Chapter 28

2606 Words
Monica’s Point of View KINABUKASAN ay magkasabay ulit kami ni John na pumasok sa SJU. Alas sais pa lang ng umaga ay nasa labas na siya ng boarding house. Naghihintay siya sa akin. Saktong pagpatak ng alas-trenta ay bumaba na ako upang salubungin siya. Ang masayang mukha niya ang bumungad sa akin, sabay lahad ng kamay niya upang kunin ang dala-dala kong tote bag. Pero hindi ko iyon ibinigay kasi ayoko na lagi na lang siya ang nagdadala ng gamit ko. May sarili naman akong kamay. Ako na ang bahala magdala ng mga gamit ko. “Sesss! Wait for me!!!” Papalakad na sana kaming dalawa nang marinig ko ang sigaw ni Chepai habang nagtatakbo siya pababa ng hagdanan. Nang makalabas siya, hingal-hingal siyang lumapit sa akin. Basa pa ang buhok niya at kapansin-pansin na hindi pa siya nakakapag-ayos ng sarili. “Sabay na tayo,” dagdag pa ni Chepai sa akin habang hinihingal. “Oh siya. Tara na.” Napagdesisyunan naman naming tatlo na umalis na sa boarding house dahil malapit ng mag-alas syete. Kailangan ko ng magmadali dahil baka ma-late pa ako sa ika-unang subject na papasukan ko ngayong umaga. Papasakay na sana kaming tatlo ng tricycle nang biglang may isang magarang itim na motor ang huminto sa aming harapan. Sakay niyon ang isang payat at maputing babae. Astigin ang kilos nito. Casual ngunit magara ang suot nito na kulay itim lahat.  Doon lang namin napansin ang mukha niya nang hubarin niya ang suot na helmet. Maganda ito, maputi at maganda ang pilik-mata. Matangos din ang ilong ng babaeng nasa harapin namin at mahaba at makulot-kulot ang itim nitong buhok na biglang lumugay nang hubarin niya ang suot na helmet. Hindi ko alam kung ano’ng gayuma ang sumanib sa pagkatao ko dahil parang na-attract ako sa kagandahan niya. “Ah, siya nga pala, guys. Si Anna,” pagpapakilala naman ni Chepai sa aming dalawa ni John nang makababa ng motor ito. Napansin ko na matangkad din pala itong si Anna. Kasi hanggang balikat lang kasi niya si Chepai no’ng nagtabi silang dalawa. “Anna? Suntukin kita diyan. Ibaon mo na sa hukay ’yang pangalan kong iyan. Hindi na iyan ang pangalan ko,” sagot naman ni Anna kay Chepai na katabi na niya ngayon. Doon lang ako natauhan dahil sa sinabi niya. Mukhang ito na yata ’yong kaibigan ni Chepai na lesbian. Wala ng iba. Tumingin muna si Anna sa amin ni John sabay ipinakita nito ang matamis nitong ngiti. Parehas yata kaming natunaw sa ngiti niyang iyon sa amin. Ang ganda ng ngiti niya. Hindi nakakasawang tingnan. “Hi. I’m Ae. Nice to meet you.” Ae? Sigurado ba siya? Ang weird naman ng name niya, sabi ng isip ko. Nang maglahad ng kamay si Ae sa amin, automatic na inabot ni John ang kamay nito. Excited na excited yata ang kumag na makipag-kamay dahil ang totoo niyan ay sobrang gandang-ganda talaga siya kay Ae. Sa sobrang ganda niya, puwede na siyang sumali sa Miss Universe. Pagkatapos na makipagkamay si John dito ay ako naman ang sumunod. Mabilis lang iyon at muling akong napatabi sa kababata kong nananatiling nakatingin pa rin kay Ae dahil nga sa nagagandahan ito. Siniko ko na siya para matigil na ’yang kakatitig niya kay Ae. Baka kasi matunaw na ito. “Siya nga pala, gusto ko lang kayong ma-aware, lalo ka na,” sabi pa ni Ae sabay turo kay John sa huling salita nito. “I’m lesbian.” Hindi na ako magugulat pa kasi naikwento na rin iyan ni Chepai sa akin. Pero si John, ini-expect ko na na magugulat siya. At ganoon nga ang nangyari. “Tomboy ka?” gulat na tanong ni John. “Hindi ba obvious?” nakangiti pa ring sagot naman ni Ae. “Hindi. Sa ganda mong ’yan, tomboy ka?” Muli kong siniko si John kasi ayoko na sumobra siya sa ibinubukang-bibig niya. “John, tama na.” Kaya sa sinabi kong iyon, bigla na naman akong inasar ni Chepai. Hay naku! Kahit kailan talaga ay hindi mawala-wala ang mga mata ni Chepai sa akin. “Uy! Monica, nagseselos! Ayiieeh!” ani Chepai sa tonong pang-aasar. Inirapan ko na lang siya sabay iling ng aking ulo. Jusko! Ang aga-aga! Inaasar na ako! “Hindi. Ang sa akin lang, naa-appreciate ko ’yong kagandahan ni Ae. Pero ang totoo, ikaw pa rin ang maganda sa aking mata. Wala ng iba,” sabat naman ni John sa akin habang nakakalokong nakangiti siya. Isa pa ito! Nang-asar pa! “Hay naku! Pinagtutulungan niyo na akong dalawa, ah. Lagot kayo sa ’kin mamaya. Mabuti pa umalis na tayo. Male-late na tayo,” nasabi ko na lang para matapos na itong pag-uusap namin. Nagki-cringe ako sa ka-kornihan ni John. Sa sobrang corny niya, gusto ko na yata maging bingi o kaya takpan ng tampon ang dalawang tenga ko para hindi ko marinig ang sinabi niya. Humarap muna ako kay Ae at Chepai upang magpaalam na mauuna na kami ni John. Tumango lang ng ulo ang dalawa bilang pagsang-ayon at nagpaalam din si Chepai sa akin na sa motor na lang daw ni Ae siya sasakay. Hindi na ako nagdalawang-isip kaya tumango na lang din ang ulo ko upang pumayag. Kaagad naman kaming sumakay ni John ng tricycle. At lulan sa loob ay nag-uusap naman kaming dalawa. “Ikaw, ah. Mukhang natulala ka yata sa kagandahan ni Ae kanina, ah.” Napatingin si John sa akin at naroon pa rin ’yong nakakapang-asar niyang ngiti. “Bakit? Nagseselos ka?” Disgustong napatingin ako sa kanya. “Asa ka pa! Hindi ’no. Ba’t ako magseselos?” “Sa tono mo pa lang ng boses mo, eh, parang nagseselos ka,” dagdag na pang-aasar niya sa akin. “Ang kapal talaga ng mukha mo. Hindi ako nagseselos. At kailan man ay hindi ako magseselos kapag tumitingin ka sa ibang babae. Hindi ako katulad mo, ’no,” sagot ko sa kanya. Pagkatapos no’n, bigla siyang natigilan at napalingon sa ibang direksyon. O, ’di ba! Natamaan siya sa sinabi ko. Eh, ’di napatunayan ko rin na nagseselos nga siya sa tuwing nakatingin din ako sa ibang lalaki. Nagde-deny pa siya. Hindi ko na lang siya inasar pa kasi bigla siyang naging cold sa akin. Buong biyahe ay tahimik lang si John sa tabi ko. Mukhang natamaan talaga siya ng sobra sa sinabi ko. Hindi na siya makaimik, eh. Naputol na lamang iyon nang biglang mag-vibrate ang kanyang cell phone. Kinuha niya ito sa suot niyang jeans. Kaagad na binuksan ito upang basahin ang text message. Sinubukan ko pang lihim na tingnan kung sino iyon. Ngunit hindi ko makita. Maya-maya, nagulat ako ng bigla niyang ibigay sa akin ang cell phone niya. Saka siya nagsalita. “Nakalimutan kong sabihin na may text message na dumating para sa iyo kagabi.” Hindi ko mapigilan ang magtaka, kasi sino ba naman ang magte-text sa akin. “Sino raw?” “’Yong juice bar na in-apply-an natin. Pinapa-confirm ka kung tutuloy ka sa special interview ngayong Sabado.” Siyempre, nagulat ako sa sinabi ni John. Lalo na no’ng sinabi niya na special interview raw. Bakit special interview? Bakit may ganoon? Kinuha ko naman ang cell phone ni John at saka binasa ang text message na iyon. Nakaka-dalawang text na pala ang HR tungkol sa special interview na ito ’tapos ngayon ko lang malalaman. Binasa ko nang malakas ang text message na iyon. “Good evening, Ms. Bautista. This is Stephanie again, the Assistant Manager/HR of the **** Juice Bar. We are glad to inform you that we would like to give you a special job interview this coming Saturday at 10:00 AM. No need to bring anything. Just beep me here if you are still interested for the job. Thank you.” Doon ako biglang natahimik nang matapos kong basahin ang text message. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa special interview. Nagtanong na ako kay John kung meron ba siyang natanggap na text message na para sa kanya. Umiling naman siya sa akin bilang sagot. “Wala. Ikaw lang. Mukhang hindi yata ako qualified sa trabahong iyan kaya ikaw lang ang nakatanggap ng text sa ating dalawa. Ano na ang plano mo? Tutuloy ka o hindi?” tanong ni John sa akin. Sakto namang tumigil ang sinasakyang tricycle namin sa tapat ng main gate ng SJU. Nagpresinta ako na ako na muna ang magbabayad ng pamasahe naming dalawa dahil si John ang nagbayad kahapon. Pagkababa naming dalawa, nagpatuloy ako sa pakikipag-usap sa kanya. Sa puntong iyon, nagdadalawang-isip pa ako kung tutuloy ba o hindi. Kasi ayoko naman na pabayaan si John na hindi rin siya makaka-interview sa trabahong in-apply-an naming dalawa. Siya pa naman ang nag-offer sa akin na mag-apply sa juice bar na ito tapos ako lang ang makakatanggap ng ganitong text sa aming dalawa. “Paano ka?” nag-aalalang tanong ko kay John. Ngumiti siya sa akin. “Ano’ng paano ako?” “Nag-aalala ako sa iyo. Bakit hindi ka nakatanggap ng ganitong text message? Bakit ako lang?” “Ayaw mo no’n? Oportyunidad na ang kumakatok sa iyo para magkaroon ng part time na trabaho. Kaya reply-an mo na iyan at sabihin mong pumapayag ka sa interview.” Mabilis niya akong inakbayan. “At kung nag-aalala ka sa akin dahil hindi kita masasamahan, ’wag kang mag-alala. Nandito lang ako para suportahan ka. ’Wag mo na akong alalahanin pa. Alam kong matatanggap ka sa trabahong iyan at magiging masaya ako kapag nangyari iyon. Kaya, sige na, reply-an mo na.” Nag-aalala pa rin ako. “Paano ka nga?” mangiyak-ngiyak kong tanong ulit kasi ayoko na may naiiwan sa aming dalawa. Gusto ko kapag nagkatrabaho ako ay magkaroon din siya ng trabaho. “Eh, ’di maghahanap ako. Madali lang iyon.” Matagal akong nakatingin sa kanya kasi sobrang nag-aalala talaga ako kay John. Ayan! Nago-overthink na naman ako. Pansin na pansin ni John ang hitsura kong nag-aalala. Pero imbes na mabahala siya sa akin, mas pinilit pa ng kababata ko na matawa dahil sa hitsura ko. Bigla na lang niya akong niyakap. Mas lalo pa niya akong in-encourage na tumuloy na do’n sa interview sa darating na Sabado. Kahit nagdadalawang-isip pa man ako ay na-reply-an ko na ang HR na pumapayag ako sa job interview. Wala, eh. Pinilit na ako ni John at kitang-kita ko sa mata niya kung gaano siya kasaya no’ng napapayag niya ako. Maiisip ko na lang talaga na sobrang suwerte ko sa kababata kong ito. Napaka-supportive niya para sa akin. Hindi siya makasarili at ni isa ay hindi naging utak-talangka ang pag-iisip niya. Salamat, John, dahil naging kaibigan kita! nasabi ko na lang sa isip ko habang sabay kaming dalawa na naglalakad papasok ng gate ng SJU.   ARAW ng Sabado. Alas nuwebe ng umaga nang umalis ako sa boarding house. Hinatid lang ako ni John sa sakayan ng tricycle kasi gusto raw niya akong makita na umalis. Nakahanda ako sa posibleng mangyari ngayong araw. Mabuti na lang at pinahiram ako ng damit ni Chepai kagabi. Hindi raw kaaya-aya tingnan ’yong mga damit na nakatago sa cabinet ko kasi hindi raw iyon pang-job interview attire. Kaya pinahiram niya ako ng neutral blouse na kulay violet. Mild pattern lang ito kaya parang simple lang siyang tingnan. Pinahiram din ako ni Chepai ng itim na chinos pants. Maganda raw iyon kasi terno siya sa violet kong blouse. At saka hindi mawawala ang ballet flat shoes niya na kulay beige. Ang panget daw kasing tingnan kung magsusuot ako ng rubber shoes. Kaya, eto, nagmukha akong disenteng tingnan kahit sa isang araw lang. Life-saver ko talaga itong si Chepai. Salamat sa kanya! Nang makarating kami ni John sa sakayan ng tricycle, kaagad akong nagpaalam sa kanya. Pinaubaya niya muna sa akin ang cell phone niya at baka kailangan ko iyon in case of emergency. Tinanggap ko iyon at muling nagpaalam sa kanya. Nagulat pa nga ako nang bigla niya akong niyakap at halikan sa pisngi, eh. Wala namang namuong malisya sa loob ng utak ko sa ginawa niya kasi baka naman ginawa lang niya iyon para bigyan niya ako ng courage na maging matatag ako sa interview, o kaya naman good luck kiss, ganon. Pero parang gawain ng mag-jowa ’yong ginawa niya, eh. Hay naku! ’Di ba nga walang namumuong malisya sa isip ko? Ano ba naman iyan, Monica!? In fairness, no’ng nakasakay ako sa tricycle, doon ko lang napansin na fresh na fresh siyang tingnan sa suot niyang sleeveless basketball jersey shirt na kulay blue at tinernuhan lang iyon ng itim na shorts niya. Ang guwapo niya tuloy sa posturang iyon. Ang suwerte talaga ng magiging girlfriend ni John, naisip ko na lang. Nang makarating ako sa juice bar, sinalubong kaagad ako ng isang babae roon. Siya na yata ’yong HR kasi namumukhaan ko siya noong nakaraang araw na siya ’yong tumanggap sa bio data na pinasa namin ni John. Siya na yata ’yong Stephanie na nagpakilala sa text message. Bagkus, wala rin namang tao sa juice bar kundi siya lang. “Hi, Ms. Bautista. I’m Stephanie. I’m glad that you come,” nakangiting bati ni Stephanie pagkatapos ay nakipagkamay pa siya sa akin. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya. “Hello po, Ma’am Stephanie,” nahihiya ko pang tugon sa kanya. Medyo natakot at nailang ako bigla kasi sobrang formal kumilos nitong si Stephanie. Mabuti na lang hindi ganoon kasungit ang mukha niya. Lagi siyang nakangiti sa akin at nakakadala ang pagka-lovely ng mukha niya. Pinapasok niya lang ako roon sa office niya para raw masimulan na ang interview. Nagpakilala siya sa akin na assistant manager daw siya ng juice bar na ito at hindi lang din HR ang role niya. Dahil daw bagong tayo ang juice bar, kakaunti pa lang daw muna ang iha-hire nilang mga tao. Nag-explain pa siya sa proseso ng interview at sinabi niyang initial interview pa raw ang mangyayari ngayon. Sa final interview ay ang manager na raw ang makakaharap at makakausap ko kaya bigla naman akong kinabahan. Nagtanong ako sa kanya kung bakit special interview ang ginawa sa akin. Sabi niya, nakita raw ng boss niya na most qualified daw ako sa trabaho. At ako ang pinakaunang sasabak sa interview bago ang ibang applicants na nag-apply. Masaya pero may kaunting takot akong naramdaman. Ano naman ang nakita ng boss niya sa akin kung bakit most qualified ako sa trabahong ’to? Eh, wala naman akong experience bilang serbidora. Naging madali lang ang interview na iyon. Kalahating oras lang ay tapos na at sinabihan lang ako ni Stephanie na maghintay sa office niya para sa final interview ko maya-maya. Lumabas muna siya sa saglit at nagtitingin lang ako sa maliit niyang office. Matapos ang ilang minutong paghihintay, nakangiti siyang pumasok sa akin at sinabihan niya ako na puwede na raw akong pumasok sa loob ng office ng manager. Pinatatag ko muna ang sarili ko kasi bigla akong kinabahan no’ng pagtayo ko. Sumunod lang ako kay Stephanie sa labas at dinala niya lang ako sa kabilang office. Pinapasok na niya ako roon. “Good luck,” iyon lang ang sabi ni Stephanie sa akin bago ako makapasok. Nginitian ko na lang siya bilang tugon sa sinabi niya. ’Yon nga lang, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko nang makita ko ang manager sa loob nang makapasok ako. Kasabay niyon ang pagbilog ng dalawa kong mata at pagbukas ng bibig ko dahil sa gulat. Hindi ko maigalaw ang sarili ko sa aking kinatatayuan dahil sa nakita. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat no’ng mapag-alaman ko na si Kent pala ’yong manager ng juice bar na pinaga-apply-an ko. Oo, siya nga! Wala ng iba!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD