan ngayon at puro gala ang inaatupag mo?" Napalunok si Ava sa sinabing iyon ni Killian.
"Well, hindi naman hectic ang schedule ko kaya may time ako for this. But I think, I have to leave now before someone explodes," kalmadong sabi ni Liam bago nagpaalam sa kanila na aalis na ito.
Naiiling namang bumalik sa puwesto si Killian. Alanganin siyang ngumiti nang sumulyap ito sa dako niya.
"Where's Eury? Let's have our breakfast," kalmado nang sabi nito. Tumango-tango naman siya at nang akmang tatawagin na si Eury ay naagapan ni Killian ang braso niya. Muntik na siyang mapatalon sa gulat.
"I'm sorry for what happened. I just don't like Liam being here while you do your review." Nahihiya naman siyang tumango. Wala siyang mahagilap na salita.
"Good morn-oh!" Natigilan si Eury nang maabutan sila sa ganoong sitwasyon. Namumulang napatingin si Ava kay Killian. Bumuntong-hininga lang ito sa reaksyon ni Eury bago nito binitiwan ang braso niya.
"Good morning, kuya! Good morning, beshie!" Napalunok si Ava sa mapanuring tingin ni Eury.
"Hoy, bruha! What was that, huh?" taas-kilay na tanong ni Eury sa kaniya nang papasok na sila sa loob ng THC Review Center. Hindi kasi ito nagkaroon ng pagkakataong magtanong kanina dahil si Killian ang naghatid sa kanila roon.
Nagpatay-malisya naman siya sa tanong ng kaibigan at diretso lang na naglakad. Masyado ring okupado ang utak niya ngayon kaya hindi niya masagot si Eury.
"Ano? May inililihim ka na ba sa 'kin, ha?"
"Wala! I mean... Wala naman 'yon, e," aniya at itinago ang pamumula sa kaibigan.
"And you're blushing. What the hell? Is he hitting on you, Avryll Kate Ariza?" seryosong tanong ni Eury at humalukipkip sa harapan niya. Sinadya nitong iharang ang katawan sa daan para huminto siya.
"Of course not! Wala nga 'yon, Eury. I was supposed to go to your room when he held my arms and we talked... until you came and uhh-saw us like that." Napabuntong-hininga siya matapos magpaliwanag. Hindi niya ito maintindihan at naguguluhan din siya. Big deal ba talaga iyon masyado para gisahin siya nang ganoon ni Eury?
"Then why are you blushing?"
Pinandilatan niya ang kaibigan. "Because it's like your accusing me of something! I'm not hiding anything from you. Nahihiya lang ako na nakita mo 'yon kasi baka nga iba ang isipin mo. Stop this already, Eury. Let's go."
"Fine, but I still have one last question," ani Eury at pilyang ngumiti. "Do you like Kuya Lian?"
"N-No!" mabilis niyang sagot. Mas lalo namang napangisi ang kaibigan.
"Okay. If you say so... Tara na nga!"
Dalawang minuto na lang sana at late na silang dalawa. Tahimik silang pumasok sa loob ng room. Nang makita nilang bakante pa sa ikatlong row ay doon na sila umupo. Mas maganda kasi kung malapit lang sila sa mga nagtuturo para mas ma-absorb nila ang mga topic. Bagamat dinig naman sa hulihan ang boses ng reviewer nila ay mas maganda pa rin talaga kung nasa harapan.
Inilabas niya ang notebook at cellphone na gagamitin para sa recording. Magre-record siya habang nakikinig para pwede pa ulit niyang pakinggan pagkatapos ng klase kung may makakalimutan man siya.
Mataman siyang nakinig sa nagle-lecture sa harap at gano'n din naman si Eury. Hindi na nila namalayan ang oras dahil seryoso silang nagte-take down ng lectures.
"I'm so tired. Kahit nakaupo lang tayo, parang na-stress ang brain cells ko," reklamo ni Eury nang matapos ang kanilang review sa MAS.
"Me, too. Gusto ko nang kumain," aniya. Hinilot niya ang sentido at marahang minasahe ang batok na nangalay kanina.
"Hello, girls! How was your review so far?" Nagulat silang dalawa nang biglang lumapit ang isa sa mga nagtuturo sa kanila.
"Sir Daron!" gulat na sambit ni Eury.
"Oh, don't be too formal. Tapos na naman ang klase. By the way, I remember you. You're Lian's sister, right?" tanong nito kay Eury ngunit sa kaniya nakatingin. Kaagad naman siyang nakaramdam ng pagkailang.
"Ah, y-yes, sir. Ahm, this is Ava and uhm-"
"Nice meeting you, Miss Ariza. Are you going to have lunch already? Pwede kayong sumabay sa 'kin," putol nito sa sana'y sasabihin pa ni Eury. Pilit siyang ngumiti kay Daron at sinulyapan si Eury. Napansin agad niya ang pagkairita nito.
"Hindi na po, sir. May gagawin pa po kasi kami ni Eury before our lunch," palusot niya. Pasimple niyang siniko si Eury para maka-exit na sila roon.
"Ang haba ng hair mo, 'te! Alam mo bang kanina pa nakatitig sa 'yo si Daron?" ani Eury.
"Wow, Daron na lang talaga?" nakangisi niyang tanong sa kaibigan.
"Oh, please, Av. Hate na hate ko ang antipatikong 'yon. Kung hindi niya lang ako estudyante ngayon, utot niyang tawagin ko siyang 'sir'."
"So, kilala mo na talaga siya?" aniya na biglang naging curious sa sinabi ni Eury.
"Yeah. Ka-batch siya ni kuya. They're friends, actually. But I don't like him! He's so mayabang and argh-naiinis ako. Halika na nga." Halos kaladkarin na siya ni Eury palabas sa pagmamadali nito.
"Hey, princess! What's with the pouted lips of yours?" Sabay na napalingon sina Ava at Eury kay Liam. Nakasandal ito sa pinto ng kotse habang nakahalukipkip. Ang mga nito'y nakatuon sa kaniyang kasama.
"Liam! Anong ginagawa mo rito?" manghang tanong ni Ava. Sa halip na sumagot ay kumindat lang ito sa kanya. Lumapit ito sa kapatid na si Eury.
"Alam ko na 'yan, princess. Is it him again?" nakangising sabi nito sa kaibigan niya. Kunot-noo lang niyang pinagmamasdan ang mga ito.
"Anong meron?" aniya.
"Gutom na kayo 'di ba? Let's go, sagot ko na," sagot ni Liam. Nauna na ang mga ito sa pagpasok sa loob ng kotse. Napapailing na lang siyang sumunod sa mga ito.
Kanina pa nahihiwagaan si Ava sa dalawang kasama. Panay ang tinginan ng mga ito na wari'y sila lamang ang nagkakaintindihan. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain habang nag-i-scroll sa kaniyang social media account.
"May lakad ba kayo ni Eury bukas, Av?" mayamaya'y tanong ni Liam. Kaagad namang nag-angat ng tingin ang dalaga.
"Hmm... wala pa naman. Bakit?" aniya bago sumubo muli ng pagkain. Dinala kasi sila ni Liam sa paborito nitong kainan. Hindi naman kamahalan ang mga pagkain doon kaya pumayag na rin siyang sagutin na lamang iyon ni Liam.
"Invite sana kita mamasyal after your review?" nakangiting sabi nito.
"Really? Anong nakain mo at naisipan mong mag-invite?" patay-malisya niyang sagot. Kaagad siyang nagbaba ng tingin para iwasan ang pagtitig ni Liam sa kaniya.
"Wala lang. Bonding na rin natin siguro. Tagal kitang 'di nakita, ah."
"Kasama ba si Eury?" aniya. Umiling ang binata. Nginitian lang naman siya ni Eury nang dumako rito ang tingin niya.
"O-Okay... sige."
Nang matapos ang klase nila sa araw na iyon, nagpaalam si Eury na may lakad pa ito. Hindi na siya nagtangka pang sumama sa kaibigan niya dahil alam niyang hindi rin naman nito gustong isama siya sa lakad nito. She can sense something different from her but she just ignored her thoughts. Mag-bestfriend nga sila pero nirerespeto pa rin niya ito kung may ayaw itong sabihin sa kaniya.
Nag-offer naman si Liam na ihatid siya pero tinanggihan niya iyon. Nag-abang na lang siya ng taxi at nagpahatid sa Dungeon Heights. Sumakay siya ng elevator patungong 11th floor. Laking pasasalamat niya dahil wala masyadong tao kaya solo niya iyon. Kinapa niya sa loob ng bag ang identification card na ibinigay ni Eury para makapasok siya sa unit ni Killian.
Napangiti siya nang mag-click ang pinto matapos niya iyong i-swipe. Maaga siyang makakapagpahinga ngayon dahil wala naman siyang ibang gagawin. Didiretso na sana siya sa kwarto sa pag-aakalang mag-isa lang siya roon nang makarinig siya ng tawanan mula sa kusina. Inilapag niya ang dalang bag sa couch at tahimik na lumapit upang makita kung sino ang naroroon. Napasinghap siya nang mapagtantong naroon pala si Killian. At hindi ito nag-iisa.
"Don't even try to cook next time, Cha. You seriously sucks!" tatawa-tawang sabi ni Killian sa babaeng kausap. Nagtaka siya kung sino ang kasama ni Killian doon. Iyon ang unang beses na nakita niya si Killian na ganoon kasaya. Mula kasi nang makilala niya ito ay palaging nakasimangot o di kaya'y mainit ang ulo. Saksi siya roon.
Tila napako sa sahig ang mga mata niya at nagdalawang isip pa kung babatiin ba ang mga ito didiretso na lang sa kwarto ni Eury. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang kaba. She doesn't know how Killian would react if he noticed her watching him and his... girlfriend?