Monica’s Point of View
“IKAW?” nasabi ko na lang sa kanya nang matauhan ako sa kinatatayuan ko. Ang liit talaga ng mundo. Pati rito ay makikita ko siya, at ang nakakagulat pa ay siya pala ’yong manager ng juice bar na pinag-apply-an ko.
Nakasuot si Kent ng long sleeve na itim na fit na fit sa kanyang katawan. Sobrang formal niyang nakaupo sa swivel chair niya habang nakatingin sa akin. At… oo na… mas dumagdag pa sa kaguwapuhan ng lalaking ito ang suot niya. Hindi na ako maglilihim pa.
“Why are you surprise? Hindi ba nasabi ni Stephanie sa iyo na ako ang manager ng juice bar na ito?” tanong niya sa akin. Ito iyong kauna-unahang conversation naming dalawa. Lagi kaming nagkikita ng lalaking ito sa campus ng SJU. Nagtitinginan lang kaming dalawa pero hindi man lang kami nagkausap, lalo na roon sa orientation.
Kaya nakakaramdam ako ng pagkailang sa kanya kasi hindi ako sanay na nakikipag-usap sa kay Kent. Bakit ba sa dinami-daming tao sa mundo, siya pa ang itinadhanang manager ng juice bar na ito?
At saka, sa hitsura niya, hindi talaga siya masasabing manager kasi ang bata pa niya para sa akin. Though, matangkad naman siya pero ang bata pa niya para mag-manage ng isang juice bar.
Hindi pa rin ako nakaka-move on. Nananatiling nakatayo pa rin ako habang naguguluhan sa nangyayari. Biglang ayaw yatang gumana ng utak ko ng mga oras na iyon. Ang daming katanungan ang umiikot sa isip ko na hindi ko alam ang kasagutan. Gusto kong malinawan.
“Have a seat,” utos niya sa akin. Walang pinagbago ang reaksyon ng mukha niya. Sobrang seryoso niya. Sa tingin ko talaga ay masungit ’tong lalaking ito. Hindi ba siya marunong ngumiti?
Sabagay, may mapait na nakaraan nga pala ang lalaking ito. Baka iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang ngumiti.
Dahan-dahan kong iginalaw ang paa ko upang pumunta roon sa upuan kaharap ng lamesa niya. Nahihiya pa akong umupo at napatingin sa kabuuan ng office niya dahil ayokong magtama ang mata namin sa isa’t isa dahil sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon sa sarili ko.
Binigyan ko muna siya ng pansin bago muling inalis ang mata sa kanya. Napansin ko na tahimik siyang tinitingnan ang bio data ko habang nakahawak ang isa niyang kamay sa baba niya. Nagmumukha tuloy siyang matalino at propesyonal.
Maya-maya, bigla siyang nagsalita. “So you are taking Education, right?”
Tumango ako kahit hindi niya nakita. “Yes po.”
“And why you choose that course?”
“B-Because I want to become a teacher someday,” sagot ko. Kaloka! Ano’ng klaseng sagot iyan, Monica? Bakit parang pang-elementary yata ’yang english speaking mo!? Pagpasensyahan niyo na dahil kinakabahan talaga ako, eh.
Nakita kong tumango siya sa sinabi ko. “Good choice,” sagot niya. “And why you decided to apply here? Hindi ba makakaabala ang trabahong ito sa pag-aaral mo?”
“Hindi po, Sir. Actually, kinakailangan ko lang po talaga ng part time job. Pandagdag income lang po habang nag-aaral ako rito. And I hope that you will consider my application to be your part time waitress.”
“But we need a full time. Alam mo ba iyon?” daretso niyang tugon.
“Yes po. Aware po ako roon.” Kahit hindi naman talaga.
“And then why did you take a risk kung alam mo naman pala na kailangan namin ng full time waitress?” ani Kent na medyo hindi na ganoon kaaya-aya pakinggan ang tono ng boses niya. Para siyang galit na ewan. Bigla naman akong kinabahan kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Tumikhim pa ako bago sumagot. “Ahm, Sir. I did it because I just want to take the opportunity. Aware po ako na full time waitress po ang hanap niyo. Pero sumige pa rin po ako at nagbabaka-sakaling matanggap ako. Naisip ko po kasi na baka makatulong sa akin ang pagpa-part time job para sa mga gastusin ko sa pag-aaral. Ayoko rin po kasing umasa sa scholarship kaya ko po ito ginagawa. Iyon po ang dahilan kung bakit ako nag-take ng risk para mag-apply rito.”
Natahimik siya habang nakatingin sa akin. ’Yong titig niya, kulang na lang para matunaw ako. Hindi ako sanay kaya napatungo ako ng ulo upang iwasan ’yong tingin niya.
“And what will be your duty time if I hire you?” seryosong tanong pa niya sa akin matapos ang ilang segundong katahimikan.
Muli akong napatingin sa kanya upang sagutin ng deretso ang tanong niya. “Ahm, makakaya ko pong mag-render ng oras sa gabi pagkatapos po ng klase ko sa umaga. Puwede po akong magsimula ng alas sais ng gabi hanggang closing time ng juice bar. Alam ko po na malaking epekto po ito sa suweldong matatanggap ko kapag natanggap po ako sa trabaho. Pero okay lang po sa akin. As long as may trabaho po ako, makakaya ko po ang lahat.”
Pagkatapos kong sumagot, hindi na muli siyang nagsalita. Naiwang nakatitig lang talaga siya sa akin habang nananatili ’yong isa niyang kamay sa baba niya. Pinapakiramdaman niya ako. Matamang tinitingnan niya ako na para bang chini-check niya ang hitsura ko.
Muli ko namang itinungo ang ulo ko sa ibaba para iwasan ang nakakailang niyang titig. Doon na ako bumaling sa kanya ulit nang magsalita siya.
“Last question, why you always looking at me?”
“S-Sir?” Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
“Sa SJU, bakit lagi mo akong tinitingnan? May gusto ka ba sa akin?”
Nagulat ako sa tanong niyang iyon kaya kaagad ako sumagot. Umiling pa ako bilang hindi pagsang-ayon. “Hindi po, Sir. W-Wala po akong gusto sa iyo. Medyo nakaka-curious lang po dahil napaka-seryoso niyo po sa school. ’Yon lang po.”
Matapos niyon, wala na siyang ibang tinanong sa akin. Sinabihan na lang niya akong na lumabas na sa opisina at hintayin ang feedback ni Stephanie kung tanggap ba ako o hindi. Nananalangin talaga ko na sana matanggap ako sa trabahong ito. Mukhang delikado rin kasi dahil full time pala ang hinahanap nila at hindi part time.
Umupo lang ako saglit doon sa mga upuan. Mga ilang minuto ang nakakalipas, lumapit sa akin si Stephanie at napatayo naman ako upang kaharapin siya.
Hindi kaagad siya nakapagsalita dahil biglang dumaan si Kent sa gilid naming dalawa, kasunod nito ang isang lalaki na mukhang driver niya.
Nagtama pa ang mga mata namin sa isa’t isa pero biglang nawala iyon ng tumalikod na siya papunta sa glass door ng juice bar.
“Ms. Bautista, I would like to inform you that you are going to be in a waitlisted list since we’ve seen that you are having conflicts between your schedules and the duty time for the job…” Hindi ko na narinig pa ang sinasabi ni Stephanie kasi palagi kong naibabaling ang tingin ko roon sa labas kung nasaan nakikita ko si Kent na papunta na sa kanyang sasakyan.
Pinapayungan siya ng driver nito dahil umuulan sa labas. Pagkatapos ay napatingin na ako kay Stephanie at mukhang tapos na pala siyang magsalita.
“Ano po iyon, Ma’am?” tanong ko. “Sorry po. Na-distract po kasi ako.”
“No worries. Papaikliin ko na lang ang sasabihin ko, mawe-waitlisted ka muna pansamantala dahil nagkaroon ng conflict between sa schedule mo at sa duty time ng trabaho sa juice bar. We are supposedly looking for a full time waitress. Pero sa iyo, mukhang mahihirapan kami sa magiging duty time mo since nag-aaral ka pala. But don’t worry, hindi ka naman bagsak sa interview. Basta lagi lang naka-open ang linya ng cell phone mo at magtetext lang ako kung ano ang final na desisyon ni Sir Kent. For the meantime, puwede ka na umuwi. Salamat sa pagpunta mo rito.”
“Sige po. Maraming salamat po.”
Matapos ang pag-uusap na iyon, kaagad na akong lumabas. Hindi ko na naabutan pa si Kent kasi mukhang kakaalis lang ng sasakyan nito. Teka? Ba’t parang naghahabol ako sa kanya?
Nang makalabas ako ng juice bar, doon ko lang namalayan na umuulan ng malakas. ’Tapos, naalala ko na wala pala akong payong na dala. Nakalimutan ko. Maganda kasi ang panahon kanina at hindi ko inaasahan na uulan pala. Dapat pala nagdala ako ng payong.
Sa puntong iyon, hindi ko kailangan na manatili sa lugar na ito. Mabuti na lang at may malapit na waiting shed. Sinubukan kong takpan ang ulo ko gamit ang dala-dala kong bag na maliit na pinahiram pa sa akin ni Chepai.
Basang-basa ako nang makasilong ako sa waiting shed na iyon. Ako lang mag-isa at dinadaanan lang ako ng mga sasakyan doon.
Sinubukan kong maghintay at nagbabaka-sakali ako na may dumaan na jeep o tricyle man lang. Pero ilang minuto na akong naghihintay roon ay wala pa ring dumadaan. Nilalamig na ako dahil basang-basa nga ’yong suot ko ng ulan.
Maya-maya, hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Bigla na lang may huminto na itim na sasakyan sa kinatatayuan ko. Automatic na bumaba ang tinted nitong salamin at nakita ko kung sino ang nasa loob niyon.
Wala ng iba kundi si Kent… ulit.
“Come on. We will take you home,” sigaw pa niya sa akin sa loob ng sasakyan.
Teka? Bakit nandito siya? nasabi ko na lang sa sarili ko habang gulat na gulat ang mukha kong nakatingin sa kanya roon sa loob ng sasakyan.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
Kent’s Point of View
“Hindi po, Sir. W-Wala po akong gusto sa iyo. Medyo nakaka-curious lang po dahil napaka-seryoso niyo po sa school. ’Yon lang po,” she said when I asked her if she has crushed on me.
Iyon lang ang gusto kong itanong sa kanya kaya ko siya gustong makita. Ang weird lang kasi ng pagkakatingin niya sa akin noong mga nakaraang araw. I just want to clarify this kasi hindi na ako kumportable na may taong nakatingin sa akin.
Teka? What did I asked? Kung may gusto ba siya sa akin? Ano’ng klaseng tanong iyon, Kent? Saan ko naman napulot ang katanungang iyon sa isip ko, ah?
I realized also that she don’t have any idea about my past. Napag-alaman ko iyan dahil sa sagot niya. Good thing to hear that. Dahil sabi ko nga, ayoko ng pag-usapan pa ang nakaraan. Good thing that Monica doesn’t have any idea about me. Hindi pa rin ako magiging kumportable kapag pinag-uusapan iyon.
Maya-maya ay naisip ko na lang na paalisin siya sa opisina. Matagal akong nag-isip kung tatanggapin ko ba siya rito sa juice bar o hindi. Full time waitress talaga ang kailangan namin dito. At noon pa man ay wala akong balak na tumanggap ng mga part time workers.
On the other hand, naisip ko rin na sayang naman kung hindi ko siya tatanggapin. Nakita ko ang bio data niya. She has a good quality to become a waitress. Sanay siya sa mga gawain as what stated on her hobbies and skills. Pero iyon nga, nag-aaral pa siya. Katulad ko.
Naisip ko na ilagay na lang siya sa waitlisted list kasi baka mangangailangan kami ng tauhan balang araw. Pag-iisipan ko pa kung tatanggap ba ako ng mga tao na gusto ng part time job.
I don’t have any idea for this. Kailangan kong mag-consult kay Larry dahil mahilig iyon magpatakbo ng business. I remember that his family has a private bar. ’Yong tito niya ang may-ari at siya minsan ang nagpapatakbo kapag wala ito.
Siguro iyon na lang ang gagawin ko para matapos na ito.
Sinabihan ko naman kaagad si Stephanie sa desisyon ko. Nagulat man siya sa sinabi ko pero wala naman siyang ibang ibinukang-bibig at sinunod na lang niya ang utos ko. Maya-maya, pumasok naman si Robe sa opisina ko, dala-dala ang isang itim na payong.
“Sir Kent, tumawag po ang daddy niyo. Kailangan niyo na raw pong umuwi dahil may sasabihin daw siya sa iyo,” iyon lang ang nasabi ni Robe sa akin.
“Bakit may dala kang payong?” tanong ko naman.
“Umuulan po kasi sa labas. Sobrang lakas po.”
Umiling na lang ako at tumayo na sa pagkakaupo ko roon sa swivel chair. Nauna akong lumabas at nakasunod lang naman si Robe sa akin.
Paglabas ko papunta sa exit door ng juice bar, napansin ko pa sina Stephanie at Monica na nag-uusap. Mabilis na nagtama ang mata namin ni Monica. Pero kaagad kong inalis ang tingin ko sa kanya dahil sa bilis ng paglalakad ko papuntang exit door.
Naroon pa rin ’yong weird na pakiramdam ko sa tuwing tinitingnan ko siya. I don’t know what is exactly the meaning of this weird feeling? Kanina pa ito, noong kausap ko siya sa office. Muntikan na akong mautal pero nananatili akong naging propesyonal sa harap niya dahil ayokong makita niya ang sarili ko na hindi kumportable sa kanya. And I did that successfully.
Napailing na lang ako ng makasakay ako ng sasakyan. Tiningnan ko pa siya roon sa loob ng juice bar. ’Tapos napaisip ako kung ano’ng meron sa babaeng iyon at bakit iba ang pakiramdam ko sa tuwing tinitingnan ko siya.
“Alis na po tayo, Sir?” Natigil lang ang pag-iisip ko ng magsalita si Robe sa akin na kasalukuyang nasa driver seat na. Tumango lang ako ng ulo bilang sagot.
Hindi ko na tuluyang tiningnan pa ang juice bar dahil ayoko ’yong weird feeling na nakakapa ko ngayon sa dibdib ko. May pumasok sa isipan ko bigla at napaka-imposibleng mangyari iyong iniisip ko kaya hinayaan ko na lang.
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ni Robe nang subukan kong kunin ang cell phone ko sa aking bulsa. But I almost jump into my seat when I noticed that I didn’t find my phone.
Hinanap ko pa iyon ng mabuti at inalala ang lahat na nangyari. Mukhang naiwan ko yata ang cell phone ko sa juice bar. Kailangan kong balikan iyon.
Kaya inutusan ko ulit si Robe na i-U-Turn ang sasakyan pabalik sa juice bar dahil nakalimutan ko nga ang cell phone ko.
Nang makabalik kami, kaagad akong bumaba ng sasakyan kahit umuulan. Tinawag pa ako ni Robe pero hindi ko siya pinakinggan. Nabasa man ako ng ulan sa pagtakbo ko papunta sa juice bar, hindi ko na iyon pinansin pa. Dali-dali ko ng kinuha ang cell phone ko sa office at muling bumalik sa sasakyan.
Nang makabalik ulit ako sa sasakyan, bigla akong may nahagip hindi kalayuan doon sa isang waiting shed.
Hindi ako magkakamali sa nakikita ko dahil sa postura pa lamang ng babaeng iyon ay alam kong si Monica iyon. Giniginaw siya sa kinatatayuan niya. Mukhang nabasa rin siya ng ulan nang sumilong siya.
There’s something pop up in my mind at that moment, something that I should help her. Ganoon ang iniisip ko ngayon. Ayoko mang gawin pero iyon ang binubulong ng isipan ko. So I follow what my mind says.
Kaya ang ginawa ko ay inutasan ko si Robe na puntahan ang babaeng iyon sa waiting shed. Nalilito man siya sa inuutos ko pero ginawa naman niya.
Nang ihinto ni Robe ang sasakyan sa harap ni Monica, mabilis kong ibinaba ang bintana at inanyayahan siyang sumakay sa sasakyan upang ihatid siya.
“Come on. We will take you home,” sigaw ko pa.
Hindi kaagad siya kumibo roon. Naguguluhan pa siya, dahil kitang-kita sa mukha niya ang kalituhan kung bakit nasa harapan namin siya. Binale-wala koi yon kasi, sa pagkakataong ito, awa ang nararamdaman ko kay Monica nang makita kong basang-basa siya roon sa kinatatayuan niya at giniginaw na siya.
“Come on. Mas lalong lumalakas ang ulan, oh. Sumakay ka na!” sigaw ko pa.
Mukhang wala na siyang nagawa kundi sumakay na lang. Wala siyang choice. Kung hindi siya sasakay, mamatay siya roon sa lamig. Baka magkasakit pa siya.
Naging awkward ang atmosphere naming dalawa roon sa loob ng sasakyan habang bumabiyahe kami. Magkatabi kami ngayong dalawa sa likod. Walang imikan ang nangyari. Tahimik lang siya roon habang nakatingin siya sa bintana.
Nang subukang tingnan ko siya, mas lalo pa siyang nilamig dahil nga naka-full air conditioned ang sasakyan. Yakap-yakap niya ang sarili gamit ang dalawang braso niya. Dagdagan pa na basang-basa nga siya ng ulan.
Wala man sa plano na gawin ko ang iniisip ko ngayon, wala na rin akong nagawa kundi gawin ang tama. Hinubad ko ang suot kong jean jacket at saka ko ito ibinigay sa kanya.
“Here. Take this,” sabi ko pa nang iabot ko sa kanya ang jacket. As usual, she looked at me like she was confused. Hindi niya sana tatanggapin ’yong jacket kung hindi ko siya pinilit na kuhain na iyon para hindi siya lamigin.
After that, sinuot na nga niya ito. Napatingin siya sa akin at tipid na ngumiti.
“Salamat… K-Kent,” she said. That was the first time I heard she uttered my name.
Ewan ko. Nang tumingin ako sa bintana matapos niyang magpasalamat sa akin, I just found myself smiling. And I don’t know the reason at all.