Monica’s Point of View HINDI KO mapigilan ang sarili ko na magpabalik-balik sa paglalakad habang tinatawagan ko ang cellphone ni Kent. Ilang beses ko na siyang kino-contact pero sinasagot lang ako ng isang prompt call. Pasado alas otso na ng gabi at hanggang ngayon ay nananatiling inaalala ko pa siya. Nasaan na kaya ang lalaking ’yon? Saan kaya iyon nagpunta? “Monics, hindi ka ba nahihilo sa ginagawa mo? Kanina ka pa ganyan,” narinig kong sabi ni Chepai sa ’kin habang nakaupo siya roon sa upuan na gawa sa rattan. Kasalukuyang nasa malaking sala kaming dalawa ni Chepai. Napatingin naman ako sa kanya. “Hindi ako mapakali. Nag-aalala lang ako kay Kent.” “Napa-praning ka lang. Baka umuwi na ’yong tao sa kanila at nagpapahinga. Ikaw lang ’tong masyadong nago-overthink.” “Paano kung hindi?

