Kent’s Point of View
PAGPATAK ng alas siyete ng gabi nang puntahan ako ng isang katulong sa loob ng kuwarto ko. Saktong kakalabas ko lang sa bathroom niyon dahil iniligo ko na lang ang sama ng loob ko sa stepmother ko.
“Sir, may naghahanap po sa inyo sa baba,” balita ng katulong sa akin nang pagbuksan ko siya ng pinto. Naka-half naked ako, tapis-tapis ang puting tuwalya sa baba, habang nakasakbit naman sa batok ko ang isa pang tuwalya na kulay puti.
“Sino raw?”
Nagkibit-balikat ang katulong sa akin dahil wala siyang ideya kung sino ’yong babae naghahanap sa akin.
“Ako!”
Sabay naman kaming napalingon ng katulong doon sa nagsalita. Nakita ko ang masayang mukha ni Sheila. Pagkatapos ay lumapit siya sa kinatatayuan namin. Umalis naman ang kasambahay sa harapan ko at kasalukuyang si Sheila na ang kaharap ko ngayon.
“Ba’t ngayon ka lang?”
Nakita kong bumuntong-hininga si Sheila bago niya sagutin ang tanong ko. “Muntikan na akong hindi payagan ni Papa. Eh, no’ng nakita niya na ang dami kong ulam na niluto, ayun, pinayagan na niya ako. Pinahiram din niya ako ng sasakyan no’ng nalaman niya na magko-commute ako. Pero sandali lang ako rito. Aalis na rin ako.”
“Ganun ba. Teka, magbibihis muna ako.”
“Sige. Dito lang ako sa sala. Maghihintay sa ’yo.”
Matapos niyang magpaalam sa akin, mabilis ko namang isinara ang pinto ng kuwarto upang makapagbihis na ng damit.
Wala pa sa isang minuto nang lumabas na ako ng kuwarto at bumaba na sa hagdanan. Nadatnan ko si Sheila na kasama si Kenji roon sa sala. Nakita ko na may ginagawa silang dalawa.
“Kuya Kent, may pasalubong si Ate Sheila sa akin, oh,” masayang sambit sa akin ni Kenji nang makita niya akong pababa ng hagdanan. May hawak-hawak siyang isang box ng donut. Iyon ang tinutukoy niyang pasalubong daw ni Sheila sa kanya.
Hindi ko pinansin ang kapatid ko. Mukhang masaya naman siya ngayon kahit na napalo ko siya kanina. Napapansin ko talaga na hindi ganoon masyadong nagkikimkim ng galit ang kapatid ko. Madali lang siyang nakaka-move on ’tapos nagiging masaya na naman siya.
“Gusto mo, Kuya?” sabi pa ng kapatid ko nang makalapit siya sa akin. Inilahad pa niya ang box ng donut na iyon sa harapan ko at umismid na tumingin lang ako sa kanya.
“Ayoko. At puwede ba, ’wag mo kong kakausapin,” masungit kong tugon sa kanya kaya malungkot na umalis ito sa harapan ko dala-dala pa rin ang box ng donut sa dalawang kamay niya.
Napatayo naman si Sheila at lumapit siya sa akin. Mahinang hinampas pa niya ako sa balikat ko. “Eto naman! Ang sungit-sungit. Mabuti nga’t binibigyan ka ng kapatid mo.”
“Hindi ko siya kapatid. Wala akong kapatid,” nanggigigil kong sagot kay Sheila.
“Kahit na. Hindi ka dapat ganyan sa stepbrother mo. Sige ka, kapag lumaki ’yan at lagi mong sinusungitan, hindi ka talaga makakalapit sa kanya kapag dumating sa puntong hihingi ka ng tulong balang-araw.”
“Bakit naman ako hihingi ng tulong sa bubwit na ’yan?” Napatingin pa ako kay Kenji upang i-emphasize na siya ang tinutukoy kong bubwit. Kasalukuyan namang walang kamalay-malay ang kapatid kong iyon doon sa sofa habang nilalasap ang masarap na donut na bigay sa kanya ni Sheila. “Eh, wala nga’ng naitulong iyan sa akin kundi sakit sa ulo,” dagdag ko pang saad kay Sheila.
“Ang harsh mo ah. Oh siya, hindi na kita pipilitin. Alam ko naman ang rason kung bakit ganyan katigas ang puso mo sa kapatid mo,” Lumapit si Sheila sa akin at akmang may ibubulong sa tenga ko, “lalo na roon sa stepmother mo.” Sabay kindat ng isang mata niya.
Napailing ako sa ginawa niya at hindi na lang nagsalita. Ngumiwi ako at ang boses ng stepmother ko ang nagpaputol ng pag-uusap naming dalawa ni Sheila.
“Sheila, Hija, salamat sa Menudo at Pinakbet na niluto mo, ah,” ani Olivia nang makalapit siya sa aming dalawa. Kaharap niya si Sheila.
“Walang anuman po. Napadami po ako sa pagluluto kanina. Sana po ay masarapan kayo sa luto ko,” nakangiting tugon naman ni Sheila sa stepmother ko. Napatingin pa sa akin si Olivia pero kaagad ko namang inalis ang tingin ko sa kanya. Napahawak na lang ako sa batok ko habang ang isang kamay ko ay nakalagay sa bulsa.
Iniiwasan ko ang tingin ni Olivia dahil namumuot sa dibdib ko ang pagka-awkward sa kanya dahil nga sa nangyari kanina. Sumabay roon ang katahimikan dahil wala ng nagsalita ni isa sa amin habang magkaharap kaming tatlo. Pinutol naman ni Sheila ang katahimikang iyon kasi mukhang nakaramdam na rin yata siya ng pakasaliwa.
Tumikhim siya bago nagsalita. “Ahm, Tita, alis na po pala ako. Kukunin ko na lang po ’yong Tupperware sa susunod na araw.”
“Ay, Hija, kumain ka na ba?” tanong naman ni Olivia kay Sheila.
“Ahm, h-hindi pa po.”
“Sakto. Sumabay ka na lang sa amin at kakain na rin kami ngayon. Para naman sabay nating tikman ’yong masarap na ulam na niluto mo.”
Napatingin pa sa akin si Sheila dahil sa sinabi ni Olivia sa kanya. Sa tingin ni Sheila sa akin ay parang humihingi siya ng tulong kung papayag ba siya o hindi. Pero sa huli, napagdesisyunan na lang niya na pumayag sa gusto ni Olivia.
“Nakakahiya… pero… sige po. Sasabay na lang po ako sa inyong kumain ng dinner,” sagot na lamang niya at tipid na ngumiti siya sa akin dahilan na parang napilitin siyang pumayag.
Tinawag ni Olivia ang anak niyang si Kenji upang anyayahan itong kumain. Naunang umalis ang dalawa papuntang dining area at magkasabay naman kaming dalawa ni Sheila na sumunod sa mga ito.
TAHIMIK kaming lahat habang salu-salo kaming kinakain ang hapunan sa hapag-kainan. Nasa gitna nakaupo ang ama kong si Shan. Nasa kaliwang bahagi naman nito si Olivia at nakapuwesto naman ako sa kanan niya, kaharap si Olivia.
Katabi naman ng stepmother ko ang anak niyang si Kenji habang katabi ko naman si Sheila. Wala ni isa sa aming lahat ang nagsasalita, lalo na si Sheila na hindi yata kumportable sa kanyang kinauupuan.
Napatingin na ako sa kanya at hinawakan siya sa binti. “Are you okay?”
Pilit na ngumiti siya sa akin at sabay na tumango ng ulo. “Oo. Okay lang ako. Medyo nahihiya lang ako,” pabulong na sagot ni Sheila sa akin.
“Hija, kumain ka ng marami. Magpakabusog ka, ah. ’Wag kang mahihiya,” sabi naman ni Olivia kay Sheila nang marinig nito ang pinag-uusapan naming dalawa.
“Ah, opo. Thank you po ulit, Tita, Tito,” ani Sheila sa stepmother ko at sa ama kong si Shan.
“By the way, how are you, Sheila? Kumusta na pala ang papa mo. Ang tagal na rin noong huli kaming nagkita ni Manuel.”
“Ahm, maayos lang naman po si Papa, Tito. He’s been very busy these past few days. Marami po kasing trabaho sa university lalo na’t kakasimula pa lang po ng 1st semester.”
“Ganoon ba. Ikumusta mo na lang ako sa kanya. Sabihin mo, inaanyayahan ko ulit siyang mag-firing kaming dalawa kung hindi na rin ako busy sa business. Alam mo na, we need to take our priorities first. Iyon ang importante,” sagot naman ng ama ko kay Sheila pero ang tingin niya ay nakapukol sa akin. Parang pinaparinggan niya ako.
Sinubukan kong yumuko at nagpatuloy lang sa pagkain ko. Hindi na rin ako nagsalita dahil kung sasabat ako ay baka lumaki pa. Mapunta pa sa gulo.
“Y-Yes po, Tito. Tama po kayo. Sasabihin ko po kay Papa iyan. Makakarating po sa kanya,” iyon na lamang ang sinagot ni Sheila sa ama ko. Naramdaman ko na lang ang kamay niyang nakapatong sa binti ko. Mahinang pinisil niya iyon kaya palihim na tiningnan ko siya.
Napansin kong nakatingin din siya sa akin at mukhang may ipinapahiwatig ang mata niya. Kahit hindi man niya sabihin ay alam ko na ang ibig sabihin niyon—-na pahabain ko po ang aking pasensya at intindihin na lamang ang ama.
Mapait na ngumiti lang ako kay Sheila at muling nagpatuloy sa kinakain ko. Saka naman din siya nagpatuloy ng sa kanya.
“But we also need to protect ourselves. Nabalitaan mo naman yata na na-ambushed ang sinasakyan ni Kent. Hindi pa namin kilala ang suspek kung sino ang gumawa nito. Ikaw rin, Hija, mag-iingat ka. Napakadelikado na ng panahon ngayon.”
“Yes po, Tito. Salamat po sa pag-remind. Iyon din po kasi ang sadya ko kung bakit po ako pumunta rito. Gusto ko lang po kumustahin si Kent nang mabalitaan ko ang nangyari sa kanya,” saad naman ni Sheila.
“I’m okay. You don’t have to worry,” tugon ko kay Sheila nang tingnan ko siya.
Maya-maya, nag-change topic naman kami sa pinag-uusapan namin. This time, napunta ang usapan sa lovelife ni Sheila dahil sa ka-daldalan at ka-chismosaan ni Olivia.
“Ahm… eh…” Napakamot si Sheila sa tanong sa kanya ni Olivia. Hindi malaman kung sasagutin ba niya ito o hindi. “W-Wala pa po. Hindi ko pa po priority iyan sa ngayon. Sabi nga po ni Tito Shan, we need to take our priorities first. Kaya iyon po ang ginagawa ko sa ngayon.”
“Good to hear. Pero kahit manliligaw ay wala ka? Maganda kang babae, Hija. Hindi ako maniniwala kapag sinabi mong walang nanliligaw sa iyo,” mapanukso pang saad ng stepmother ko sa kanya.
“Ahm… M-May nanliligaw naman po. Pero hindi ko pa po siya sinasagot.”
Doon ako gulat na gulat na napatingin kay Sheila. Nagulat ako sa sinabi niya dahil ang sa pagkakaalam ko ay walang nanliligaw sa kanya. Bakit ngayon ko lang nalaman ito?
Nang tingnan ko siya, biglang napatingin din siya sa akin. Hindi ako nagsalita at nakatutok lang ang mga mata ko kay Sheila. Mukhang naiintindihan niya ang sinasabi ng mga mata ko kaya pabulong na nagsalita siya sa akin.
“We will talk about this later,” iyon lang ang sabi niya sa akin sabay tingin niya ulit sa dalawa upang kausapin muli ito.
“Well, as what I’ve said, you’re so beautiful, Sheila. Masuwerte ang magiging lalaki sa buhay mo dahil bukod sa maganda ka, masarap ka rin magluto. Puwede ka ng mag-asawa,” pagpapatuloy pang pagko-compliment ni Olivia habang natatawa ito dahil sa biro na kanyang isinambit sa huli.
“I agree. Masarap ang ulam na niluto mo, Hija. Sayang lang dahil kung hindi pa nakatali itong si Kent ay gusto kong ikaw ang maging asawa niya. I will force him to court you and marry you. But he’s been arranged marriage and he will meet his future wife next week.”
Pagkatapos kong magulat sa sinabi ni Sheila ay ganoon din ang pagkagulat ko sa sinabi ng aking ama. Napasinghap tuloy ako at nagsalita. “What!?”
“You will meet your soon to be wife next week so be prepared, that’s all I need to tell you lately. Mabuti na lang hindi ko nakalimutan,” iyon lang ang sinagot niya sa akin bago niya inumin ang alak niyang nakalagay sa glass goblet.
Napasagitsit ako ng malakas dahil sa inis. “F*ck the arrange marriage! Hindi mo ba pakikinggan ang side ko tungkol sa bagay na iyan!?” Medyo tumataas na ang boses ko ngayon. Dahil sa pagtaas ng boses ko ay ganoon naman ang pagtigil sa pagnguya ng iba ko pang mga kasama.
Muling hinawakan ni Sheila ang binti ko upang pakalmahin ako pero hindi ko yata iyon magagawa. Umiiral na naman ang init ng ulo ko.
Nitong mga nakaraang araw, akala ko nakalimutan na ng ama ko ang arrange marriage na ito dahil wala na akong narinig na balita tungkol sa bagay na ito. Kaya nag-expect ako na hindi na yata matutuloy ang arrange marriage sa babaeng hindi ko naman kilala.
Pero mali ako. Nasa isip pa rin pala talaga ng ama ko ang pagpapakasal ko sa ibang babae na hindi ko pa nakikita. At ngayon, pinapaalam na niya sa akin na magkikita na kami ng babae sa susunod na linggo.
“Hey, watch your mouth! You already marked your word that you will engage this arrange marriage soon. Sinabi ko rin sa iyo na sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka. Nauntog ka ba kaya gusto mong ipa-remind ko ulit sa iyo ito ngayon?”
“Puwes! Sa ayaw at sa gusto mo rin, ayokong magpakasal. That’s my final word! Excuse me,” matigas na sagot ko kay Shan saka ako tumayo sa pagkakaupo ko’t umalis na sa dining area.
Narinig ko pa ang nanggagalit na boses ng ama ko habang tinatawag niya ang pangalan ko. Pero hindi ko siya pinakinggan dahil dali-dali akong umalis doon at umakyat sa hagdanan upang makapanhik na sa kuwarto ko.
Muli, doon ko na naman inilabas ang galit at inis ko. At sa puntong iyo ay para naman sa ama ko.
ILANG minuto ang nakakalipas, wala pa ring tigil ang luha ko sa kakatulo. Humihikbi lang ako roon habang nakaupo sa magulo kong kama dahil iyon ang pinagbuntuhan ko ng galit kanina.
Wala na talagang mapili sa kanilang lahat. Silang lahat ang laging dahilan kung bakit ako naiinis ngayon. Lahat ng gusto nila ay dapat kong sundin. Nasasakal na ako! Gusto ko ng makawala sa kulungan na ito! Pero paano?
Napahilamos na lang ako ng mukha gamit ang dalawa kong kamay. Kasabay niyon ang pagpahid ng luha ko nang biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto.
Hindi sana ako sasagot kung hindi magsasalita ang taong nasa likod ng pagkatok na iyon. Ang boses ni Sheila ang narinig ko. Mahina at sunod-sunod na katok ang ginagawa niya.
“Kent, are you alright?” narinig ko pang sabi niya.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako tumayo’t lumapit sa pinto para pagbuksan siya. Nang buksan ko ang pinto, ang nag-aalala niyang mukha ang tumambad sa harapan ko.
“Hey, kailangan mo ng kausap? Nandito ako,” ani pa niya. Wala naman akong magawa dahil gusto ko talaga ng may malalabasan ng sama ng loob sa ama’t ina-inahan ko, at si Sheila ang laging nasa tabi ko para gawin iyon.
Hinawakan ko ang kamay ni Sheila upang papasukin siya sa loob ng kuwarto ko. Isinara ko ang pinto at ini-lock iyon para walang makapasok at makaistorbo sa pag-uusap naming dalawa. Saka ko ginaya siya papunta sa kama upang doon umupo.
“Sige. Kung ano man ang gusto mong sabihin sa akin, sabihin mo na. Mas masarap sa pakiramdam kapag nilalabas mo ’yang poot diyan sa puso mo. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Narito ako para damayan at pakinggan ka.”
At doon na nga nagsimula akong magdrama sa harapan niya. Sinabi ko ang lahat ng galit at poot ko sa ama at sa stepmother kong si Olivia: kung gaano ko sila kinamumuhian sa buhay ko, kung gaano ko sila kinaaayawan, kung gaano ako nasasakal sa kagustuhan nila. Gusto kong mabuhay ng mapayapa at malaya pero hindi ko magawa.
Alam kong paulit-ulit ko na itong isinasambit kay Sheila. Nagpapasalamat naman ako dahil hindi siya nagsasawang pakinggan ang saloobin ko.
Dumating din sa point na pinag-usapan ulit namin ni Sheila ang arrange marriage, kung gaano ako tutol sa bagay na ito.
“Ayokong magpakasal, Sheila. Ayokong itali ang sarili ko sa hindi ko naman gusto. Kapag sinunod ko ang gusto ng ama ko, baka hindi na ako makalaya pa sa buhay kong ito. Iyan ang sabi sa akin ni Mommy noong nabubuhay pa siya. Natatakot akong maging katulad niya.
“She’s also been arranged marriage to my Dad. At first, tutol siya sa pagpapakasal sa ama ko. Pero napapayag siya para sa pangalan at negosyo ng kanyang pamilya. Hindi niya minahal si Daddy. Hanggang sa mamatay siya ay bukang-bibig niyang hindi niya minahal si Daddy. Ayoko rin matulad sa ina ko. Ito ang dahilan kaya ako malakas na tumututol sa kagustuhan ng ama ko ngayon. Please help me, Sheila. Tulungan mo ako,” saad ko pa kay Sheila nang hawakan ko ang magkabilang balikat niya. Nagdadalamhati ang puso ko habang nakatingin sa kanya.
“Pero paano? Hindi ko rin alam kung paano mapapahinto iyang arrange marriage mo sa ibang babae. Wala rin kasi akong lakas para matulungan ka. Siguro—”
“Siguro ano!? Siguro dapat sumunod na lang ako sa gusto niya, ganoon ba ang ibig mong sabihin!? F*ck!” Hindi ko na naiwasan pang magmura nang muli akong mapatayo sa pagkakaupo ko sa kama.
Nahilamos ko ulit ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay dahil sa frustrations. Pumunta ako roon sa bintana upang mag-isip ng solusyon para matigil itong kahibangang gusto ng ama ko.
And then suddenly an idea came to my mind. Napatigil ako nang maisip ko iyon. Para sa akin, kabaliwan itong naiisip ko. But I’m sure na gagana ito.
Dahan-dahan akong napatingin kay Sheila at lumapit sa kanya. Muli akong umupo sa kama at hinawakan ulit siya sa magkabilang balikat niya.
“I have something to tell you,” sabi ko na lamang.
“Ano ’yon?”
“May naisip akong ideya para hindi matuloy ang arrange marriage…”
“Ano nga?”
Matagal akong hindi nakapagsalita dahil baka magalit siya sa sasabihin ko. Nagdadalawang-isip ako. Pero sa huli, malakas kong sinabi kay Sheila ang gusto kong mangyari ngayon.
“I will make you pregnant. Iyon lang ang paraan para hindi matuloy ang arrange marriage na ito.”
Gulat ang sumaklob sa mukha ni Sheila nang marinig niya ang sinabi ko. Binale-wala ko iyon, instead, mabilis kong isiniil ng halik ang labi niya upang gawin ang gusto kong plano.