Sheila’s Point of View KASALUKUYANG nasa Gym ako ng SJU dahil kasama ko ulit ang mga kaibigan ko na sina Ivy, Lassy, Hannah, at Geneva. As usual, ganito ang daily routine naming lima sa tuwing wala na kaming klase tuwing hapon. Niyayaya kami ni Lassy na manuod ng basketball practice ng kanyang boyfriend na si Vincent. Etong maharot na baklang ’to! Nagkaroon ng guwapong jowa na hindi ko alam kung paano nangyari. Syempre! Dahil sissy ko naman ’tong si Lassy ay full support ako sa relasyon nilang dalawa. Hindi ko nga lang talaga maiwasan na mainggit kasi may boyfriend siya! Natalo pa ako na tunay na babae sa kanya! Narinig ko bigla ang tiliin nilang apat sa tabi ko dahil nakapuntos ng tatlo si Vincent. Umismid na lang ako dahil sa kaingayan nila. Para silang nanunuod ng liga, eh basketb

