Monica’s Point of View PASADO alas-otso na ng umaga nang magising ako kinabukasan. Dahil sa kasiyahang naramdaman ko kagabi sa acquaintance party na naganap ay halos napagod ako. ’Di ko naman ini-expect na magiging masaya ang party na iyon. Ang daming kong nakilalang mga tao at inaamin ko sa sarili ko na ngayon lang ako nakaranas ng ganoong kasayang party sa buong buhay ko. Ipinikit ko muna sandali ang mga mata ko. Nakangiti pa ako habang iniisip pa rin ang mga masasayang nangyari kagabi. Ngunit naputol lang iyon nang tapikin ni Chepai ang pisngi ko. “Monics, Monics, gumising ka,” pukaw niya sa akin na para bang nababahala siya. Napamulat naman ako ng mata at nagtatakang napatingin sa kanya. “Bakit ba?” “Gumising ka na. May naghahanap sa iyo sa labas.” “Si John ba ’yan? Sabihin mo sa

