Monica’s Point of View “JOHN!? Uy! Teka lang! Ang bilis mo maglakad! John!” saway ko dahil hindi ko na kaya ’yong pagkakaladkad niya sa akin. Kahit ano’ng gawin kong pagpigil sa kanya, ayaw niyang makinig sa akin. Bingi yata ’tong kumag na ’to! “John!” Dahil sa inis ko, malakas na piniglas ko ang kamay ko na hawak niya at saka kami tumigil sa paglalakad. Humarap siya sa ’kin pagkatapos. “Ikaw, ah! Ano ba ang problema mo? Kinakaladkad mo na ako,” nakabunsangot ang mukha kong reklamo sa kanya. Hindi siya nagsalita bagkus bumuntong-hininga lang siya. Ni hindi nga rin niya maibaling ang mata niya sa akin. Naiilang yata siya. Ano kaya ang problema ng kumag na ’to? “Okay ka lang? Ayaw mo kasing makinig sa akin, eh,” sabi ko pa habang hinihilot ko ang palapulsuhan ko dahil sa pagkakahawak ng

