Monica’s Point of View NANG PUMATAK ang alas singko ng hapon ay naisipan ko na ngang puntahan si Kent sa tinitirhan nitong mansyon upang kumustahin siya. Hindi ko pa rin siya sinusukuan na tawagan pero hanggang ngayon ay prompt call pa rin ang pumuputol sa tawag ko sa kanya. Papalabas na sana ako nang madaanan ko si Jackie papasok ng department. Hindi niya ako nakita kahit na obvious naman na nasa harapan na niya ako kaya tinawag ko siya. O baka naman hindi niya lang ako pinapansin. Nitong mga nakaraang araw ay nakikita ko na iniiwasan niya. May problema ba? Napansin ko na may dala-dala siyang isang box na puno ng mga documents. Hindi ko alam kung ano iyon. Napalingon si Jackie sa akin matapos ko siyang tawagin. Pilit na ngumiti siya habang papalapit ako sa kanya. Nakita ko ang pag-iwa

