Kent’s Point of View MATAPOS naming ihatid si Monica sa tinitirhan nitong boarding house, napagdesisyon ko ng umuwi sa mansyon. Mabilis kong inutusan si Robe na bilisan ang pagmamaneho upang mabilis din kaming makauwi. But along the way to the subdivision, bigla na lang tumirik ang sasakyan namin sa hindi inaasahang pangyayari. Isang malakas na pagsabog sa likuran ang narinig ko. Kasunod niyon ay ang pagbulasok ng mga bala ng baril sa sasakyan ang siya ring naging dahilan upang mapada ako sa sahig ng kotse. Ganoon din ang ginawa ni Robe nang sumigaw siyang dumapa raw ako dahil sa nangyayari. Doon ko napagtanto na pinaulanan na pala kami ng mga bala ng baril ng mga taong hindi ko na nakita pa matapos ang lahat. Mabuti na lang walang masamang nangyari sa akin dahil mabilis akong nakadapa

