Akala ni Ava ay magtutuloy-tuloy na ang magandang pakikitungo sa kaniya ni Killian. Ngunit nang mga sumunod na araw ay hindi na naman siya nito kinakausap. Hindi tuloy niya maiwasang mapaisip kung ano ba ang nagawa niyang hindi nito nagustuhan. Hanggang sa nagpaalam ito na isang linggong mawawala para sa kasong hinahawakan nito. His presence is needed in Manila. Naiwan silang mag-iina sa ancestral house. Tuwing naiinip ang mga bata, ipinapasyal niya ang mga ito kina Eury o 'di kaya naman ay sumasadya sila sa mall. Killian gave her one of his cards. Kahit ayaw niya iyong tanggapin ay kinuha na lang niya dahil tama nga naman ito sa sinabing responsibilidad nitong mag-provide para sa mga anak nila at kahit sa kaniya rin bilang asawa. Sa ika-anim na araw na wala si Killian, ginugol naman ni

